Chapter 50

8.6K 154 18
                                    

       

     Jasmine ,

      Nakatayo na ako sa may edge ng building, pinikit ko mga mata ko. Natatakot ako sa gagawin pero pagod na pagod na ako lahat ng taong mahal ko kinuha na nya. Kaya siguro tama lang na tapusin ko na lang buhay ko,wala ng natira sa akin. Nang biglang may nasalita sa likuran ko,

      "Ne anong ginagawa mo dyan. Jesusmaria! halika dito naku anak kahit gaano ka laki ang problema mo hindi yan tama ang binabalak mo.."sabi ng isang matanda babae sa akin.

      "Nay hayaan nyo na po ako wala naman pong silbi ang buhay ko..."sagot ko sa kanya.

     "Dios ko bata ka,alam hindi matutuwa magulang mo sinagawa mo. Gusto mo ba malulungkot sila pag nawala ka.."sabi nya ulit.

      "Wala na po sila kinuha na rin si dios..."sagot ko sa kanya.

    "Akala mo rin ba matutuwa sila habang nakikita ka nila na nagkakaganyan. Alam ko kung ano ang nararadaman mo ngayon. Napagdanaan ko din ganyan mahirap  Pero di ko naisip ang tapusin ang buhay ko. Masarap ang mabuhay kahit mahirap at masakit kailangan labanan mo..sabi nya sa akin.

    Malapit na sya sa akin at inaabot nya kamay nya,nagulat ng bigla nagflash ang mukha ni Mama. Kaya bigla akong natakot at dali dali inabot kamay nya. Hanggang sa nahawakan na nya ako, maya maya pa nakababa na ako at niyakap nya. Naupo kami sa gilid ng wall at sabi nya magkwento daw ako tungkol pinagdaanan ko kaya ikinuwento ko sa kanya lahat lahat pati na rin ang nararamdaman kung subrang lungkot at pangungulila sa mga taong mahal ko. Maya maya pa nakita ko na lang si Tryra at Betty na patakbo papalapit sa amin.
    
     "Dios ko naman Jasmine nandito ka lang pala,mamatay ako sa nervous sayo bata ka.."sabi ni Betty.

    "Next time Jas magpaalam ka naman baka mamaya bigla ka na lang tumalon dyan,dios ko!yun ang wag mo gagawin.."sabi ni Tyra sa akin.

   "Malapit na sana buti na lang naabutan ko. Bantayan nyo sya ha..sabi ng matandang babae sa kanila.

      Nagpaalam na sya sa akin at sa kina Betty,bumaba na rin kami. Maya pa habang nakahiga ako kinabit ng mga nurse ulit yung mga nakabit sa akin kanina. At binigyan naman nila ko ng pamapatulog dahil kahit pikit ko di ako makakatulog dahil sobra punong puno yung utak ko ng kung ano ano, hanggang sa nakatulog na ako. Kinabukasan pag gising ko nakita ko si Nanay yung kausap ko kanina madaling araw at pumasok sya sa kwarto ko para magpalit ng bedsets ko at maglilinis na rin. Nakakatuwa sya kasi kinukwentuhan nya ako tungkol sa anak nya sabi nya di na nya nakita eto simula nung five years old pa eto kinuha sa kanya ang anak nya ng asawa nya.

      "Nanay salamat ha,kasi po baka siguro patay na ako ngayon..sabi ko sa kanya.

    "Wag kang magpasalamat sa akin pasalamatan mo ang sarili mo dahil hindi mo ginawa yun.."sagot nya na nakangiti.

      "O sya Jasmine magpapalit pa ako sa ibang kwarto ng bedsets kaya maiwan na kita ha,tandaan mo yung sinabi ko ha.."nagpaalam na sya at lumabas.

       Si Tyra ang kasama ko ngayon kaya naisip ko napatawagan si Jericho sa kanya. Gusto kung makita kahit ang libing man lang ni Harris kahit papaano maibsan ang lungkot ko.

      "Girl sabi ni sir Echo di ka pa pweding idischarge kasi kakagaling mo lang sa coma baka mapaano ka pa. Di pa nga maayos yang paglalakad mo kaya relax ka na muna ha, alam mo makikita mo rin yun..."sabi ni Tyra.

     "Tyra nakikita mo sya nung inilibing sya?..."tanong ko.

   "Hindi girl kasi nandito ako nagbantay sayo bawal ka kasing iwan that time kaya wala akong alam. Alam mo itanong mo kay sir Matt sila kasi andun simula nung nerescue kayo until sa nailibing si sir Jade at Harris.."sagot nya naman sa akin.

JASMINE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon