Mae~
Maaga nanaman sigurong pumasok sila cindy at ako naman eto pasakay pa lang sa letcheng bus, medyo matagal pa ang biyahe hindi pa napupuno iidlip muna ako tutal maaga pa naman.
After 1 hour, nagising ako shet andito na ako.
“Manong para ho!”. Nagmamadali ako maglakad lagot ako may reporting pa naman kita tapos late ako eh nasa sakin yung irereport tumingin ako sa cellphone ko 20 text 10 misscalled OA na po -___-
Minadali ako akyatin yung 3rd floor lakad takbo na ginawa ko para umabot lang alam mo yun. Magbukas ko ng room dahan-dahan ako naglakad sa upuan ko.
“Bruha ka ano nangyari bakit ngayon ka lang?”. Tanong sakin ni cindy.
“Nakatulog kasi ako sa bus muntik na ako lumampas”. Nakangising sabi ko.
“Siraulo ka talaga mae kahit kailan”. Sabi naman ni Anne nagpeacesign lang ako sakaniya.
Hindi kami magkakatabi, hindi ko alam kung bakit nagulat ako ng may pumasok na lalaki ito yung lalaking dumaan sa harap ko nung kinausap na si Trish ni kuyang chinito.
Panahon narin ba para magkalovelife ako?
“Miss patabi ako ha?”. Hindi siya payat medyo chubby siya pero mas gusto ko yun kahit chubby siya gwapo siya seryoso.
“O sure”. Ngiting tagumpay ako ng mga oras na yun, natatawa naman ako kasi panay ang lingon sakin ni Cindy inaasar nanaman siguro ako ng bruha.
“Ano pangalan mo?”. Uyy si kuya masiyado mabilis, dahan-dahanin naman natin. Pangalan agad? Sabi na eh type ako nito!
“Mae”. Maiksi kong sagod at tinuon ang atensyon ko sa nagrereport ang sabi sakin kailangan daw magpakipot muna.
“Ako nga pala si Micko”. Nakangiti niyang sabi. Micko? Bagay tayo MM Micko love Mae. Bagay diba?
“Ah nice to meet you”. Parang balewala kong sabi, pero sa totoo lang gusto kong kausapin pa siya XD
“Uhm may gagawin ba ngayon?”. Tanong niya sakin.
“Alam ko wala naman”. Nahuli kong lumingon si cindy sakin tumatawa habang nakikipapiran kila Anne nababaliw nanaman siguro.
“Ah anong number mo?”. Puta tinatanong niya kung anong number ko totoo ba ituuu? Shet tanga si nicko hindi niya nakikita kagandahan ko samantalang isang to! Number agad.
“Ha?”. Nagkukunwakunwarian akong hindi ko narinig.
“Ano nga ulit pangalan mo?”. Sus kunwari ka pa narinig ko sabi mo anong number mo malande. Pero bet ko.
“Mae”.
“Mae uhm pwede ko ba kunin number mo?”.
“Oh kita mo umiikot ang pwit ni mae niyan forsure”. Rinig kong sabi ni Cindy, pinadilatan ko siya ng mata.
“Ay sorry naririnig pala niya hahaha!”. Napatingin naman ako kay Micko nakatitig siya sakin shet bakit may dumi ako sa mukha?
“Mae?”.
“Oh?”.
“Pwede ko bang makuha yung number mo?”. DUBDUB. Naririnig ko ba yung puso ko? Pero alam kong huling check ko sakaniya hindi pa siya okay dahil umiiyak siya sa kasawian niya dahil kay nicko? Tinandhana bang makilala ko si micko para makalimutan ko si nicko?
Yung lalaking bestfriend ko pero mahal ko? Yung lalaking walang pang isang oras nandun na ako kapag kailangan ako? Yung lalaking isang text lang pupunta at pupunta ako kahit gaano ako ka busy.
Handa ko na bang palitan yung lalaking pinaasa lang ako at sinaktan lang sa huli? At may chance bang magustuhan ako ni micko at mahalin?
Nicko? Micko?
“Ay oh may kuhanan ulit ng number part two!”. Sigaw ni trish.
“Hoy shattap friends!”. Pinandilatan ko sila isat-isa.
“Oo naman”. Nakangiti kong baling kay micko.
Hanggang dumating ang oras na pagtatapos ng klase tumingin ako kay Micko nginitian naman niya ako tumagos sa malanding puso ko.
“Baka naman matunaw!”.
“Nako si mae yan eh!”.
Naguna-unahan lumabas ng kwarto feeling nila may sunog o ano o trip lang nila medyo nahuhuli ako, oo na nga nagpapahuli ako para makasabay ko si micko.
“Mae halika na!”.
“Pwede bang sumama dun kahit hindi journ?”. Tumitig ako kay micko crush niya ba ako?
“Ah ano teka tatanong ko”. Lalapit sana ako kay Anne ng hilahin ako ni cindy.
“Tara na girl”. Nawala rin sa isip ko si micko dahil nagsimula ng dumaldal si cindy para sa walang kamatayan niyang pagibig kay Ruru.
“Shet friend si micko”.
“Ano?”.
“Naiwan ko”.
“Friend ang landi mo lika na, may number ka na niya diba itetext ka na lang nun”.
Micko itext mo’ko ha? Hihintayin ko.
=
HAHAHA super ayan na sorry sobrang busy po. :**
©Unhart