Happyending?

27 3 1
                                    

Cindy's POV

Hindi ko alam kung bakit habang nanunuod ako ng starting over again umiiyak ako. Ang sakit-sakit ng puso ko although wala na kami matagal na. Although alam ko na aalis siya at pupunta ng Korea pero bakit masakit padin.

Shet dapat masaya to, bakit ba ito naisip namin panuorin? Sabi kasi maganda daw. Kita mo tuloy sa sobrang ganda naiiyak ako kahit hindi naman dapat.

"Bakit nga ayaw mo?" Ginny

"Hindi ba maganda? Hindi mo ba nagustuhan?"

" Sabihin mo sakin ano! I desrve an explanation" - Ginny

"Anong karapatan mong hingin ang bagay na ipinagdamot mong ibigay?" - Marco

"I deserve an explanatin i deserve an acceptable reason"

Tumulo yung luha ko. Shit ang sakit-sakit. Hindi ko alam dahil ba'to kay Ginny at Marco o dahil sa nararamdaman ko kay Ruru. Hindi naman ako masaya, hindi ako masaya na aalis siya, na iiwan niya ako, sino bang babaeng gustong iwanan ng mahal niya wala naman diba? 

Pero kasi may mga bagay na kapag pinilit mo lalo ka lang masasaktan.Hindi ko alam kung bakit nagkandaleche-leche kami ng ganito kahit masaya naman kami date. Kahit naman wala na kami sobrang mahal ko padin siya. Higit pa sa sobra kaya lang wala na eh. Walang-wala na

"Oh tissue" Abot sakin ni Trish.

"Saan kaba naiiyak Dy? Sa palabas o sa nararamdaman mo?" tanong sakin ni feb. Ngumiti ako sakanila pero dahan-dahan tumulo yung luha ko.

"Miss na miss ko na siya" Hinagod naman ni Anne yung likod ko at hinawakan naman ni Mae yung kamay ko.

"Bakit ba kasi nakipagbreak ka?" Tanong ni Anne.

"Kasi hindi na siya masaya, bakit alam ko naman na masasaktan ako, pero hindi ko alam na ganito pala kasakit, sobrang sakit" Umiiyak na sabi ko.

"Anong plano mo?" Tanong sakin ni Mae, umiling-iling ako.

"Hindi ko alam, nung isang araw i tried to talk to him pero wala eh siya narin yung umiiwas" Lumuluhang sabi ko.

"Baka its time to let go him Cindy" Mahinang sabi ni Feb. Gusto ko namin eh, tanggap ko na nga eh. Kaya lang bakit ang sakit-sakit padin?

"Alam ko, kaya lang masakit padin eh" Niyakap nila akong apat. Inabot sakin ni Trish yung cellphone niya.

"Kausapin mo na" Nakaramdam ako ng kaba.

"Hello trish hinahanap mo ba si Cho?" Nakakamiss yung boses niya, namiss ko na siya. Hindi ko mapigilan humikbi. Tumingin ako kila Trish.

"Umiiyak kaba?"

"Ruru" Finally, nakapagsalita nadin ako.

"Dy?" Nakilala niya yung boses ko shit. Lalo akong napaiyak.

"Yeah, uhm gusto ko lang sabihin sayo na. . mamiss kita ingat ka sa korea" At hindi ko na napigilan yung iyak na lumabas sa bibig ko. Shit ang hirap.

"Dy, mamiss din kita"  lalo akong napaiyak. Nakakabaliw yung sakit, kapag alam mong wala ng ibang option kundi yung iiwan ka lang niya. Nakakputangina yung sakit. Penge namang anestisia baka sakaling mabawasan man lang. Kahit konti lang.

Xx

Anne's POV

Mahirap talaga siyang makamove-on sa lagay na ito. Si ruru lang ata yung minahal niya ng ganito, yung tagos-tagos yung ibibigay niya lahat kahit na masakit na at hindi na kaya. Hays buti na lang talaga nakapagmove-on ako kay Ian buti na lang.

Ring. . .

Ian 092222222282828282xx

"Hello?"

"Anne"

"Oh ian bakit, napatawag ka?"

"Wala namimiss lang kita, kamusta kana?"

"Okay lang ako, ikaw?"

"Hindi, namiss kita"

"Ian. ."

"Anne mali ako, sorry kung naduwag ako, sorry kung hindi kita naipaglaban, sorry Anne pero ngayon handa na ako Anne, pwede na tayo, pwede na kitang mahalin, ipaglalaban na kita" Napabuntong hininga ako.

"Nakainom kaba Ian? Alam mo ba kung anong pinagsasabi mo?"

"I know Anne, alam ko sinasabi ko, i want you back, miss na miss nakita yung tayo dati, yung wala pa si Renz yung ako at ikaw pa lang, please take me back Anne. I love you summer"

Tangina ang bigat-bigat ng dibdib ko. Hindi na pwede eh. Hindi na may Renz na ako. May mahal na akong iba. Huli na huli na para sa sinasabi mo ian. Bakit ngayon pa?

"Ian alam mo lasing ka ata eh, tska na tayo magusap"

"No Anne, alam kong sinasabi ko, i want you back with my life, please naman Anne, please take me back, mahal kita mahal mo naman ako hindi ba? Anne please. . please"

"Hindi na kita mahal Ian" I whispered,

"Mahal ko si Renz kaya sana, hindi mo'to sinasabi para sirain mo kami" I said.

"Hindi mo siya mahal Summer, ako yung mahal mo, ako yung kasama mo ng dalawang taon, ako yung kaibigan mo, ako yung nandiyan para sayo, ako yung nauna bago siya"

"Pero hindi niya ako iniwan Ian, iniwan mo'ko, iniwan mo'ko habang nahuhulog ako. At alam mo bang pakiramdam non? Masakit. sobrang sakit, Akala ko sasaluhin mo'ko kasi ikaw yung nandiyan, antagal natin magkaibigan pero hindi naman Ian eh, Nung nahulog ako, hinayaan mo lang ako mahulog" I burst in. Ang sakit kaya napaiyak na ako. Bakit niya ba binabalik? Alam niyang may mahal na ako. At mahal ko si Renz.

"I will catch you now, kahit ilang beses pa, handa na ako saluhin ka, Give me a chance Anne, Mahal kita"

"Wala ka ng sasaluhin dahil sinalo na ako ng iba Ian" I off the phone call. Hindi ko alam kung bakit ganon siya. Hindi niya ba nakikita na mas mahal ko na si Renz kesa sakaniya.

Tooth

1 message receive.

Mahal wag ka masiyado magpakalasing ha? I love you, i miss you ingat

I hit reply. 

Opo mahal, i love you too :)

1 message receive.

Mahal wag mo'ko ipagpapalit ha? Alam ko naging gago ako. Pero mahal na mahal kita tandaan mo.

I hit reply again.

Kanino kita ipagpapalit? Aba wala na. Nagiisa ka kaya. Mahal kita, mahal kita.

Niyakap ko yung cellphone ko pagkatapos, hindi ko na kailangan isipin si Ian, meron ako si Renz, si Renz na nagpapasaya at nagmamahal sakin, si Renz handang magbago para sakin. Andiyan yung gago na nagbago para sakin. Bakit kailangan ko siya iwan para sa matino na hindi naman ako kaya ipaglaban?

Dun na lang ako sa taong kahit na alam kong gago, kaya naman ako alagaan at mahalin ng totoo.

Xx

Bow. Woooh after 11 months hahaha nakapupdate uli. Hi guys :)

FANGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon