Don't go away

42 4 2
                                    

Trish~

Nakatingin ako kay Cindy malungkot talaga siya, pero i think tama naman yung ginawa niya eh, kaya lang bakit ganoon tama naman pero hindi siya masaya, haaay ewan ko ba ang pangit na ng plot ng story na ito puro sakitan. Nakakainis.

Naglakad ako patungong corridor at sa hindi inaasahang oras, araw, panahon dito pa talaga, Nakita ko sila Ruru at Jean na magkaholding hands so tama nga yung ginawa ni Cindy na iwanan si Ruru, napahinto si Ruru at binitawan yung kamay ni Jean.

Sh3t talaga! Gago to, kung kelan nakita ko na tska niya bibitawan? Alam ko kilala niya ako kasi kaibigan ko si Cindy.

"Trish"

"Alam mo tama nga ata yung ginawa niya na iwanan ka ruru, siguro sakaniya ka mas sasaya" Tumingin lang sakin si Ruru.

"Alam mo jean, okay naman sila, masaya sila pero nung dumating ka nagkandaleche-leche silang dalawa, bakit ba kung kelan masaya na sila don ka umentra?"

"Trish" Napatingin ako kay cindy.

"Halika kana, ayos lang ako" Ngumiti siya, ayos ba yung ganyan? Hindi naman na kasi ito yung nakilala kong cindy.

"Dy. ." Nagulat ako ng bangitin yun ni Ruru, nagkatinginan si Ruru at Cindy, pero nagiwas lang ng tingin si Cindy at hinihila ako. Lumapit samin si Ruru at hinawakan yung kamay ni Cindy.

"Trish pwede ba kaming mag-usap?" Tumingin ako dy, tumango lang siya. Umalis ako, pero bago ako umalis tinaasan ko ng kilay si Jean na para bang sinasabi. Hello maguusap sila kelangan nandiyan ka talaga? At mukhang nagets naman niya yung gusto ko iparating dahil umalis siya agad.

Habang naglalakad-lakad ako nakita ko naman si Cho nakaramdam ako ng lungkot, hanggang ngayon hindi padin kami okay. Hanggang ngayon para bang wala na siyang pakialam kung magiging okay kami o hindi.

Gusto ko maging maayos na kami, siguro nga kelangan ako naman yung umayos, ganon naman sa love diba? Give and take, hindi pwedeng Take ka lang ng take. Ibaba ko na yung pride ko tutal ako naman ata yung may kasalanan.

"Cho." Huminto siya tumingin sakin, bakit ba kinakabahan ako? Bakit parang nakakatakot siya ngayon? Hayts.

"May sasabihin kaba?" Juicecolored kelangan masungit? Pero kahit na ang sungit gwapo padin? Hmp!

"Can we talk?"

"Kung ang paguusapan lang natin yung nakita mo forget it trish" </3 Aw trish na lang, hindi na mahal, siguro nga talagang galit siya, pero naman gusto ko naman maging maayos kami ayoko ng makisabay sa drama nila.

"Hindi. . sige na sandali lang" Huminga ako ng malalim, nakarating kami sa park.

"Ano?"

"Sorry" Yumuko ako, ayoko mapahiya, paano kung hindi niya tanggapin. Hindi kami magiging okay.

"Para saan?"

"Sa pagseselos na wala namang dahila, sorry kung naging isip bata ako, sorry sa lahat, sorry kung nagsasawa kana" Nagulat ako ng bigla niya lang akong yakapin.

"Sorry din, sana maitinidihan mo kung bakit hindi ako yung lumapit sayo this time, gusto ko na mrealize mo na mali ka, na kailangan mo magtiwala sakin para magwork yung relasyon natin, sorry mahal kung tiniis kita, gusto ko lang maitindihan mo na hindi lahat ng naiisip mo o sinasabi sayo ng iba eh tama" Yumakap na din ako.

"Sorry" Tinaas niya yung mukha ko. Sh3t ito na yun? Nagulat ako ng lumapat yung labi niya sakin at halikan ako sa ulo.

"Kaya naman natin diba mahal?" Tumango ako at ngumiti, hinawakan niya yung kamay ko at naglakad kaming pareho. Well tama nga yung kasabihan ang pride parang underwear kung hindi mo ibaba walang mangyayari.

Mae~

Ang gulo ng kwento na'to Unhart delete it please. Joke lang. Umupo ako sa isang gilid hindi ako pwedeng umupo sa gitna baka sabihan ako ng epal, naalala ko nanaman yung sinabi ni Micko, ewan ko ba ang gulo. . Sobrang gulo na. Akala ko pa naman magiging okay na kami.

Nakita ko si Cindy na naglalakad papalapit sakin, kumaway ako, kasunod niya si Anne. Mukha silang iniwanan dalawa, mukha silang pinagdamutan ng pagmamahal. Hay nako.

"Araw ng mga brokenhearted ngayon?" Tumingin silang dalawa sakin at tumango.

"Nakikiramay ako girls" Umupo sila sa kabilang gilid. Umupo din ako sinalpak ko na lang yung headset sa tenga ako. Iidlip muna siguro ako tutal masiyado ako napaaga sa pagpasok.

Ringg~

"Hello"

"Mae" Huminga ako ng malalim.

"Ano micko?"

"Pwede bang magusap tayo?"

"Akala ko ba ayaw mo na?"

"Sorry, akala ko din ayaw ko na eh. Pero mahal kita talaga eh" Tumayo ako.

"Iwanan ko muna yung bag ko ipasok niyo sa loob kapag time na may bibilin lang ako" Tumango naman si Dy, wala pa si Trish?

"Oh Mae san ka punta?" Nakita ko sila ni Cho magkaholding hands. Mukhang okay na sila ah? Kami kaya kelan magiging okay?

"May kakausapin lang" Ngumiti ako.

Mabilis ako bumaba sa hagdanan nakita ko yung phone nakacall padin kay Micko.

"Hello nasaan kaba?"

"Nasa likod mo" Pagtingin ko nakita ko si Micko may hawak na roses.

"Ano bang paguusapan natin?" Hinawakan niya yung  kamay ko.

"Tanggapin mo na ako ulit, Mahal kita Mae" Grabe gustong-gusto siya tanggapin. Pero bakit parang sa kabilang banda may pumpigil sakin.

"Micko sure kaba na magiging maayos tayong dalawa?" Tumango siya.

"Sige try natin uli" Nagulat ako ng yakapin niya ako ng mahigpit.

"Itry natin ng itry mae, hanggang magfit tayo sa isat-isa" Napangiti ako at tumango. Well wala naman masama kung subukan naming dalawa, subukan na bumalik kami sa dati kagaya ng una. Mahal ko pa naman din siya eh.

XX

Kroo kaupdate na ako! Hahahahahahahahaha. Well well saan kaya pupunta ang kwento na'to? Vote & Comment :*

FANGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon