Lizette's pov
Makalipas ang tatlong araw dumating na ang araw na hinihiling ko na sana hindi na dumating pa
Parang isang maniquin kumikilos ako ngunit walang buhay nakaharap sa salamin at inaayusan ng biglang may pumasok sa kwarto ko
"wow just wow!?!"manghang wika niya "you look beautiful anak wala ka pang gown ng lagay na yan"sabi niya at kita mo ang kinang sa mga mata niya
Hindi ko siya pinansin at nagkalkal na lang ako sa cellphone ko ngunit nagulat ako ng may biglang humawak sa balikat ko
Tumingin lang ako sa kanya saglit at ibinalik ang tingin sa ginagawa
"Anak hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin ako napapatawad??"wika niya at narinig ko pa ang malalim niyang buntong hininga
At sa pangatlong pagkakataon ay wala akong naging sagot sa mga sinasabi niya
Naglalayag ang isip ko sa umiiyak na mukha ng mahal kong si Jared
"I understand kung hindi mo pa ako mapapatawad sa ngayon anak pero nais kong malaman mo na para sa ikabubuti mo din itong ginagawa ko"ramdam ko ang magaan na halik niya sa buhok ko at saka lumabas ng kwarto
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na akong ayusan,sinimulan na ding isuot ang gown na gagamitin ko sa kasal
"bonggecious ang lola mo perfect!!!"masayang wika ng nag-ayus sa akin binigyan ko siya ng tipid na ngiti
'buti ka pa masaya samantalang ako napipilitan pa'
Makaraan nga ang ilang sandali at inihatid na ako sa simbahan na paggaganapan
Habang nasa daan papunta sa simbahan hindi ko nanaman naiwasan na isipin si Jared mahal na mahal ko siya ngunit wala akong magawa para sakanya
'wala ka talagang kwenta'
At mas naiyak pa ako sa isiping iyon at ngayon magagawa ko pang magsinungaling sa mga kaibigan ko
Oo hindi nila alam ang tungkol dito wala pa akong pinagsasabihan maski isa sa mga kaibigan ko alam kong magagalit sila pero hindi ko kaya ang mga sasabihin nila
Maya-maya pa ay huminto ang sasakyan kaya napalingon ako sa labas nasa harap na kami ng simbahan'hindi ko manlang napansin'
Hinintay ko nang pagbuksan ako ng driver at hindi nagtagal ay bumaba na siya
Pagbaba ko sa kotse matagal na pakikipagtitigan ang ginawa ko sa malaking pintuan ng simbahan sandali lamang huminto ang aking mga luha at muli nanaman itong kumawala
At mas lalo pa itong bumuhos ng unti-unti ng bumukas ang malaking pintuan
Nagsimula na akong maglakad patungo sa altar
🎵🎵🎵
When I see stars I think of you
Then I always pray for yoy
And I know what my heart was made for to love you
foreverHabang naglalakad ako patungo sa aisle ang lahat ng mata ay nakatingin sa akin lahat ay nakangiti
When I feel you in my heart
Then I hear your voice from your eyes
I'll always love you
And I'm waiting for you
Until the end of timeBagaman naka yuko patuloy pa din sa pagluha ang aking mga mata 'hindi sa saya kundi sa galit'
Here I am way to you
I hope that someday you will realize
That I can see forever in your eyes
And I'm wishing my dream will come true

BINABASA MO ANG
Still Behind his Back
Teen FictionTHE GIRL BEHIND HIS BACK season 2. The group were able to fulfill their dream as an Artist. The life of the Infinite continues to shine brighter. Despite their booming success in the music industry, Ivanz never forget his love towards Chezkha but st...