Chapter 53

7.9K 247 14
                                    

        Jassmine,

          Nag ikot ikot kami sa Oxford street ng London, sabi ni Tita Feliece eto ang pinaka busy na street sa London kung saan ka makakabili ng magagandang dresses. Di ko naman kailangan ng bunggang dress dahil para sa akin ang kasal na yun hindi naman totoo. Maya maya pa pumasok kami sa isang boutique at nagsimulang namili ng white dress. Pero lumabas din kami agad dahil walang nagustuhan si Tita. Habang nag lalakad kami may isang lalaki sumagi sa akin,piling ko sinadya ang pagsagi nya. Di ko nakita ang mukha nya dahil naka hoodie sya at nagmamadaling lumakad.

      "Hey...Don't you know how to say sorry?.."sigaw ko sa kanya.

      Huminto sya saglit pero tumuloy na rin  lumakad at humalo sa maraming tao kaya di ko na sya nakita. Hinila na ako ni Tita para tuloy na kami mag ikot ikot,

       "Hayaan mo na yun Jasmine, minsan talaga may mga tao ganun dito bastos.."sabi ni Tita sa akin.

        Pero iwan ko ba parang may kakaiba ako naramdaman nung binangga nya ako. Sa isip ko, hay..naku Jasmine paranoid ka lang, sabi ng isip ko. Tuloy na kami sa paghahanap ng dress na susuutin ko hanggang nakahanap din kami. After ng ilang oras nasa isang restaurant kami ni Tita naghihintay kay Jericho para sunduin kami. Di ko naman naintindihan sarili ko ngayon. Bakit di mawala sa isip ko yung lalaking bumanga sa akin kanina,

     "Jasmine ano bang nangyayari sayo. Napapapraning ka naman.."sabi ng utak ko.

     Maya maya dumating na rin si Jericho at nag order na rin kami ng food. Tahimik lang ako habang nakatinging sa phone ko,inisip ko try ko kayang iring ang number ni Harris. Namimiss ko na boses nya, di ko naman maiwas maging emotional at naiiyak naman ako. Siguro na pansin ni Jericho na I simply wiped my tears kaya he tapped my shoulder.

      "Okay ka lang?..tanong nya.

    I just nodded, kasi ang totoo gusto ko ng umiiyak.

     "Jas I have a good new for you.."sabi nya.

  "Ano naman yun?...curious kung tanong.

      "Sumuko na yung track diver na nakabundol sa inyo at sinabi nyang napag utusan lang daw sya..."sabi ni Jericho.

      "Sinabi ba nyang sino nag utos sa kanya para gawin sa amin yun?..tanong ko agad.

       "Oo pero di pa nila sinasabi kung sino ang mastermind at sino ang nagplano ng lahat. Hintayin na muna daw matapos ang investigation bago nila ipaalam kung sino tatlong suspect.."sagot naman nya ulit.

       Alam ko mahirap kay Jericho ang nangyayari ngayon dahil kasama si Steph pero kailangan nila pagbayaran ang kasalanan nila. Nakita kung bumuntung hininga si Jericho. Maya maya dumating na ang order namin at nagsimula na kumain. Hanggang sa natapos na kami at nagsiuwian sa bahay. Umaakyat na si Tita para makapagpahinga kami na lang naiwan sa ni Jericho sa baba. Nasa may bar area si Jericho nakaupo at ako nasa may sopa lang nakaupo tahimik na pinagmamasdan sya. Ramdam ko na may mabigat na problema si Jericho kaya lumapit ako para kausapin sya. Kumuha ako ng baso sa may bar at nilagyan ng wisky ang baso ko at ininom.

      "Talk to me, ilabas mo kung anong nararamadaman mo.."sabi ko sa kanya.

     Huminga sya ng malalim at nagsalita.

     "Umamin si Steph sa akin na isa sya sa nagplano ng lahat. Jasmine, I don't understand bakit nagawa nila sa inyo yun? Nang dahil lang sa nagseselos sya sayo kaya sya pumayag na nakipagsabwatan sya kina Amara at Edward.."sabi ni Jericho sa akin.

        Sobra akong nagulat sa sinabi nya,di ko lubos akalain na alam na pala ni Jericho na kasabwat si Steph nangyari.

     "Gaano na katagal mong nilihim to sa akin Jericho?..tanong ko agad.

      "Jas nalaman ko lang nung the day before tayo lumipad dito sa London. Nagmakaawa si Steph sa akin na wag ko syang iwan hanggang sa nasabi nya sa akin ang totoo. And that night I made my statement in the NBI para mahuli na sila, but the problem is si Edward at Amara nakalabas na ng bansa.."sagot ni Jericho sa akin.

       Naawa ako kay Jericho dahil ang tapang nya para gawin sa kay Steph yun. Jusko! ano bang nangyayari sa amin puro na lang problema. Tinitigan ko lang si Jericho hanggang bigla na sya bumigay at umiyak ng umiyak.

     "Jasmine alam mo ba kung gaano kahirap at kabigat ang disisyong kung ginawa. Sobrang hirap Jas na makita si Steph, naawa ako sa kanya pero yun ang alam kung tama dahil may  buhay na nawala dahil sa selfish reason nila. Hindi ko naiintindihan bakit kailangan nilang pumatay at kailangan may magsakripisyo sa walang kwentang bagay.."sabi ni Jericho.

    "Jericho I'm so sorry kung hindi dahil sa akin di sana kayo madamay ni Steph sa gulong to.."sabi ko sa kanya.

     "Don't blame yourself Jas.  Kasalanan nila dahil wala silang takot sa dios at nabulagan sila sa mga nararamdaman nila. Tama si Nanay ang taong katulad nila ang dapat ipagdasal. Let's forget about them and go on with our life.."sabi nya at uminom.

      Ngumiti lang ako sa kanya, nag inoman na lang kami ni Jericho at nagpakasaya. Kinalimutan muna saglit ang sakit na nararamdaman naming dalawa. Binuksan ni Jericho ang music player nya at sayaw kami ng sayaw pati na rin si Tita nakisali sa amin dalawa hanggang sa napagod kami at nahiga kami ni Jericho sa carpeted floor na malapit sa fire place.

      "O pagod na kayo?..tanong ni Tita sa amin.

   "Tita pagod na ako..."sagot ko na lang.

        "Ganyan dapat ilabas nyo ang mga nararamdaman nyo ng matagal ng nakaburo sa dibbid nyo. May kasabihan nga, Cry today, Laugh tomorrow...sabi ni Tita sa amin ni Jericho.

     "Nay saan mo naman nakuha yan kasabihan mo ngayon ko narinig yan.."sabi ni Jericho sa nanay nya.

      Kaya tawa tawa kami ng tawa tatlo,maya maya pa nagpalam ako matulog na. Hinila ako ni Jericho at para makatayo pero dahil pareho kaming nainom paghila nya sa akin pahero kaming out balance, natuba ni Jericho may sopa. Shit! ang awkward ng situation namin dahil nakapatong ako sa ibabaw nya at nakatitig si Jericho sa akin kaya dali dali ako tumayo. Umakyat na ako at pumasok kwarto ko, I lock the door.

      "Jusmeyo! Jasmine pareho kayong nakainom kalimutan mo yung nangyari. Harris forgive me,hindi ko sinasadya yun..sabi ko pa.

      Kinabukasan late na akong nagising, maya maya may kumatok sa pinto ko kaya tumayo ako at binuksan ang pinto. Nagulat pa ako si Jericho nakatayo sa pinto parang kagagaling lang mag workout, basa pa yung damit nya kaya bumakat ang katawan.

     "Good morning!...bati nya sa akin na nakangiti pa.

   "Good morning!..bati ko pabalik.

      "You have thirty minutes to take a shower and fix yourself. Bilis aalis na tayo baka mainip si nanay sa kakaintay sa atin..sabi nya at umalis pumasok sa kwarto nya.

       Sa isip ko saan kami pupunta piling ko ang aga aga pa pero when I look my watch its half plus eleven na ng umaga kaya dali dali akong pumasok sa banyo at nagshower. Wala pang thirty minutes tapos na ko at nasa baba na ako nag gawa ng sandwich. Si Nanay naman nasa sopa nakaupo at may kausap sa phone, ako naman nakaupo sa table kumakain ng sandwich at nagkakape. Then lumapit si Jericho and took the half of my sandwich at kinain. Sa isip ko, di ko yan ginawa para sayo, akin yan eh,sabi ng isip ko.

     "Thank for the sandwich, let s go.."yaya nya sa akin.

       Tumayo na ako and grab my coat at sabay na kami ni Tita lumabas ng bahay. Sobrang lamig sa labas medyo makapal ang snow ngayon pero nakakabyahe pa naman dahil natanggal na rin ang snow sa kalsada. Di ko alam kung saan kami pupunta, I don't bother to ask kasi medyo na awkward pa din ako sa nangyari kagabi. Habang nasa byahe kami nabored ako bigla at si Tita naman nag eenjoy sa kakatingin sa labas. Si Echo tahimik lang nagdrive. Kaya naisipan kung maglaro sa phone ko,tiningnan ko muna kung may nagmessage sa akin wala naman. Oo nga pala nakalimutang ng nagpalit pala ako ng sim, stupid..sabi ko sa sarili ko. Naiisip ko naman namang tawagan ang number Harris, bakit ba kagabi pa ako kating kati na tawagan ang number nya. Huminga ako ng malalim at dial ang number ni Harris, nagulat ako dahil nagring ang number nya.


       
     

    

   

     

   

JASMINE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon