Cindy~
It just Wednesday again, dalawang subject lang tapos 3 oras yung break? Nakakairita lang po hano? Ang aga ko gumising tapos 2 subject lang, oh god it was math day pakamatay na.
At siyempre walang kamatayan lakad sa soria habang nagaabang nang jeep papasok sa LU hindi ko maimagine na kaya ko umuwi at pumasok magisa at ginagawa na to for 3 days na achievement po ito!
Habang naglalakad sa hallway ng LU, tingin tingin lang ako sa paligid, hindi ko alam kung saan ako pupunta o may hinahanap ba ako. Hanggang sa boogssh**
Geeez ano ba naman katangahan ito cindy?! Naiinis na pagalit ko sa sarili, nakapikit ako naghihintay ako ng sampal, o suntok sa taong nabangga ko narinig ko kasi sa maynila uso daw yung mga bully.
Ilang oras pa ba ako pipikit bago ko maramdaman yung suntok o sampal?
O_-
-_O
o_o
O_O
Nanaginip ba ako? Nakatingin siya sakin? Talaga? Tinitignan niya ako?! Seryoso ba ito o baka may lagnat lang ako? Nahipo ko agad ang noo ko hindi naman ako mainit ayos lang. Pero bakit siya ang nasa harapan ko?
Kinuskos ko yung mga mata ko, baka mamaya naghahallucinate lang ako? Muli ako tumingin sa gwapo niyang mukha sheet! Kinikilig ako oh god o why? Nagulat ako ng ilapit niya yung mukha niya sakin siya naman dahilan ng pagatras ko.
“Eh, hehe ano ano kuya so-sorry babayaran ko na lang”. Tabinging ngiti kong sabi hindi ko alam sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko, hindi ko alam kung naririnig na din niya.
Pero patuloy padin siya sa paglapit sakin, kaya patuloy din ako sa paglayo hanggang sa boom shet nakakulong na ako sa dalawang bisig niya, luminga-linga ako baka sakaling may dumaan ialis niya yung mga braso niya at makatakbo ako.
“Bago ka dito?”. Nakatitig na sabi niya sakin, Geez hindi ko alam kong pipikit ba ako o sasalubungin ko yung tingin niya.Napalunok lang ako bully pa ang romeo ko? Gusto ko kasing maging Juliet niya.
Tumango na lang ako, nalunok ko na ata yung dila ko, sobrang close niya kasi natatakot ako baka marinig niya yung pintig ng puso ko.
“Natatakot ka ba?”. Napatingin naman ako sakaniya, ako natatakot kanino? Natatakot ako para sa sarili ko. Natatakot ako nab aka gahasin ko siya kapag hindi siya lumayo sakin hehe anlande po!
“A e hindi naman”. Nakayuko kong sabi. Nagulat ako ng itaas niya yung mukha ko shet? Hahalikan niya ba ako? Ano welcome kiss ohgod! Sige ayos lang handa akong ibigay ang firstkiss ko sakaniya. Napapikit ako.