Chezkha's POV
Malapit na magstart ang afternoon work pero ako eto nakatunganga nanaman sa opisina ko habang nanonood ng dalawang taong naglalandian sa harapan ko.
Not really sa harapan pero kasi tanaw sila mula dito sa kinaroroonan ko
Isang linggo na ang nakakaraan pero palala siya ng palala.Laging nandito,laging nakadikit kay Ivanz and honestly it pisses me off big time!
Alam kong hindi tama pero kasi nakaka asar na lagi ko siyang nakikita dahil kelan lang naman yan dumikit ulit
Tumagal pa nga ng ilang linggo at umabot pa sa punto na ipinagdadamot niya pa si Ivanz sa lahat kaya mas lalo pa akong naiinis
Ngunit dumating ang isang araw na hindi ko inaasahan.Gaya ng daily habit ko ay nakatunganga nanaman ako sa nakabukas na pintuan ng opisina ko ngunit iba ito ngayon.
Mas naging malambing si Eufritz kay Ivanz.Heto siya ngayon may hinandang pagkain para kay Ivanz at sa totoo lang naiinggit ako
Ako kasi dapat ang gumagawa nito sakanya at hindi iba pero iba na kasi ang sitwasyon.Yung dapat na ginagawa ko ay ginagawa na ng iba at ako naman ay pinapanood lang sila kahit nasasaktan na
Ngayon naman ay isusubo ni Eufritz ang pagkain kay Ivanz pero umiiwas si Ivanz at mukhang wala pa atang gana yun.
'Ano kayang nangyari?'
Patuloy lang ako sa panonood sa dalawa ng bigla nalang natapon ang pagkaing pilit isinusubo ni Eufritz kay Ivanz
"Ano ba! tumanggi na ako di ba?! bakit ba ang kulit mo!"anas ni Ivanz
Pareho kaming nagulat ni Eufritz dahil sa ginawa ni Ivanz.
Bigla nalang siyang lumabas ng studio.Naiwan naman dito si Eufritz na umiiyak
'dammit Ivanz , ano bang nangyayari sayo!'
Dahil sa inis ko kay Ivanz ay hinanap ko siya sa labas at yun natagpuan ko sa pinakamalapit na park sa company
Nakaupo siya sa isang swing habang malalim ang iniisip kaya dali-dali akong lumapit sakanya.
Nang makita niya ako ay ang bilis niyang tumatayo."Chezkha what are you—"I slapped him.
"Asshole." nanggigil na sabi ko sa harapan niya."How dare you! bakit ganyan ang treatment mo sa girlfriend mo! kung may problema kayo pag-usapan niyo! hindi yung ipapahiya mo siya sa harap ng maraming tao!"sa sobrang inis ko ay nasigawan ko siya.
"Kahit naman mahal kita ayoko parin na nakakasakit ka ng iba kaya pleaseee magbati na kay—"naputol ang salita ko.
"At sa tingin mo ikaw lang ang nasasaktan? Ea yang ginagawa mong pang aaway sakin nasasaktan din ako! gusto mo talagang malaman ang totoo? Wala na kame! at oo na hanggang ngayon mahal pa din kita kaya naasaktan ako kasi inaaway mo ako para sakanya!" and that made me stop.
"Wala na kayo?"Hindi makapaniwalang sabi ko
"Oo matagal na."anas niya.Agad akong natakot ng makitang parang bigla ay naging madilim ang mga mata niya.Napakagat na lamang ako sa aking labi out of frustration
Nagtitigan kami ng ilan pang sandali bago siya umalis sa harapan ko.Now I'm doomed.I didn't expect that this will happened to me tsk!
Ivanz's POV
Nagdaan ang isang Linggo.Walang Eufritz na nangungulit at mas lalong walang Chezkha na lumalapit.
Ang tanga ko.Mukhang napasama pa ata ang pag amin ko dahil ngayon mas lumala nmang galit niya para sakin.Dati, sa tuwing titingin ako sa kanya laging malungkot ang mga ito.
Ngayon pag napapatingin ako sakanya hindi na lungkot kundi galit na ang makikita mo dahil sa talim ng paraan niya ng pagtitig.Hindi ko nalang ito pinansin.
Pero napapaisip ako.Tama naman si Chezkha sa mga sinabi niya sakin nung nakaraang linggo.Kaya ngayon nakokonsensiya ako.
Kaya I tried to contact Eufritz.After three rings she Finally answered." Hello.Eufritz"panimulang bati ko
[Ivanz!]masiglang bati niya."Ahhh I just want to apologize for what happened last week.I'm really sorry"sincere na sabi ko
I'm okey now no worries.Is that mean babalikan mo na ako? kasi nakipag usap kana"wika niya sa masigla paring tinig.
"Ahh sorry pero hindi.My decisions are final kaya hindi ko na babaguhin yun.Mahinang tugon ko
Narinig kong nagbuntong hininga siya sa kabilang linya"Ivanz, pleaseee I'm sorry bumalik kana sakin, hindi ko kayang mabuhay na wala ka"narinig ko na ang hikbi niya sa kabilang linya. wala akong masabi.
"Pleaseee Ivanz I beg you hindi ko talaga kakayanin pag nawala ka sakin"pagmamakawa niya.
"Pero,Eufritz gustuhin ko man na balikan ka hindi na ito,magiging kagaya ng dati dahil babalik nalang ako dahil sa awa at hindi dahil sa mahal pa kita.Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?"mas narinig ko pa ang pag-hikbi niya.
"No.Ayos lang sakin dahil ikaw naman yan.I will do everything para bumalik ka sakin.And yes hindi ako naawa sa sarili ko dahil puro nalang tungkol sayo ang,alam nitong puso ko kaya please"nabasag ang boses niya.Ngayon ay mas malinaw na umiiyak na siya.Wala talaga akong masabi.
Isang mahabang katahimikan muna ang naganap bago niya pinutol ang linya.
Patricia's POV
Papalapit na sila sa katotohanan.Natatakot akong baka umabot sa puntong magkasakitan sila.Wala akong ibang magagawa kundi ang manuod nalang sakanila.
Nakahanda akong tumulong kung sakali mang may mangyari.Dahil unti-unti ng may nabubuo ng conclusion sa isip ko at hindi ito maganda
Bumalik ako sa pagmamasid sa mga tao sa paligid ko.Nakauwi na ako ng,Korea pero walang nakakaalam hindi rin ako umuwi sa bahay namin ni Chezkha
Maya-maya pa ay may napansin akong kakaiba sa,kilos nila agad akong naalarma
Sinundan ko agad sila at tama ako papunta sila sa hinanda ko.Napangisi ako madali ko na kayong mahahanap just incase.
Nagmadali na akong umalis sa lugar na iyon at nagtungo sa bahay na tinuttuluyan ko
Sa isang gamit ni Chezkha ay naglagay ako ng tracker para malaman ko ang lahat ng kilos niya
Habang wala pa namang nagaganap na kakaiba ay naisipan ko munang lumabas.
Kumakain ako ngayon sa isang restaurant ng biglang magring ang cellphone ko
Tumatawag nanaman siya kaya agad ko itong sinagot"Hello?"bungad ko
[Kamusta na yung pinapaset up ko?]paguusisa niya
"Ayos na ang lahat kung gusto mo puntahan mo para ikaw mismo ang pumunta doon para maicheck mo.
Agad ko ng binaba pagkasabi niyon sa kanya.
Now the real battle will going to start

BINABASA MO ANG
Still Behind his Back
Fiksi RemajaTHE GIRL BEHIND HIS BACK season 2. The group were able to fulfill their dream as an Artist. The life of the Infinite continues to shine brighter. Despite their booming success in the music industry, Ivanz never forget his love towards Chezkha but st...