Anne~
Mukhang happyending na ang bruhang si Mae buti pa siya, kami kaya ni cindy? Nakatitig lang ako sakanila ng makita ko yung mukha na dahilan kung bakit ako nasasaktan, mabilis ako tumalikod. Hindi niya kailangan malaman na apektado ako, hindi niya kailangan malaman na nagiging ganito ako dahil sakaniya.
WALA SIYANG DAPAT MALAMAN!
Na nahihirapan at Nasasaktan ako dahil sakaniya,
Dahil sa kasweetan niya,
Dahil sa mga salita niya,
Dahil sa gesture niya,
At ng dahil sa ngiti niya,
Sana nabungi na lang siya, para wala na akong dahilan para gustuhin siya, para wala na akong dahilan para tignan siya, O wala naman talaga dahilan para gustuhin siya? Pero anong nangyari sa halip na siya ang mahulog ako ang nahulog at ang lalaking akala kong sasalo sakin iba naman ang sinalo.
FUCK THAT LOVE!
Naiinis ako, naiinis din ako sa sarili hindi dapat ako nahulog, hindi kasi . . hindi tama pero tangina naman eh! Lahat kasi ginawa niya para mahulog ako pero shit sana sinabi niyang wala siyang balak saluhin ako. . para alam ko na sa dulo masasaktan din ako.
Nagpahid ako ng luha, kailangan ko kumalma, nasaan kaya si cindy? Hindi ko parin siya nakikita kamusta kaya ang bruha? Ako lang ba ang malas ang lovelife? Bakit naman ang unfair bakit ako laaaaanggg?!!
"Anne. ."
Kilala ko yung boses. . kilala ko pumikit ako ng mariin. No hindi pwede, nababaliw ako hindi siya yun hindi niya boses yun. . hindi habang nakapikit ako nararamdaman ko nagbabagsakan yung mga luha ko. Huminga ako ng malalim kailangan ko makaalis dito kailangan ko.
Minulat ko yung mata ko, nasasaktan ako, nasasaktan padin ako, bakit ganito? Bakit kasi sana nuon inamin na niya laruan lang ako. . sana nuon pa. . para alam ko na hindi ako pwede mahulog sakaniya, sinimulan ko ihakbang yung paa ko.
Dito na matatapos lahat, lahat na lang natatapos sa pagiyak, at sana. . sana yung lalaking susunod sakaniya hindi na ako paiyakin dahil nagsasawa na ako. . sawang-sawa na ako.
"Anne. ."
Putangina tumigil kana kakatawag sa pangalan ko, dahil lalo mo lang pinabibigat yung dibdib ko.
"Anne sandali lang". Binilisan ko yung lakad ko, wala ako pakialam kung pinagtitinginan na kami, pinaguusapan i dont care. . wala na akong pake!
"Anne!". pinikit ko ulit yung mata ko, tama na please ayoko na masiyado nang masakit pa, pinaglaruan ako ng taong gusto ko nasakta niya ako ng higit pa sa inaasahan ko. Putangina masakit sobrang sakit.
Nagulat ako ng pagdilat ko nakaharap na siya sakin, hindi ako yumuko tumingin ako sa mga mata niya, hindi ko napigilan mapaiyak. Magkakatitigan kami para bang nagkakaintindihan kami. . Pero hindi naman. . alam kong hindi
"Anne. ."
"Tama na Renz,tama na"
"Pakinggan mo ako please. . pakinggan mo ako".
No. . alam ko kapag pinakinggan nanaman kita magiging tanga nanaman ako.
"No. ."
"Please, please pakinggan mo'ko".
Nung nakita ko yung mukha niya para bang gusto ko na lang pumikit nagfflashback sakin lahat, kung saan nagsimula. . Yung matamis na ngiti, si groupmate mapait akong napangiti.
"Ano pang kasinungalingan ang gusto mong sabihin?".
"Anne. ."
"Ano may gusto kang sabihin diba? Sabihin muna tropa". Wala akong pake! Eh ano kung umiiyak ako sa harapan niya? Nasasaktan ako! nasasaktan ako. .
"Anne".
"Putangina wala ka na bang ibang sasabihin kundi Anne?!".
"Anne sorry".
"Sorry, alam ko gago akala ko kasi attracted lang ako sayo, akala ko parehas ka lang sa ibang babae na pwedeng paglaruan at saktan akala ko yung nararamdaman ko for fun, pero mali ako. ."
"Mali din ako. . mali na nahulog ako sayo, dahil isa kang manloloko. .". Tumingin siya sakin tama ba ang nababasa ko sa mga mata niya? Nasasaktan siya wtf.
"Anne, pakinggan mo naman ako".
"Para ano? Para paikutin ako? Renz minsan lang ako magpakatanga sa isang tao believe me hindi na mauulit yun".
Tumalikod ako, tumulo ulit yung luha ko.
Nasaktan ako eh, alam mong nahulog ako sayo pero putangina hindi ako kagaya ng mga nagiging babae mo. . Ibang-iba ako.
Cindy~
Ako pustahan? Sa pangit kong to pinagpupustahan pa ako. Tangina oo. . Tangina talaga eh, ang sakit-sakit alam ko langit siya at lupa ako, pwede naman kasing hindi niya ako gustuhin! pwedeng habang buhay ako lang yung nagmamahal at gumugusto sakaniya! Pwede naman yun eh pwede.
Pero bakit kailangan ako lokohin? Paasahin? Paglaruan? at saktan, para akong tanga naglalakad padin sa hallway, naalala ko lahat eh kung paano nagsimula yung kabaliwan ko. . At siguro ito narin yung katapusan. .
Wala naman kami eh, pero nagagalit ako nasasaktan ako, Nasasaktan ako. . Bakit kasi ginusto ko pang abutin yung isang katulad niya? Tama nga sila hindi kami bagay tama si Anne masasaktan lang ako.
Bakit ba kasi hindi ako marunong makinig? Bakit hindi ako marunong pakiramdam tignan mo sa huli nangyari sakin? Nasaktan lang ng sobra.
"Cindy!".
Humarap ako, anong ginagawa niya dito, nanatili ako nakatayo habang tumatagal nawawala yung pagitan namin dalawa hanggang sa naharapan ko na siya. Nakatitig siya sakin nakatingin hindi ako nahiya pinunasan ko yung luha ko sa harapan niya.
"O Ano?".
"Dy. ."
"Huwag mo'ko tawagin ganyan hindi kita kaibigan".
"Cindy. ."
"Ano?"
"Sorry. ."
"Para saan?".
"Mali yung narinig mo".
"Talaga?".
"Cindy naman".
"Kung wala naman kwenta yung sasabihin mo tigilan mo na to, inaaksaya mo yung oras ko". Tumalikod ako at nagsimulang maglakad.
"Cindy mahal kita!".
Kung hindi mo siguro ako ginago, siguro sinabi ko narin sayong mahal din kita. Pero hindi eh pinaglaruan mo ako, ginawa mong katawa-tawa yung puso ko.
"Cindy mahal kita, cindy mahal kita!". sigaw niya.
Sana kung hindi ko pa nilaman na ginagago mo ako baka pwede pa, pero ngayon kasi? Sobrang labo mukhang kahit anong mangyari hindi na. .
"Huwag ka magbingibingihan alam kong mahal mo'ko! Alam ko".
Humarap ako sakaniya. .
"Tangina mo! Oo mahal kita pero ginago mo ako, at kahit anong sigaw mo diyan at sabihin mong mahal mo'ko hindi ko alam kung makikinig pang muli ito". sabay turo ko sa tapat ng puso ko.
Naglakad ako papunta sakaniya, hindi para tanggapin siya kundi para lagpasan siya at subukan alisin siya sa buhay ko, sa isip ko at lalo na sa puso ko.
=
Vote & Comment <3