Cindy~
Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ng isang buhay kolehiyala sa maynila, dahil hindi ako lumaki sa manila laking probinsiya ako, hindi ko alam paano pumunta sa ganito sa ganyan,wala akong alam.
Unang araw ng klase, napadpad ako sa secondfloor, lakad lang ako ng lakad hindi ko nga alam kung saan ako pupunta eh, o kung tama ba yung nilalakaran ko. Hanggang sa patuloy na paglalakad ko meron akong natanaw na lalaki, Matangkad, Chinito at ubod ng puti hiyang-hiya ako sa balat ako itong babae pero tinalo ang balat ko.
Hindi ko alam pero habang nakatingin ako sakaniya, pakiramdam ko humihinto ang oras, hindi naman sa ngayon lang ako nakakita ng gwapo pero ngayon lang ata ako tinamaan ng husto sa isang gwapo.
Hindi ko namamalayan sa pagtitig ko sayo, nagbell na pala at hudyat ito na simula na ang klase ko, pero habang naglalakad ako papasok sa loob ng room ramdam ko parin ang mga mata ko na nakasunod sayo.
Tinapik ako ng isa kong bagong kaibigan, maganda siya, mabait , may kulay buhok niya, mala kulay tanso pero bagay sakaniya.
“Oh Anne?”.
“Tulala ka nanaman ano bay an Cindy!”. Nakakunot ang noo niyang sabi, hindi ko alam bakit nakangiti ako.
“Anne nakita ko siya, ang gwapo niya”. Kinilig kong sabi.
“Oo nga eh, crush ko din siya”. Nakangising sabi ni Anne, hindi naman ako nagulat kung ako nga nagkagusto sakaniya, ang isa pa bang gaya ni Anne di hamak ganda sakin.
Pero naiisip ko, paano kung mahalin ko siya? Okay lang kaya? Paano kung gustuhin ko siya ng sobra pwede kaya?
“Goodmorning class!”.
Tumayo ang lahat at bumati sa teacher na nasa harapan namin, hindi ko alam kung nagdadaydream parin ako pero sa mga oras parin na yon ramdam ko ang kasiyahan sa puso ko.