Cindy~
Siguro nga wala akong karapatang maginarte ng ganito, pero kasi nasasaktan ako, kapag naiisip ko na may posibilidad na mawala na siya, simula kasi nung dumating si Jean sa school hating-hati na yung oras niya minsan pa nga kahit ako yung kasama niya nababanggit niya yung pangalan ni Jean na para bang nakasanayan lang, para bang hindi ako nasasaktan.
Alam ko naman para sa iba, kachildisan to, pero kayo kaya ang lumagay sa lugar ko, simula ng dumating si Jean, wala na siyang ibang bukambibig kundi si Jean! si Jean si Jean! Eh ako ano ba yung role ko? Alam ko padin hanggang ngayon ako yung girlfriend eh pero bakit simula dumating siya naiitsapwera na ako. Bakit simula nung dumating siya naging malabo na lahat saming dalawa.
Sabado ngayon maaga ako pumasok, ayoko kasi magtanong si Mama tungkol samin ni Ruru, akala niya ata okay pa kami. Hindi kami okay eh, alam mo yung pagmamahal niya sakin parang biglang nawala lahat ng atensyon niya na kay Jean na.
Masakit kasi ako yung girlfriend eh, pero hindi pala ako yung nauna, pero hindi pala ako yung mahal talaga, gusto ko naman lumaban, gusto magwork yung relasyon namin, kaya lang paano ko ipaglalaban ang isang taong may ipinaglalaban ng iba.
Inilabas ko yung cellphone ko, lahat nga ng kwento may katapusan at yung kwento namin dito na magtatapos, dito matatapos ang lahat. Yung tatlong buwan na nakasama ko siya, tama na yun siguro para manatili akong masaya.
Dinialed ko yung number niya, hindi padin, hindi ko pa siya kaharap naiiyak na'ko. Hindi ko siyang gustong iwan eh pero kailangan na. Hindi naman purket iiwan mo yung isang tao hindi mo siya mahal siguro rason ko mas ibibigay ko lang siya sa taong mas mahal niya kesa sakin.
"Hello" Pumikit ako. Huminga ako ng malalim.
"May oras kaba pwede ba tayong magusap?"
"Oo naman, nasaan kaba?" Gusto ko maiyak, ibang-iba na nga wala na yung dati, Iba pala ata talaga kapag iba yung nauna.
"Nandito sa Park"
"Sige puntahan na lang kita" Binaba ko yung tawag, pinunasan ko yung luha ko. Kailangan ko tatagan yung sarili ko. Dapat hind ako umiyak kasi ako yung makikipagbreak dapat hindi ko ipakita na ako yung mas nasasaktan.
Tanginang Ruru mahal na mahal kita eh, kaya lang kahit ano atang gawin ko, kahit anong gawin ko yung istorya natin malabong dumating sa happyending eh.
"Dy" Tumingin ako sakaniya at ngumiti.
"Kamusta ka?" Tumingin siya sakin.
"Okay naman ikaw?" Huminga ako ng malalim.
"Okay din, pinipilit" Biglang kumunot yung noo niya.
"Anong sinasabi mo?" Tumayo ako.
"May itatanong ako sayo" Pumikit ako, please wag kang iiyak. Wag kang iiyak cindy. Kaya mo'to.
"Ano ba yun?"
"Napapasaya kaba niya?"
"Sino ba?"
"Si Jean, napapasaya kaba niya?" Tumingin siya sakin.
"Oo" Ngumiti ako ng ubod ng tamis kahit pakiramdam ko napupunit yung puso ko, wala naman sigurong ginusto na iwanan yung mahal niya, walang taong may gusto nun pero kasi kailangan eh. Tinalon ko siya ng yakap.
"Kung napapasaya ka niya Ruru hahayaan kita sakaniya" Pumikit ako ng mariin, sabay dilat ko tumulo yung luha ko, tumingin siya sakin pumikit ako ulit at hinayaang lumapat ang labi ko sakaniya.
"Mahal na mahal kita higit pa sa sobra-sobra" Tumalikod at nagsimulang lumakad palayo, sabi nga ni Peter Pan, Goodbye means forgetting. Pero ang goodbye para sakin ay ang palayain siya at hayaan siyang maging masaya sa tunay na mahal niya.
Anne~
Habang naglalakad ako sa parian, naalala ko lahat yung first date namin shit lang, yung memories na tuwing uuwi ako hinahatid niya ako. Shit bakit ba ang hirap mabrokenhearted? Bakit ba sobrang sakit? Haaays naglakad-lakad lang ako sa papuntang school siguro nga kailangan ko to para pagiisip, kailangan ko din mapagisa.
Nagulat ako ng biglang may humintong tao sa harapan ko, napatingin ako shit bakit ngayon pa? Hindi ba pwedeng sa ibang araw? Talagang ganito ka magjoke tadhana? kailangan sabay pa sila? Shit naman, pumikit ako ng mariin.
"Anne!!"
"Summer"
Please lubayan niyo ako, wala akong gustong makausap sainyong dalawa, please lang. Please hindi ko kaya ngayon. Imbis na pumasok ako sa loob pumihit ako pabalik hindi na lang ako papasok, hindi ko pa siya kayang makita, lalo na siya.
"Mahal" Ang sakit para bang may tumutusok na aspili sa puso ko kapag tinatawag niya akong mahal. Yoko na umiyak bakit naman ganito Renz sabi mo hindi mo na ako sasaktan?
"Mahal let me explain naman oh, makinig ka naman sakin" Hindi ako nagsasalita nanatili akong nakayuko.
"Mahal yung nakita mo, dare lang yun, hindi yun totoo, mahal hindi naman kita lolokohin dahil sinabi ko sayo ikaw lang" Maniniwal ba ako? Dapat pa ba akong maniwala s amga salita mo Renz? Minsan na ako nasaktan, hahayaan ko pabang maulit yon.
"Renz give me some space ayaw kita makausap ngayon please wag ngayon" Nagulat ako ng yakapin niya ako.
"Hindi mahal, ngayon na tayo magusap natatakot ako, natatakot ako kapag binigyan kita ng space tuluyan mo na akong iwanan" Bumuhos na yung luha na pinipigil ko.
"Renz bitaw, please bitawan mo'ko" Pero lalong humigpit yung pagkakayakap niya sakin at pakiramdam ko sa yakap niya lalong nabibiyak yung puso ko, lalo akong nasasaktan.
"Hindi Mahal, ayoko mahal wag naman ganito magusap tayo" Pumiglas ako tinignan ko siya ng maaigi sa mata.
"Renz ano pa bang paguusapan natin? Yung pagsisinungaling mo? Ayoko na pagod na pagod na'ko" Huminga ako ng malalim.
"Masakit dun renz sana sinabi mo na lang yung totoo kahit na masasaktan ako, pero tangina renz pinili mong magsinungaling alam mo yung simple rule ng relationship para magwork isa lang yun renz isa lang yung rules alam mo ba nakalagay don? "Don't lie" Pero nagsinungaling kana" Pumikit ako, sa pagkakataong to pakiramdam ko hindi namabubuo yung puso ko.
"Hindi ko naman sinasadya mahal, bigyan mo naman ako ng isa pang chance isa na lang" Nagulat ako ng lumuhos siya sa harapan ko.
"Tumayo ka Renz"
"Mahal isang chance na lang, isa na lang. . isa na lang mahal di kita kayang mawala"
"Binigyan na kita diba? sabi mo din nuon renz isang chance lang" Nagulat ako ng bigla nanaman siyang tumayo at hawakan yung mga kamay ko.
"Mahal ayaw mo na ba talaga? Sobrang sakit na ba?" Wala akong nagawa kundi tumango. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko.
"Hindi ko na ba kayang pawiin yung sakit?"
"Hindi ko alam Renz sa totoong lang hindi ko na alam" Binitawan ko yung kamay niya at tumalikod na'ko. Masakit sakit na nakikita ko siyang nasasaktan. Masakit sakit na dito lang napunta ang lahat, lahat ng meron kami naging isang basura lang. Bakit ang unfair? Bakit hindi ako pwedeng magmahal na hindi ako sasaktan?
XX
</3 Ang sakit-sakit. Well beks dahil sinabi mo magUD ako so eto na. Sana magustuhan mo. Loveyou :*