If i could just.

42 5 0
                                    

 Cindy

Hindi ako masaya, hindi ko kayang tumawa. Shet kahit ilang beses ko ipaalala na hindi ko dapat gawin to, hindi ko dapat maramdaman to pero sa tuwing naalala ko siya wala ako ginawa kundi umiyak. Alam ko aalis na siya, alam ko pupunta na siya ng korea alam ko malabo na magkita. Pero kahit na ganon masaya ako kasi matutupad na niya yung pangarap niya. Masaya ko kasi maabot na niya yung gusto niyang maabot.

Yung nararamdaman ko ngayon hindi ko alam paano ko ieexplain, oo nakakangiti ako, nakakatawa pero hindi ako totoong masaya, pero masaya ako para sa mga kaibigan ko, masaya ako kasi masaya sila. Pero what if shet ayokong isipin na wala na talaga.

Kahit alam kong wala na.

"Dy ayos ka lang?" Tumingin ako kay Anne. Umiling-iling ako sabay pagtulo ng luha ko.

"Aalis na siya ayaw niyo pa ba magusap?" Umiling ako ulit.

"Dy naman wag ka ganyan lagi ka na lang umiiyak" Pumikit ako, kahit ayoko ipakita na nasasaktan ako, na nadudurog yung puso ko, lumalabas at lumalabas padin yun. Lumalabas padin yung katotohanang sa kabila ng lahat mahal ko padin siya.

"Cindy bakit ka umiiyak?!" Tumingin ako kay Dyace isa din siya sa close kong lalaki sa room.

"Okay lang ako" Nagulat ako ng yakapin niya ako.

"Wag kana umiyak please" Yumakap ako ng mahigpit. Hindi kasi ganon kadali Dyace eh. Hindi ganon kadali na wag umiyak.

"Namimiss ko na siya" Yung pagkamiss ko kay ruru dinaan ko sa yakap kay Dyace. Pagmulat ko ng mata ko nakita ko si Ruru na nakatitig sakin and i can see pain in his eyes. Humiwalay ako dyace pero kinabig lang ako dyace.

"Wag beb hayaan mo lang ng yakap kita" Pero kumalas padin ako ng yakap nakita ko nakatalikod na si Ruru sakin. Susundan ko ba siya?

"Sundan mo na, malay mo maayos pa para hindi na kita na umiiyak" Tumango ako. Dahan-dahan akong sumunod kay Ruru.

"Ruru" Huminto siya, bakit ganoon naghiwalay lang kami parang nagbago ng lahat, parang hindi nanaman kilala ang isat-isa.

"Yeah?" Hindi niya ako hinahanarap.

"Yung nakita mo. ." Tinaas niya yung isang kamay niya.

"Its okay ex" Napapikit ako. Masakit padin na maranig ko sakaniya ang salitang ex.

"Yeah can we talk?"

"Para saan?" Humarap ka naman sakin Ruru gusto ko makita yung mukha mo, miss na miss na kita.

"I guess to settle everything balita ko kasi aalis kana"

"Do you care?" He said. Bang! Ang sakit, bawal na pala ako magcare.

"Bawal na ba?" Naglakad siya ulit, sumunod ako.

"Wag muna ako sundan, hindi kita babalikan" Napahinto ako, napayuko at dahan-dahang tumulo yung luha ko. Ito ba yung ginusto kong mangyari saming dalawa? Hindi naman e.

"Wag ka magaalala hindi naman ako makikipagbalikan e. Gusto ko lang sabihin sayo na mangiingat ka sa korea. . . kasi mahal na mahal kita

Nilingon niya ako for the first time, pero wala akong nababasa na kahit ano sa mata niya. Siguro nakapagmove on na siya, pero kanina ka lang i saw pain. Pero baka ng mali ako baka naghahallucinate lang ako.

"Thankyou" Ngumiti ako.

Ingat ka don ha? Hihintayin kita.

Anne

"Masokista yung kaibigan mo no mahal?" Tumingin ako kay Renz kanina pa kami nakatayo dito pero hindi alam ni Cindy pinapanuod lang namin silang dalawa ni Ruru.

"Mahal niya kasi e." Huminga ako ng malalim.

"Ganyan din naramdaman ko nun mahal nung ayaw mo ako pakinggan" Tumingin ako kay Renz hinawakan niya yung kamay ko.

"Buti na lang nakinig ako, atleast pareho tayong masaya" Tumango si Renz.

"Lika na mahal" Kumunot yung noo ko.

"Saan tayo pupunta?"

"Basta mahal, iingatan kita promise!" Nakangiti niyang sabi sakin. Ang pogi niya talaga nako! Akin lang siya from head to toe AKIN LANG.

xx

"Renz nasaan tayo?" Ngumiti lang siya binuksan niya yung pinto ng isang malaking gate. Wow yaman ng mahal ko.

"Renz andyan ka na pala" Ngumiti si Renz.

"O may kasama ka pala" Alanganing ngumiti ako.

"Opo manang si Anne po girlfriend ko" Napanga-nga ata ako, ngumiti sakin yung manang na tinawag niya.

"Talaga ba iho, sa lahat ng babaeng dinala mo dito siya ang gusto ko" Napatingin naman ako kay Renz napakamot siya ng ulo.

"Manang naman siya palang dinadala ko dito" Ngumiti si Renz sakin at hinila yung kamay ko, umupo kami sa sala. Napatayo ako ng wala sa oras ng makita ko yung parents niya. Kinakabahan ako triple. Azar! Renz hindi mo man lang sinabi hindi ako handa.

"Goodafternoon po" Kimi akong ngumiti.

"Goodafternoon iha, take your sit" Umupo naman ako at tumabi sakin si Renz.

"Bakit hindi mo sakin na dadalin mo ako dito?" Bulong ko.

"Baka hindi ka pumayag mahal e" Kumunot yung noo ko.

"Sorry na, gusto lang naman kita ipakilala sa parents ko mahal" Tumango ako.

"Iha ako si Lorenzo" Kumamay ako.

"Nice to meet you po  Tito" ngumiti ako.

"Sayo din iha, maiwan ko na kayo ni Renz marami pa akong gagawin" Tumango si Renz at naiwan kaming dalawa.

"Kapag ganito naman Renz sabihin mo naman sakin wag pabigla-bigla" naiinis na sabi ko.

"Mahal naman eh kaya nga surprise diba? Hindi na siya surprise kapag sinabi ko sayo"

"Pero Renz hindi man lang ako nakapag ayos ano ka ba naman!"

"Maganda ka naman kahit hindi ka magaayos eh, tama na yan kapag nagayos ka pa baka imbis sa bahay kita dinala baka simabahan na" Hinampas ko siya.

"Napakabolero mo!" Pairap kong sabi.

"Mahal kita eh" Kinurot ko siya pero nahawakan niya ang kamay ko at hinalikan ako sa nuo.

"Mahal din kita"

xx

HAHAHAHAHAHAHA yown! bem. Dalawang araw walang pasok magbunyi! At sana walang masaktan o mamatay sa darating na bagyo, mangingat po tayong lahat and pray.

FANGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon