Chapter9

13.6K 214 7
                                    

       

Jasmine,

      Nasa condo na ako ni Edward nagdoor bell ng ilang beses pero parang walang tao. Tinawagan ko sya di sumagot,tenext ko na wala ding reply. Sa isip ko asan kaya ang hayop na yun di sumasagot sa tawag ko maya maya biglang nagring ang cp ko si Mama tumatawag. Kaya sinagot ko na lang alam ko nag alala na sya sa akin.

         "Hello Ma.."sagot ko sa kanya.

      "Punyeta kang bata ka asan kaba alam mo sobra kaming nag alala sayo.Umuwi ka ngayon din at magpaliwanag ka kung saan ka natulog kagabi. Jasmine naririnig mo ba ako? umuwi na ngayon din..."sigaw ni Mama sa kabilang linya.

     "Opo Ma,pauwi na..."sagot ko at pinatay ang cp.

      Bumaba na ako ng makasalubong ko si Edward sa may elevator,nagkagulatan pa kami at bigla nya ako hinila papasok sa condo nya.

         "Saan ka nangaling kagabi,bakit nakauniform ka pa at anong nangyari sayo?.. sunod sunod na tanong ni Edwar sa akin.

     "Isa isa lang, magpapaliwanag ako. Wait lang..."sagot ko sa kanya.

     Pagkapasok namin sa condo ikinuwento ko ang nangyari sa akin kagabi at tungkol sa amin ni Harris at sa nangyari.

       "Jas....how could you do that. Sumama ka sa lalaki na di mo kilala at natulog pa talaga kayo sa Shang,wow! naman sa akin di ka bumigay pero dun sa stranger na yun kulang na lang ibigay mo sarili mo.."mahabang sabi ni Edward sa akin.

      "Wala naman nangyari sa amin eh hanggang doon lang at saka wala na sya umalis di na ko sya makikita ulit...sagot ko kay Edward at nag umpisa ng tumulo luha ko.

      "Shit....Jas, if nothing happened bakit ka naiiyak ng ganyan. Don't tell me may feeling kana doon?...sabi ni Edward na nakapamaywang pa sa harapan.

     "I don't know, siguro nga...Edward bawal bang manghinayang lang kaya ako naiiyak..."sagot ko sa kanya na umiiyak na tuluyan.

      "Stupid girl, alam mo kung di lang kita kaibigan binatukan na kita...tumabi si Edward sa akin at niyakap ako.

      Kaya tuluyan na akong naiyak piling ko iniwan ako ng buong mundo. Pinatahan ako ni Edward  at pinagbihis nya ako buti na lang may t-shirt sya na kasya ko at may nakita syang jeans na naiwan ng ex nya sa condo nya. Maya maya bumaba na kami at inihatid nya ako sa bar,nakita ko na si mama na palakad lakad sa harap ng bar pati na rin ang ibang mga babaing nagtatrabaho doon. Huminto kami sa tapat nila at bumaba ako, patakbo akong nilapitan ni Mama na nakikita ko sa mukha nya sobrang nag alala at niyakap nya ako. Akala ko papagalitan niya ako pero hindi kinurot nya ako sa singit at sabi nya.

       "Ikaw pinag alala mo ako anak, akala ko linayasan mo na ako at saka akala ko napaano kana..."sabi ni mama sa akin maluha luha.

     "Sorry Ma mapaliwanag po ako.Pasensia na po talaga..."sabi ko sa mama ko at niyakap ko sya ng mahigpit.

     Umakyat na kami pati si Edward pinaakyat ni Mama inakala nya kasi si Edward ang kasama ko magdamag kaya medyo nahimasmasan sya. Sa isip ko, kung alam lang ni Mama ang nangyari sa akin baka hinampas na nya ako at sinabon. Di ko na sinabi kay Mama ang totoo kung san talaga ako nanggaling at sino ang kasama ko. Nang mapansin ni mama ang hawak kung bulaklak.

        "Anak para ba sa akin yan? Di kana sana nag abala pa. Sayang lang pera mo, hindi naman ako galit sayo nag aalala lang ako ng sobra.."nakangiting sabi ni Mama.

     Nagkatinginan kami ni Edward at nagets ko agad kaya inabot ko kay mama ang bouquet ng roses. At napangiti ko si Mama, pinaghanda nya ako ng makakain pati narin si Edward at kumain na rin kami. Si Betty naman hinaharot si Edward pero kasi sanay na sya sa ganung mga babae kaya parang baliwala na sa kanya. Hanggang sa umuuwi na si Edward ako naman nasa kwarto nakahiga inaalala ang mukha ni Harris at ang nangyari sa aming dalawa, di ko maiwasang maiyak kasi namimiss ko na sya agad agad at the same time sobra akong malungkot dahil sa di ko na sya makikita pa ulit.

JASMINE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon