Trish~
Hindi ko mapigilan mapangiti, alam mo yun hindi niya pala ako kayang tiisin, hindi niya pala kayang ganito kami magulo. . Buti na lang naging maayos kami, maayos na maayos. Napatingin ako sa gilid ko si Cindy nakatingin lang sa board.
Anong meron sa board? Tumingin ako may mga nakasulat dun. Iloveyou Cindy. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na hindi sila okay ni Ruru pero kasi mukhang give-up na talaga si Dy, mukhang ayaw na niya at natauhan na siya.
Sa kaliwa ko tinignan ko si mate, nakayuko lang siya bakit ata yung magbestfriend ang may problema tinignan ko naman si Mae nakangiti na nakatingin sa cellphone niya. Shet bakit ganito naman pwede naman lahat kami masaya?
Nagulat ako ng bumukas ang pintuan, umaayos ako ng upo pero yung tatlong kaibigan ko may kaniya-kaniyang ginagawa
"Feb tignan mo si mae". sabi ko kay Feb ito rin babae na to may lovelife hindi nawawalan eh, Going strong sila ni kim. Buti pa si Feb.
"Mukha ngang namatayan si Dy, si mae naman mukhang inlove at si Anne mukhang tulog". Napatingin ako mukhang may pinagdadaanan din si Mate. Paano kaya namin sila tutulungan.
Naghihintay ako na papasok na teacher sa pinto, pero imbis na teacher ang pumasok isang lalaking natatakpan ng bouquet ang mukha, sino naman kaya naligaw dito? Napakunot yung noo ko tinignan ko na lang yung cellphone ko ang gwapo kasi ng wallpaper ko <3
Nakangiti ako habang tinitignan, shet kinikilig ako bakit naman kasi ganito tong lalaki na to, gwapo na nga sa picture lalo na sa personal. Naalala ko tuloy nung niyakap niya ako, Yun ata ang pinakamasarap na yakap na natikman ko. Sheeeeet <3
"Uy".
"Ano ba?". Hindi ko parin inaalis yung tingin ko sa screen ng cellphone ko.
"Mas gwapo ako diyan".
"Mas gwapo to". sabi ko habang nginingitian yung screen ng cellphone ko. Anong paki nila inlove ako eh as in I-N-L-O-V-E talaga.
"Gwapo to!". Pakikipagpatayan ko si chinito kung sino man magsabi sakaniya na hindi siya gwapo.
"Gwapo din ako".
"I dont care".
"Mahal mo yan?".
"Siyempre naman". Para akong timang nung lumingon ako at ngumiti sa kinakausap ko. Pero nawala bigla yung ngiti ko nung makita kong si Renzzo yung nasa harapan ko. Lumingon ako buti na lang kami pa lang yung andito. Nakita ko pumasok si Ruru sa loob ng room at kinakausap si cindy at si cindy naman parang walang naririnig.
“Eh anong ginagawa mo dito?”.
“Dilan ka nito”. Tapos inabot niya sakin yung bouquet. Shit ang habang ng hair ko.
“Thakyou”.
“Labas tayo?”.
“Ha? May klase pa ako”. Nakita kong natawa siya, naman eh, naman bakit ang gwapo niya tumawa pwede isa pa?!
“I mean sa labas tayo magusap”.
“Labas ng?”. Shit trish anong pinagsasabi mo? Nabobo lang nung nakausap yung lalaking mahal mo ganon ba yon? Tanga-tangahan ang peg?
“Sa labas lang ng room”. Nakangiti niyang sabi sakin.
“Ah. . hehe”. Yun pala yun napakamot ako ng ulo.
Nasa labas na kami ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko.
“Trish may sasabihin ako sayo”.
“Ano yun?”.
“Manliligaw na ako ha? Alam ko kahit hindi mo sabihin alam ko may space na ako sa puso mo”. Napaamang ako sakaniya seriously?! Alam na niya.
“Ah eh”.
“Please. .”
“Oo na”.
Nagulat ako ng yakapin niya ako ng mahigpit, hindi na ako tumanggi ako pa? Pabor sakin yun.
“I love you trish. .”
Mae
Tahimik padin si Cindy, wala na yung tawa niya dati madalang narin siya ngumiti lalo na si Anne. . Haaay masaya nga kami brokenhearted naman sila parang wala din. Tumayo ako para lumabas ng magccr muna ako.
"Mae!".
Napakunot ang noo ko na lumingon bakit nandito si Renz? Classmate ba namin siya ngayon? O nandito siya para kay Anne?
"Mae. ."
"O ano?".
"Mae tulungan mo naman ako kay Anne". Kumunot uli yung noo ko.
"Tutulungan kita? Bakit?".
"Please gusto ko magkaayos kami".
"Gusto mo pala de gawan mo ng paraan".
"Please ikaw na lang ang makakatulong sakin".
"Hindi kita tutulungan niloko mo si Anne, kung hindi lang brokenhearted si Cindy at makita ka niya ngayon pustahan ipagtatabuyan ka nun".
"Please mae . . gusto ko si anne mahal ko na nga ata eh".
"Haaay nako, wala ako itutulong sayo umalis ka!".
Nagulat ako ng bumukas ang pinto ng room at inuluwal nun si Anne nakatingin siya sakin at kay Renz.
"Anne kausapin mo daw". Tumingin si Anne yung tingin na wala lang.
"Sige magccr lang ako, hintayin mo diyan sa gilad ng room". sabi niya ng hindi nakatingin kay Renz, pumasok din ako ng cr. .
"Anne".
Umiiyak nanaman siya, pakshet kasi naman si Renz eh, parehas pa silang ganito ni dy, niyakap ko si Anne hanggang sa maging maayos na siya.
"Kaya mo na ba?".
"Kakayanin ko". Ngumiti siya sakin.
Lumabas nadin ako ng cr, nagulat ako ng nakatayo dun si Micko.
"Oh naligaw ka?".
"Bawal dalawin ang girlfriend?". Napakunot ang noo ko may girlfriend na siya?
"Sino?". Hindi ko mapigilan mapasimangot.
"Ayun oh". ngumuso siya sa harapan ko tumingin naman ako wala naman ah. Pagtingin ko sakaniya nakatitig siya sakin.
"Ikaw ang girlfriend ko". Hindi ko mapigilan kiligin, nahampas ko siya kase namern eh! Napakalandi ni Micko oo! super.
"Hindi mo'ko girlfriend ah!".
"Pero sinabihan mo ako ng iloveyou". Nanlaki yung mata ko. Alam niya?
"Oy wala akong sinabing ganyan baliw".
"Oy meron".
"Kelan?".
"Kahapon". Nakangiti niyang sabi shet napaka, narinig niya pa yun.
"So girlfriend na kita".
"Ah basta hinde!".
"bakit naman?". kunot noo niyang sagot.
"Paghirapan mo muna yung oo ko". Nakangisi kong sabi at iniwan siyang nakatulala s alabas ng room.
-
Vote & Comment. :)