Cindy~
Nabalitaan ko yung nangyari kay trish at kuyang chinto, what if maging ganon din kami? What if hindi naman pala ako sigurado kung gusto din ako ni Ruru? What if hindi pala talaga kami pwede what if taken pala siya? What if panaginip lang pala ang lahat?
Wala kaming pasok ngayon pero mas pinili ko umalis ng bahay, gusto magliwaliw at idate yung sarili ko, sumakay ako ng jeep, umupo ako sa may sulok habang nakasakay ako sa jeep palinga-linga lang ako lumilipad ang utak ko kay Ruru.
Huminto ang jeep at may sumakay na magshota. Feeling ko lang kasi magkaholding hands sila medyo hindi ko makita yung mukhang nung lalaki kasi natatakpan siya nung babae, Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.
As in yung kabang pakiramdam ko ano mang oras masasaktan ako, hindi man physically pero emotionally talaga? Ano bang meron sa dalawang bagong sakay na to at nakuha nila yung pansin ko? Pinaling ko sa kanan yung tingin ko. Ang nakikita ko ngayon mga jeep mga convinien store. Pero bakit ganoon? Ayoko sila titigan pero bakit parang may humihila sakin na tignan sila ano bang meron?
Bakit hanggang ngayon nararamdaman ko padin yung kaba sa dibdib ko? </3
Ano bang meron bakit kinakabahan ako ng ganito? Bakit pakiramdam ko pasikip ng pasikip yung dibdib ko?
"Para ho!".
Tumingala ako para tignan yung baba, ito yung may kasamang jowa sino kaya yung lalaki? Tumingin ako duon sa pinagpwestuhan nila kanina shit totoo ba ito?
Si Renz yung kasama nung babae?
Tangina naman oh? Ang daming gagaguhin yung bestfriend ko pa. Hindi ako nagmumura sa isang tao dahil iniiwasan ko at ayoko pero ngayon ata may pauulanan akong isang tao nung lumingon siya sakin kitang-kita ko yung ko yung pag kagulat sa mukha niya ano ka nakakita ng multo gago?!
"C-cindy?". Tinaasan ko siya ng kilay kahit hindi ko alam kung tumaas nga ba naiinis ako gusto ko siyang ipukpok sa pader.
"Oh Renz kaw pala yan, Girlfriend mo?". sabay turo ko sa babaeng kababa lang.
"Hinde bestfriend lang". Tengene men bestfriend daw kung makalingkis sakaniya yung babae sobra tapos bestfriend lang hayup naman oo.
"Oh? Lokohin mo lelang mo pakyu". Nainis kong sabi sabay sabi ko ng "para ho ma! may manloloko kasi dito nakaktakot sumabay baka makarma na siya mamaya madamay pa ako". Dali-dali ako bumaba ng sasakyan inilabas ko yung cellphone ko.
"Beks may kailangan kang malaman". Message sent. Shit ako ba magsasabi? kailangan ba mag-galing mismo sakin? Pero ayokong magmukhang tanga yung bestfriend ko.
"Ikaw rin may kailangan kang malaman". Reply niya.
"Ano yun?".
"Tuloy ang date namin". Nahampas ko ng mahina yung noo ko, lord sana malaman na agad ni Anne ayoko po ng niloloko siya.
Nakarating ako sa may Park kung saan pwede dumaan ang mga studyante ng L.U at isa na ako duon sa hindi kalayuan parang nakikita ko si ruru. .
O Nakikita ko talaga siya?
Si Ruru ba talaga yon? O Nagdedaydream nanaman ako?!
"Pare nililigawan mo daw si cindy ah!". That's me. Napangiti ako tumabing ako sa isang puno gusto ko marinig ang sasabihin niya.
"Ah eh, oo eh". Nililigawan niya ako kailangan pa?! Omygod >//<
"Seryoso ka?". Napatingin ako kay Ruru, kinakabahan ako.
"Hindi eh". Natahimik ako pakiramdam ko maglalandas na yung luha ko kahit anong oras.
"Bakit sinasabi mong gusto mo siya anong ginagawa mo tol? pinaasa mo yung babae, mukha na nga siyang tanga kapapaniwala sa ginagawa mo". Napangiti ako ng mapait so for all this time gaguhan lang pala?
"Dare lang kasi yun, hindi ko naman alam na kakagat siya eh, tska hindi naman siya ganun kagandahan para gustuhin ko". Pakiramdam ko binagsak sakin lahat ng puno ngayon sakin, ang sakit naman ganun lang pala yun. Tangina naman all this time ganon lang yun.
Lumabas ako sa pinagkublihan ko.
"Alam ko naman hindi ako kagandahan eh, pero wala ka parin karapatan na paglaruan ako Ruru". Napatingin siya sakin ngumiti ako ng matamis sakaniya kahit na nanlalabo na yung mga mata ko. Nasasaktan ako, nasasaktan ako halos ikamatay ko ganito pala yung pakiramdam.
"Cindy".
"Hehe. . tanga ko talaga".
"Cindy let me explain".
"Para ano pa? Para dagdagan yung sakit? Bakit kulang paba?".
"Cindy. ."
"Akala ko iba ka, yun pala kagaya mo rin sila".
Tumalikod at nagsimulang maglayo, masakit pala sana hindi ko na lang siya hinangad, sana hindi na lang para sana hindi ako nasasaktan ng sobra-sobra.
Anne~
Nakangiti ako habang binabasa ko yung paguusap namin ni Cindy, ano kaya yung sasabihin niya pasuspend ang malande. Iniisip ko parin si Renz ano kaya yung isusuot ko sa date namin? Maglulugay ba ako o ano?
Magpapakachix ba ako o kagaya lang isang simpleng Anne? Kagaya ng suot ko ngayon wala naman kaming klase pero napadpad yung mga highschool friends ko kaya gagala kami so gawd! Kahit naman saan pumunta ang tropa masaya eh *U*
Habang naglalakad ako kasama ang mga barkada ko may napansin ako dalawang tao sa gilid ng puno? Tangina gilid ng puno ang cheap ha!
"Tignan mo yun". Turo ng isang kaibigan ko.
"Tae hindi makapagpigil nangigilid na sila". sabi naman si dave sabay tawa, Nakitawa naman ako pero unti-unti nawala yung tawa ko nung humarap yung lalaki.
Tangina. .
Isa pa nga.
PUTANGINA.
Renz bakit?
Nakatitig lang ako, para bang nafreez ako, nakatitig lang ako sakaniya hindi ko alam kung bakit pero may lakas pa ako ng loob na hintayin na tumingin siya dito, hinihintay ko pa siyang tumingin kahit na alam kong masasaktan ako.
"Anne. ."
Wtf. Anne lang sasabihin mo hayup ka?!! Kalma Anne, kalma ngumiti ka ipakita mo na balewala lang ang lahat kaya mo yan Anne kaya mo yan.
"Oh renz tangina tol nangingilid ka ha?". Biro ko sakaniya, kahit na gusto ko siya murahin ng sampung beses ng harap-harapan with matching sampal masakit kasi eh tangina.
"Anne . ."
"Oh nawawala lang?". Nakangiti kong sabi.
"Babe sino ba yan, busy tayo diba?". Gusto kong ingudngud yung babae sa sahig tangina wala man lang sa kalingkingan ko.
Tumingin ako kay renz.
"Anne. .
Sorry".
Hindi ko alam pero bakit kating-kating yung kamay ko na sampalin siya at hanggang sa hindi ko na napigilan.
"Masakit ba? sorry din ha?".
=
This! Haaaaay.
Vote & Comment :)
(c)Unhart.