Chapter59

8.4K 168 12
                                    

        
      Past one year and half year..
     

Jasmine,

                
     "Excited kana?..tanong Jericho.

      "Oo naman, alam mo kahit saan bansa ako dalhin hindi ko po ipagpalit ang bansa natin.."masaya kung sagot  sa kanya.

   "Ayaw mo lang sabihin na ayaw mo talagang iwan kasi yung baby mo andun.."panunukso ni Jericho.

      "Hala ako lang ba may naiwan ikaw din naman ah.."sabi ko din.

     "Forget it.."sabi nya at umiwas na sa kwentuhan sa akin.

    
      " Mabuhay! Welcome to the Philippines"

          Napaitlag ako ng marinig yun sabi ng isang FA sa airplane na sinakyan namin ni Jericho at Nanay. Bigla akong kinabahan di ko alam kung anong nararamdaman ko.Natatakot at the same time excited ako makita ang bansang pinanggalingan ko at excited din dahil sa wakas magkikita na kami ulit ni Harris at magkakasama na kami. Napatingin ako sa bintana ng eroplano pagkalapag namin, it almost one and half year akong nawala sa bansa na to kaya subra kung namiss,maluha luha ako the moment na nasa NAIA airport na kami. Salamat nakabalik na rin ako buti na lang nahuli na sila Edward at Tito Alfonso pati na rin si Steph pero nahatulang lang sya ng twenty years at habang buhay dahil naging way lang sila para magawa ang balak ni Edward at Tito Alfonso, si Amara naman di pa rin nahuhuli dahil nasa bansang Turkey sya. Naputol ang pag iisip ko ng nagsitayuan na ang mga pasahero at kinuha ang mga gamit nila,pati na rin si Jericho kinuha ang mga gamit namin ni Nanay.

       "Jasmine let's go..."yaya nya at sabay abot ng bag ko.

        Huminga ako ng malalim then put my shade on at tumayo na, kinakabahan ako at naexcite dahil makikita ko na rin sya. Isusurprise ko si Harris, di nya alam na umuwi na ako. Pumila na kami para makababa ng airplane, sobra talaga akong kinabahan kaya humawak ako sa braso ni Jericho. Ramdam siguro nya nanlalamig ang kamay ko, kaya humawak din sya sa kamay ko.

     "Relax walang mangyayari sayo.."sabi ni Jericho.

   "Kinakabahan lang ako at excited.."sagot ko kanya.

      "Okay, inhale, exale.."sabi naman ni Jericho at hinigpitan ang paghawak ng kamay ko.

        Maya maya pa kinuha na namin ang mga lagauge namin medyo natagalan kami dahil nahuli yung kay Nanay na isa bag. At maya nakita na rin namin, at dali daling dinampot ni Echo,hay...sa wakas nakita na rin namin, sa isip isip ko. Nakalabas na kami at nasa waiting area na kami naghihintay ng sundo namin,iwan ko ba sobra akong di mapakali. Maya maya dumating na ang sundo namin pinauna kami ng sakay ni Jericho sa van. Buti na lang nakapasok na ako ng may lumapit kay Jericho dahil nakilala sya at nagtanong sumagot lang sandali at sumakay na si Jericho.

      "Sino yun?..tanong ko.

       "Isang blogger daw but I don't think so. I think reporter sya baka may inaabangan dito ang mga yun..sagot ni Jericho.

     Umalis na kami, on the way sa bahay nila Jericho sa Makati, ako naman maghahanap pa ng bahay na matitirhan ko pero sa ngayon kina Jericho muna ako tutuloy. I look at my watch maaga mag alas dose pa kaya may naisip ko, total nasa Makati naman kami bibisitahin ko si Paul at Jam sa coffee shop balita ko kasi andun pa rin sila at regular na sila sa work. Naexcite tuloy ako makita sila pero ano kaya unahin kung puntahan si Harris sa studio nila, andun pa kaya sila sa studio? Ano kaya kung tawagan ko sya ay di pwede, sabi ko. Mayamaya nakarating na kmi sa bahay nila Jericho pumasok agad agad kami. Sa guestroom ako muna pansamantala habang dito pa ako,maya maya ipinasok na nila ang gamit ko at dali dali akong nagshower excited ako umalis. Sakto naman natapos ako magshower at nagbihis may kumatok sa kwarto ko, dali dali kung binuksan.

JASMINE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon