Trish
Hindi ko alam pero isa lang nararamdaman ko sobrang saya ko, alam ko na wala ng agam-agam sa puso ko gaya ngayon, nakatingin siya sakin nakangiti, kung ganito pa naman ngiti na makikita ko sa araw-araw aba kahit magtitigan na lang kami buong araw.
"Totoo yan Trish?". Nakangiti akong tumango.
"So tayo na?". Nakangiti niyang sabi, ngumiti lang ako.
"Tayo na ha? Akin kana trish walang bawian yan" Nakakainis gusto ko magtatalon sa kilig dito.
"Oo na nga!".
Nagulat ako ng yakapin niya ako.
"This is the best gift ever trish iloveyou". Yumakap din ako ng mahigpit. Alam ko marami kami pagdadaanan, lalo na sa babae kasi yung mukha lang niyan alam kong tinitilian na, pinipilahan pa, pero sana kahit anong mangyari sana maging maayos kami, matibay kahit na iba ako sa lahat ng babaeng minahal niya.
Habang naglalakad ako, naiisip ko yung nangyari what
Kahit na para bang iang pangarap lang na mapasakin siya,
Sana. .
Kami na habang buhay sana.
"Wala bang sagot diyan?".
Pero imbis na sumagot ako hinigpitan ko lang yakap, siguro naman ramdam na ramdam na niya yung pagmamahal ko.
"Trish sagot naman diyan, gusto ko marinig yung iloveyou mo". Pwede ba ako magpakipot? napangisi ako bumitaw ako ng yakap.
"Tska ko na sasagutin yan, kapag mahal na mahal mo na ako".
"Mahal na mahal na kaya kita!". Kunot noo niyang sabi pwede magwala? As in bakit ganito ang galing niya magpakilig hahaha shet yung puso ko.
"Talaga lang ha?".
"Ano bang gusto mong gawin ko para marinig ko yung iloveyou mo, gusto mo marinig trish gusto ko marinig na mahal din ako ng babaeng mahal na mahal ko".
Parang may humaplos sa puso ko, nakatingin lang ako sakaniya seryoso siyang nakatingin sakin. . Minsan nakakatakot yung tingin niya pero ngayon ang tingin na ipinupukol niya sakin. . tingin ng puno ng pagmamahal.
"Cholo. ."
"Ano trish tell me gagawin ko sabihin mo lang sakin na mahal mo narin ako. . kasi kapag hindi ko narinig sayo na mahal mo ako baka mabaliw ako".
"Seryoso ka diyan?". Gusto ko matawa sa itsura ng mukha nya para siyang batang inagawan ng lollipop at handang manapak.
"Sa tingin mo ba nagjojoke ako?". Grabe itong isang to hindi na nga ngumingiti ang gwapo paden.
"O de hindi ang sunget ha!". Tinalikuran ko siya napangiti ako ng maramdaman kong sinusundan niya ako shet ang haba ng hair ko.
"Trish naman gusto ko lang naman marinig eh".
"Oo na iloveyou masaya kana?". Nakangiti siyang hinawakan yung kamay ko.
"Sobrang saya".
Mae~
Hindi na ako nagpapakipot alam ko naman duon din punta namin ni micko pero tong mga nakaraang araw para bang nawawala na siyang lagi hindi naman kami long distance relationship pero bakit pakiramdam ko ang layo ng distansya naming dalawa?
Micko diba hindi naman? Hindi mo naman ako lolokohin, diba hindi? May tiwala ako sayo, satin. . alam ko naman magwowork itong relasyon na ito. Kahit na ganito tayo kahit ang laki ng distansya namin na dapat sana hindi.
Micko nasaan kaba?
Habang naglalakad ako papasok sa school alam ko late nanaman ako nawawalan na nga ako ng gana pumasok eh, kasi naman yung boyfriend ko daw kuno hindi man lang nagtext hindi man lang maitext yung ilang word na buhay pa ako humihinga pa ako wag ka mag-alala kahit ganyan lang text niya sakin ayos na eh.
Pero hinde! Ni ha ni ho wala.
Naiinis ako bakit kami ganito magbbreak na ba kami? First boyfriend tapos ilang araw lang? Punyeta sana di na lang kami naging magboyfriend. . Sana hindi na lang naging kami nakakainis lang kasi masakit.
"Miss"
Napahinto ako diba siya yung kaibigan ni Ruru? Yung isa sa kpop?! OMG si Micko Rivera nasa harapan ko totoo ba to? O naghahallucibate nanaman ako?
"Hi. ."
"Mae right?".
"Y-yes". Shet ang cute-cute niya talaga.
"Uhm kasi gusto ko sana ayain ka magdate?". nanlaki yung mata ko pwede ba siya pumasok dito? Diba bawal?
"Paano ka napasok dito Micko?".
"This?". Pinakita niya sakin yung ID ni ruru, medyo badboy.
"Pwede ba?".
Tutal busy naman yung boyfriend ko at mukhang wala ako sa list niya ede hahayaan ko siya susubukan ko din siya wag isipin kung kaya niya na ganito kami, kaya ko rin.
"Mae!". Napahinto ako si micko nandito siya.
Mabilis siyang lumapit samin ni Micko. Nakatingin siya ng masama sakin lalo na kay micko.
"What the meaning of this mae? Ilang araw lang ako nawala may kapalit na agad?!". Naningkit ang mata ko.
"Sana nga ginawa ko yung binibintang mo gago!". tumalikod ako nagsimulang lumayo naiiyak ako sa sobrang inis siya pa may ganang magisip ng kung ano-ano! Siya tong hindi nagparamdam ng ilang araw tapos akala mo siya tinarantado. Gago siya gago!
"Gago ka micko! Gago!".
"Alam ko"
Napahinto ako at lumingon kung saan galing ang boses nakatayo siya sa likuran ko.
"Mabuti alam mo!".
"Mae sorry. .alam ko andami kong pagkukulang andami pero please wag mo naman ako isuko agad-agad nagsisimula pa lang tayo".
"Oo micko nagsisimula pa lang tayo pero anong ginagawa mo? Tinatapos mo".
"Mae pakinggan mo naman ako".
"Okay tell me, bakit ganito tayo micko?! Hindi tayo lrd pakshit! Pero bakit pakiramdam ko ang layo mo?".
"Mae. ."
"See? Hindi mo rin alam diba? Kung ganito lang den at masasaktan natin ang isat-isa huminto na tayo".
"Ayoko mae. . ayoko kung kailangan ligawan ulit kita gagawin ko".
"Hindi mo ako niligawan gago!".
"Liligawan kita, yung maayos yung matagal pahirapan mo ako kahit ano gawin mo pagpapahirap basta wag mo ako isuko".
"Pero pagod na ako micko, pagod na ako, akala ko kasi okay tayo".
"Okay naman tayo mae".
"Hindi micko hindi. . tigilan na natin to tska mo ako balikan kapag alam mo na kung paano maging boyfriend sakin".
=
Hi! Sorry po kaUUD lang medyo busy eh. Pero iswear magsisipag na ako i promised! :)