Chapter 49

36 1 0
                                    

Third Person's POV

Makalipas ang tatlong taon tuluyan ng nanirahan si Ivanz sa Korea.Kinuha niya ang mama niya na nasa Pilipinas at pinitisyon para sa Korea na manirahan.

Matapos ng araw na iniwan niya si Chezkha sa mismong araw ng kasal nila, walang ibang ginawa ang binata kung hindi ang sundan ang bawat galaw at kilos ng dalaga.

Makalipas din ang ilang taon, hindi nagtagal ang pagsasama ni Ivanz at Eufritz dahil hindi naman siya tinuring ng lalaki na asawa kahit kelan.

Hindi kinaya ni Eufritz ang paraan ng pagtrato sa kanya ni Ivanz.Natahimik naman na ang buhay ng binata matapos mawala ni Eufritz.

Matapos ang trahedyang nagdulot sa kanila ng labis na sakit napag isipan nitong muling bumalik sa kanyang career bilang lead vocalist ng kanilang banda at bilang isang song writer.

Itinuon nito ang buong atensyon sa kanyang trabaho kasabay ang palihim na pagsunod kay Chezkha.

Ngunit isang araw, papunta siya sa dating bahay nila ng makitang nakalabas ang lahat ng gamit ni Chezkha.Doon niya nalaman na aalis ito ng bansa at hindi niya alam kung saang lugar ito pupunta.

Nakita nyang paalis si Chezkha ngunit hindi niya magawang lapitan ito at kausapin.Para sakanya walang kapatawaran ang pananakit na ginawa niya sa babaeng pinakamamahal niya.

Doon ay mas lalo lang naging malungkot ang buhay niya.Lumipas na ang ilang taon ngunit wala syang nalalaman kay Chezkha dahil hindi siya nagtatanong sakanyang mga kaibigan.

Pinilit nyang kalimutan ang kanyang pagmamahal para kay Chezkha ngunit hindi niya rin kinaya.

Nagpatuloy siya at ang mga kaibigan niya sa industriyang ginagalawan nila dahilan upang mas lalo pang magyabong ang kanilang kasikatan.

Hindi lamang sa Korea ngunit pati na rin sa iba pang bansa ay mas dumoble pa ang dami ng kanilang taga hanga.

Ngunit sa kabila ng kanilang matinding kasikatan hindi parin nito napantayan ang kalungkutan na nadarama ni Ivanz lalo na ng umalis ito ng bansa.

Kahit abala sa kanilang career hindi ni Ivanz itinitigil ang paghahanap kay Chezkha kung nasaan man ito naninirahan ngayon.

Naging sikat din ang mga kantang nilikha ni Ivanz sa loob ng mga nagdaang taon.

Ang kantang "I Confess" ito ang pinaka unang kantang isinulat ni Ivanz para kay Chezkha.

Dahil gabi na din, inayos na ni Ivanz ang mga kalat sa kwarto niya at nahiga.

Matagal na nakatitig si Ivanz sa kisame hanggang sa hindi niya namalayan na lumalalim na pala ang tulog niya.

Nagising ako mula sa pagkakatulog ko.Pero agad na nangunot ang noo ko dahil madilim ang buong paligid ko.

Sobrang dilim at talagang wala kang makikitang kahit na ano sa paligid mo.

Nagpatuloy lang ako sa paglakad kahit na wala akong maaninag pa.

Pero sa di kalayuan ay may natatanaw akong kung ano.Nagmadali akong makapunta sa kinalalagyan non.

Isa itong babaeng naka kulay puting bestida.Malabo ang mukha niya pero wala siyang malay.Mahaba din ang itim na itim nitong buhok na nakalagay sa magkabilang gilid ng ulo niya.

Tinitigan ko sya ngunit unti-unti syang nawala..

Napabalikwas ako ng bangon ng makarinig ng tunog ng ring galing sa aking cellphone.

Still Behind his BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon