Chapter 20

11.4K 187 1
                                    

         Jasmine,

          Nagmadali akong pumasok sa coffee shop,first day ko ngayon kaya kailangan maaga ako para maempress naman si boss. Dali dali akong sumakay ng bus papuntang Makati. Sa isip ko mabuti lang wala pang traffic medyo maaga pa kasi,ng nasa Ayala na ako dali dali kung pinara ang bus at bumaba. Sabi ko maglalakad na lang ako total malapit na lang. Ng makarating ako cafe agad kung binati ang boss ko,

         "Good morning sir!..bati ko din agad kay boss.

   "O Jasmine dito kana pala halika ipakilala kita sa mga makakasama mo ngayon. Eto nga pala si Jam at Paul.."pakilala ni boss sa akin.

    "O kayo na bahala kay Jasmine,kakaumpisa nya lang. Sana iguide nyo sya atvtulungan nyo kung mayroon di nya alam..sabi ni bossing ulit.

     "Yes boss...sabay pa silang sumagot.

    "O sige mag umpisa kana Jasmine at lagi mong tandaan customer is always right at bawal sumimangot,okay?...sabi ni boss at sabay umalis.

       Medyo wala pa masyadong tao kaya di pa kami masyadong busy. Kaya nakikipagkwentuhan pa ako kay Jam at Paul. Si Paul ay isang bakla si Jam naman isang student nag eextra sya dito coffee shop pandagdag daw ng allowance nya. Maya maya pa medyo parami na ang mga customer namin at busy na din kami halos di na ako makapagpahinga kasi mas madami akong ginagawa kaysa sa kanila. Magliligpit then maseserve, "hay! ganito pala dito" sabi ko sarili ko. Nang tinawag ako ni Jam dahil may tatlong vip daw kailangan maiserve ko agad ang coffee nila.

      "Jasmine kaya mo na yan. Ayusin mo ha..."habilin ni Jam sa akin.

      "Kayang kaya ko to.."sagot ko sa kanya.

    Bitbit ko na ang tray na may lamang tatlo coffee at lumapit sa customer.

        "Good morning Sir!! Here's your oder sir,have a nice..."di ko natapos ang sasabihin ko.

      Nagulat ako sa nakita ko kaya nabitawan ko ang hawak kung tray. Di ko napansin sya kanina dahil nakatalikod sya.

        "Harris...."sabi ko pa.

       Si Harris nga sa isip isip ko,tumingin din sya nung banggitin ko pangalan nya. Pero parang di nya ako kilala, nagsitayuan sila dahil nabuhos nga ang coffee dala ko at nagkalat sa table na inupuan nila.

     "Jasmine anong nangyari?..."tanong ni Jam na agad lumapit.

    Pero di ako nakapagsalita. Bigla akong tinapik ni Paul sa may braso kaya natauhan ako.

    "Harris?...Harris ikaw nga..."sabi ko kanya.

     "Ms. Do you know me?..bigla nyang tanong.

 
    Bago pa ako ulit makapagsalita lumapit na ang boss namin at himingi na pasensia sa kanilang tatlo. At nangakong papalitan ang order nila.

    
        "Sorry mga bossing bago lang kasi yan dito kaya baka kinabahan siguro. Pagpacensiahan nyo na po sya sir.."hingi ng paumanhin ni Boss sa kanila.

       "No problem its just a coffee.."sagot ni Harris na nakatitig pa din sa akin.

     "Jasmine pumasok ka sa loob. Kunin mo yung mop at pamunasa mo eto. Ayusin mo to dali..."sigaw ni Boss sa akin.

       Dali dali naman ako pumasok at kumuha ng mop,sa isip ko naman si Harris talaga yun hindi ako pweding magkamali. Pero bakit di nya ako makilala? Ang hayop na yun pagkatapos nya akong tikman nakalimutan agad ako. Buti nga sayo nabuhusan ka ng kape, karma yan sa mga taong mapagsamantala. Nakabalik na ako at nilinis ang nagkalat na coffee sa sahig pagkatapos pinunsanang mesa. Sabi naman ni Boss humingi ako ng paumanhin sa kanila. Ayaw ko sana.pero naalala ko oo customer pala namin sya.

     "Sir I'm very po sa nangyari nagulat ako..nakayuko kung sabi.

    Ayaw kung makita ni Harris na may namumuong luha sa mga mata ko. Tumalikod na ako at  pabalik na sana ako sa loob ngbiglang may humawak sa akin. Kaya napalingon ako at sabay tingin sa kamay nya at sa mga mata nya.

       "Ms. Paano mo alam ang first name ko? Only my father call me that name..."tanong nya sa akin.

     "I don't know, baka nagkamali lang ako. Kamukha mo yung..."putol ko sa sinabi ko.

     Di ko pweding sabihin sa kanya yung about sa nangyari sa akin last two years ago. Nakakahiya naman unang kita pala namin may nangyari na.

      "Yung what Ms.?...tanong nya ulit.

    "Sir I'm sorry, kahawig mo lang talaga yung kaibigan ko. Pacensia na po.."hingi ko ng paumanhin sa kanya ulit.

    Umalis na ako at pumasok sa loob, dumiretso ako sa kitchen ng coffee shop at doon sinabon ni bossing. Pasalamat pa din ako di nya ako tinanggal kasi kung nawalan ako ng work paano na, mag uumpisa na naman ako sa zero.

     "Kung di lang ako naawa sayo Jasmine tinangal na kita. Sasusunod ayusin mo ang trabaho mo. Kung ano man ang pinagdaanan mo iwan mo muna yan sa bahay para makafocus sa trabaho,okay?...sermon ni boss sa akin.

     "Sorry po sir,di na po mauulit.."sabi ko na lang.

     "Siguraduhin mo lang na di na mauulit eto.."sabi nya ulit at tinalikuran ako.

     
    Di na muna ako pinabalik sa pagseserve, si Paul muna ang pumalit sa akin at ako naman ang nakaincharge sa kusina. Habang nagmamop ako lumapit si Jam at may inabot sa akin.

       "Okay ka lang ba?..tanong agad ni Jam.

     "Eto nasabon ni Boss, sensia na kanina Jam ha di ko sinadya..sabi ko sa kanya.

     "Okay lang yun, nangyayari talaga yun di naman tayo perfect eh. Buti na lang di mainit yung kape kundi napaso sana si sir Drew...sabi ni Jam.

    "Kilala mo sya?...tanong ko agad sa kanya at nacurious ako bigla.

     "Oo naman regular customer namin yun. Tapos yung mga kasama nya kasusyo nya yun sa business nya.."sagot ni Jam sa akin na parang nagtataka.

      "Jam anong gagawin ko dito sa calling card?..tanong ko na naman.

     "Sabi nya kasi pagtinggal ka daw ni boss dito sa shop. Tawagan mo daw sya baka matulungan ka daw nya..sagot ni Jam na may kasamang ngiti.
  
     "Salamat Jam.."pasalamat ko na sa kanya.

     Bumalik na si Jam sa may counter,ako naman tinitigan lang ang calling card na inabot ni Jam sa akin. Mga ilang oras pa natapos na ako sa duty ko magkasama kami ni Jam lumabas ng coffee shop. Pagkalabas ko dumiretso na ako kumuha ng ibang pang mga reqiurements ko para dun sa inaaplayan ko.
     

JASMINE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon