Cindy~
Dati wala akong pakialam kung anong mangyayari sa valentines, pero ngayon ata nung dumating sa buhay ko si ruru. Atat na ata akong magkaroon ng valentines date kung aayain nya ako. Feb10 pa lang naman pero ni minsan hindi nabanggit sakin ni ruru na gusto niya magdate kami sa valentines haays.
Nagbukas ako facebook may groupchat kami. Ako-Mae-Anne-Trish-Feb
D: Ano plano natin sa valentines?
M: Malamang wala anong gagawin natin?
F : Ako may plano na, pupunta siya dito eh <3
T: Hart-hart ka friend.
A: Uhm may date narin ako eh. Inaya ko ni Renz nuod daw kami sine.
D: Kainggit naman beks, meron kana.
M: Okay lang yan dy, kaya rin natin manuod ng sine haha!
F: Okay lang yan tol, kaya yan malay mo ayain ka ni huhu.
T: Ako nga rin mukha walang balak si cho </3
D: Trish tara tayo na lang madate.
T: Hahahaha tara dy!
M: Sama ako diyan!
Natawa ako, okay fine tanggap ko na wala kaming date this valentine kahit na nakakatampo minsan lang kasi ganito haaay.
Nagulat ako may biglang nachat sakin sa fb. Napangiti ako ng makitang si Ruru yun. >O< Kasi naman kinikilig tuloy ako.
R: Baby.
A: Po?
R: Lapit na valentines no?
A: Yeah.
R:May plano kaba? Gusto mo bang magdate tayo? >////< Napatili ako ng super.
"Ate ang oa mo" Sabi ni Kriz ang epal ng kapatid ko.
A: Okay lang kung gusto mo eh.
R: Oo naman, gusto kita makasama eh. Gusto ko ng magharmles shake. Grabe na itu! Alam mo yung feeling na sasabihin niya yun? Hahahahahah tangina eto yung moment na yun.
VideoCalling# Shit ampanget ko. Pero inaacept ko parin. Nakita ko siya nakangiti sa screen ng laptop ko.
"Anong ginagawa mo baby?" he smiled. Damn yung ngiti niya kase eh.
"Kinakausap ka?" I tried ang hirap magpigil ng kilig.
"Ako lang ba ang kinakausap ng baby ko?" Grabe nakakainis gusto ko magtatalon at magkikisay dito bakit siya ganyan? Bakit ngiti pa lang niya pakiramdam ko nanalo na ako ng isang milyon sa lotto?
"Oo naman po" Nakatitig lang ako sa screen totoo naman ito eh? Kami talaga, boyfriend ko na siya. *U*
"Ano date tayo sa fourteen?" Nagnod lang ako para bang kahit hindi ako magsalita at makita ko lang siya ayos na sakin.
"Ayaw mo ba akong kausap baby?" Nanlaki ang mata ko at agad umiling siyempre gusto ko.
"Ayaw mo?" Tapos nagpout siya geez lalo lang naging cute sa mga mata ko si Ruru.
"Gusto ko siyempre" I smiled.
"Kiss mo ako" Napangiwi ako shit paano ko gagawin yun?
"Ha? Paano ko gagawin yun?"
"Sa fourteen kiss mo ako" Ako talaga hahalik? Baka hindi lang halik magawa ko. Chos!
"Eh bakit ako?"