Pagkakataon

78 3 3
                                    

Anne~

Sa isang linggo na sinusuyo ako ni Renz hindi ko itatanggi na dahil sa pinag-gagawa  niya nahuhulog lalo yung puso ko. Hindi ko naman kasi akalain na magtitiyaga siya maghintay sakin hanggang anong oras para lang makasabay ako maglakad.

Hihintayin ako makapasok ihahatid sa room, patawanin, sasayawan lahat na ata ginawa na niya, pero kahit na minsan paulit-ulit na lang wala parin palya yung pagpapakilig niya sa puso ko. Alam ko konti na lang mawawala na yung agam-agam sa puso ko. . . na handa na ako ulit bigyan siya ng chance. . chance para maging masaya kaming dalawa.

Yung sa amin na walang halong biro,yung kahit anong mangyari masaktan man ako sasabihin at sasabihin niya sakin yung totoo. At ngayon. . ngayon din araw na to sasabihin ko kay Renz na handa na ako magbigay ng chance. . para sakaniya. . para samin dalawa.

"Anne!!" Tawag sakin ni mae, mukhang masaya na talaga siya paano naman kaya si Cindy? Sana naman maging masaya na ang bruha sana maging okay na sila.

"Mae saan ka pupunta?".

"Anne close your eyes!".

"Ayoko nga".

"Sige na anne promise masaya to!".

"Tangina ayoko tol".

"Gaga promise iswear to you masaya to".

"Nako siguraduhin mo yan mae!".

Para ata makasigurado nilagyan niya pa ang panyo yung mata ko. Gaga talaga pero inalalayan niya naman ako habang naglalakad. Tangina hindi ko alam kung saan kami pupunta, basta sasama na lang ako sakaniya tutal safe naman ako.

Inupo ako ni Mae sa isang upuan nasa garden kaya kami? Tanginang gago to pagito pagtinitrip lang ako tatamaan sakin yung bruha na to.

"Mae hoy asaan ka".

"Relax anne. ."

Nabuhay muli ang damdamin

Nang magtagpo ang landas natin

teka nga parang kilala ko yung boses na yun eh. .

Kay tagal nating di nagkita

Binibining kay ganda, kumusta ka?

Hindi ko maiwasan mapangiti shit kinikilig ako. 

Wala ka pa ring pinagbago

Kinikilig pa rin 'pag tinititigan mo

Sa kilos mong mapang akit

Mga balahibo ko'y tumitindig

Dahan-dahan ko tinanggal yung panyo sa mata ko, gusto ko mapaiyak si Renz nakatayo sa harapan ko alam ko magaling siya magskateboard pero hindi ko alam kaya rin niya palang kumanta, nakatitig siya sakin na para bang ang gwapo-gwapo niya. Kahit ata ngiting demonyo tong gago na to cute padin. .

Kung dati'y di ko nagawa ang magtapat

Ngayon handa na kong gawin ang nararapat

Natawa ako ng kinditan niya ako, Siraulo talaga pero ito atang siraulo na lalaki na to, unti-unti ng minamahal ng puso ko.

Di ko na palalampasin ang pagkakataon

Di na kita iiwasan pa hindi tulad noon

Di ko na palalampasin ang pagkakataon

FANGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon