Hindrance

43 4 0
                                    

Cindy~

Grabe hindi ko akalain magiging ganito kasaya yung relasyon namin, never niyang pinaramdam sakin na hindi kami bagay, na hindi ako bagay sakaniya, alam mo yung feeling na sobrang perfect ng relasyon niyo? Yung tipong hindi mo na kailangan magisip ng kung ano-ano kasi pinaparamdam niya sayong walang iba. Ikaw lang talaga.

Masaya ako pumasok sa loob ng L.U, binati ko pa yung mga guard at ibang staff na makikita ko, ganito pala yung feeling na inlove ko, yung ang gaan-gaan ng feeling ang sarap sa pakiramdam. Sobrang perfect na ng buhay ko, okay kami ng family ko, kami ng mga kaibigan ko at ang kulay ng lovelife ko. Thankyou lord thankyou.

Paakyat na sana ako ng may mga nagtilian babae at mukhang nagkakagulo, napakunot yung noo ko dahil maraming tao nakiosyoso nadin ako. Bumaba ako kahit nakailang steps na ako sa hagdanan. I don't know i have this weird feelings na kanina wala naman.

Pero basta, sabi nga nila curiousity kill the cat. Hindi ko alam kung tama yang pesteng kasabihan na yan, narinig ko lang yan somewhere out there. Pagbaba ako parang gusto ko na lang din umkayat uli. Kaya pala sila nagtitilian kasi andun yung boyfriend ko.

Hindi lang yon, may nakayakap sakaniya, isang babaeng kung itatapad sakin ubod ng ganda, sobra. Nakatitig lang ako, alam mo yung kahit gusto ko umiyak kailangan ko pigilin, ayoko magconclude e. Kaya lang sa nakikita ko kahit ayoko nagcoconclude na yung utak ko.

"I miss you matt" She said, ngumiti si Ruru, pakiramdam ko lalong napunit yung puso ko, Nakakapagselos pala talaga no? Kasi gusto ko ako lang yung ngingitian niya.

"I miss you too jean" Pumikit ako ng mariin. Very well said. Alam ko, hindi bago sakin alam ko na simula pa lang nagustuhin ko si Ruru alam kong may something sila ni Jean Delos Reyes, sino bang hindi gugusto kay Jean? Maganda siya at mukhang mabait.

"Cindyy!!" Napalingon ako, nakita kong natahimik din yung mga kaibigan ko, nang lumingon sa gawi namin si Ruru tumalikod na lang ako, ayoko marinig yung explanation niya, alam ko naman sa lahat nagsisimula may katapusan pero hindi ko naman na ganito pala kaaga.

Umkyat akong nauna, pumasok ako agad sa room. Nagsunuran naman sila Anne.

"Dy okay ka lang?" Tumango ako.

"Okay lang yan, yakap lang naman yon e" Sabi naman ni Mae.

"Ano abangan na ba natin?" Biro naman ni Trish.

"Dy sayo lang si Ruru alam naman natin yon" Sabi naman ni Feb, napailing ako. Hindi siya sakin eh, malabo siyang maging sakin.

"Goodmorning class" Sabi ni Sir Layao.

"Meron tayong activity sa labas ng room" Nabuntong hininga ako, bakit kung kelan ayoko lumabas ng room tska kami lalabas? Nanadya lang ba?

Kinuha ko yung bagpack ko at sinukbit sa balikat ko, paglabas ko ng pinto boom, andun siya at kasama niya pa talaga. Tumingin lang ako sabay nagiwas ng tingin. Naglakad lang ako ng parang walang naririnig at nakikita.

Nagulat ako my humaltak ng kamay ko.

"Dy" Napangisi ako.

"Oh?"

"Kanina pa kita tinatawag di mo ba ako naririnig?"

"Naririnig kita, rinig na rinig ko na, sige maya na lang may klase ako" Tumalikod ako muli.

"May problema ba tayo?" Lumingon ako.

"Meron ba dapat tayong problemahin?" Ngumiti siya.

"Wala, i love you" Tumalikod na ako.

Wala ba talaga Ruru? O ayaw mo lang problemahin natin, alam ko naman nararamdaman ko, marami na pwedeng mangyari, pwede nang matapos ang kwento na'to sa isang malungkot napagtatapos.

Anne~

Hindi ko alam kung paano ko matutulungan si Cindy, tahimik lang siya hindi ako sanay, mas gusto ko yung maingay yung madaldal yung kinaiinisan ko minsan pero wala eh, dahil duon siguro sa nakita niya, nuon pa man din binalaan ko na siya.

Isang buwan pa lang naman sila, pero mukhang binigay na niya lahat, ako kalahati palang, yung kalahati hinahayaan ko paghirapan makuha ni Renz.

"Mahal" Napangiti ako. Nagtext na ang pinagwapong lalaki sa balat ng lupa. Haha

"Yes po?" Pinasok ko yung cellphone ko sa loob ng bulsa ko nung dumating yung prof, baka mapagalitan kami. Maya-maya lumabas kami uli dahil may gagawin activity sa labas at si Cindy parang wala sa sarili niya.

Napadaan ako sa may cr, hindi ko ata kinaya yung nakita ko. Si Renz malapit na malapit yung mukha sa babae. Huminga ako ng malalim.

"Anne si Renz yon diba?" Sabi ni Feb.

"Hindi kamukha niya lang" Kumunot naman yung noo ni Mae.

"Tignan mo nga kung ano ginagawa anne" Tumingin ako, napapikit ako. Shit naman Renz bakit naman nakikisabay ka pa? May problema yung kaibigan ko. Nilabas ko yung cellphone ko. Dinial ko yung number niya. Nakita ko yung mukha ni Renz mukhang aburido dahil tumunog yung cellphone niya.

"Hello mahal" Napangiti ako.

"Nasaan ka?" Please wag ka magsisinungaling please lang.

"Nasa room ako mahal, wala pa kaming klase eh" Shit ka renz anong nasa room? Nakikipaglandian ka sa iba peste ka! Napatingin sakin sila Trish.

"Talaga? Sino kasama mo?" Tumingin ako muli sakaniya, nakaupo na siya malapit sa babae.

"Sila Jarred at Winston Mahal" Sinungaling ka, sinungaling ka.

"Talaga?"

"Oo naman ikaw nasaan ka mahal?"

"Nandito nakatayo lang"

"Ano ginagawa mo?"

"Pinapanuod ka" Nagulat siya ng lumingon siya sakin. Kahit alam kong tutulo yung luha ko ngumiti ako sakaniya.

"Pinapanuod ka habang nagsisinungaling ka" Binaba ko yung cellphone ko. Tumalikod ako, agad naman ako niyakap ni Trish. 

"Mate okay ka lang?" Huminga ako ng malalim.

"Hindi ako okay mate. Sakit sobra"

Magsisimula na sana kaming maglakad ng muling may tumawag sakin.

"Mahal" Lumingon ako.

"Alam mo Renz kung hindi kana masaya pwede mo naman akong iwan" Umiling siya.

"Mahal hindi naman ganoon yon eh, let me explain" Huminga ako ng malalim.

"Renz kahit anong iexplain iisa lang ang punto na ikinasasakit ko, alam mo kung saan yung yung pinili mong sabihin sakin yung kasinungalingan kesa sa totoo" Tumalikod na'ko at nagsimulang maglakad.

Araw ba naman ni Cindy ngayon? Araw namin para masaktan? Bakit naman ganon? Haay

XX

Tseren! Kaupdate na. Hahahahaha hi hello sana po nagustuhan niyo. Labyu guyth mwah :*

FANGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon