Ivanz's POV
Matapos ang sagutang iyon ay nagkaroon na ng malaking gap sa aming dalawa para bang bumalik kami sa dati nung muli ko siyang nakita
Isang linggo na ang nakalipas at mas lalo pang lumala ang pag iwas niya.Ilang beses na din ako sumubok na kausapin siya pero mukhang sarado na ang isip niya bukod pa don ilang araw na din siyang absent at hindi namin alam ang dahilan
Napatigil ako mula sa malalim na pag iisip ng biglang nagring ang cellphone ko
Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag."Hello Lizette"agad na bungd ko
[Kamusta? I heard nagkasagutan daw kayo ni Chezkha]
Alam ko na.Ito ang magiging bungad niya dahil magkaibigan silang dalawa."Nothing.nagkasagutan lang kami kahapon.don't mind it"wika ko at pumunta sa kwarto.
[nagkasagutan??grabe naman na sagutan yang naganap sa inyo umiiyak siya Ivanz!!]
That made me stop.Hindi ko manlang nalaman na ganon pala ang mangyayari sakanya.
'ano ba talagang nararamdaman mo Chezkha? o... meron pa ba?'
Agad kong binura ang aking nasa isipan ng mabalik ako sa reyalidad
[Hey! still there?]dinig kong sabi ni Lizette sa kabilang linya
[A yes.andito pa ako sorry]hinging paumanhin ko.
[By the way I got to go may pupuntahan kasi ako I'll call you later]I just bid may goodbye then I hang up
Mabilis akong lumabas ng condo unit at pumunta sa parking lot
Since it was Tuesday, morning.Dumadaan talaga kami sa agency bago pumunta sa shooting ng mv namin but today,dito lang kami sa studio dahil magkakaroon kami ng meeting regarding sa kakatapos lang namin na mv
Matapos ang ilang minuto,dahil nga nauna akong umalis ng condo ngayon palang sila dumating.
Agad kaming nagsipasok papunta sa meeting place para pagusapan ang naging outcome ng pagrerelease ng bagong album
Tumagal ng higit tatlumpung minuto ang meeting bago kami nakalabas.Ngayon ay narito kami sa may lobby para magmasid sa paligid
May isang oras na kami sa ganong posisyon ng maya-maya ay may pumasok,na isang lalaki at hindi,siya pamilyar
'sino siya? sinong ipinunta niya?'
Sinundan ko lamang siya ng tingin habang papunta siya ng Information desk.Babalik na sana ang paningin ko sa entrance ng BNC kung hindi ko narinig ang itinatanong niya
"Saan po makikita si Chezkha Ronquillo?"
Agad na nagpanting ang tenga ko ng marinig ko ang pangalan ng hinahanap niya.
'anong kailangan mo kay Chezkha?'
"nasa,studio po siya"sagot naman ng babae sa information desk
"salamat"mabilis siyang umalis ng malaman ang kinaroroonan ni Chezkha
Tahimik naman akong sinusundan ng tingin ang kanyang dinaraanan at patungo nga ito kung saan maaring makita si Chezkha
Ilang sandali pa at lumabas na siya kasama si Chezkha.Biglang tumigil ang lahat ng nasa paligid ko
Parang bigla nalang ay gusto kong hilahin pabalik sakin si Chezkha at sabihang wag siyang sumama sa lalaking yon.
'ano bang klaseng pakiramdam ito? mali ito hindi pwede'
Sa simula palang naman ay alam ko na ang ganitong klaseng pakiramdam
BINABASA MO ANG
Still Behind his Back
Teen FictionTHE GIRL BEHIND HIS BACK season 2. The group were able to fulfill their dream as an Artist. The life of the Infinite continues to shine brighter. Despite their booming success in the music industry, Ivanz never forget his love towards Chezkha but st...