Shenize's POV
After I ate my breakfast and prepared myself to go in the office.
------
Adrian's POV
"And 3...2...1...
CUT!!!" sabi ng direktor.
"Pack up for now. Bukas next shooting sa Jeju Island ang set up. Be early! ayoko ng late do I make myself clear?" muling wika niya.
"Yes!!!" we said in unison.
It's been five years everything change especially Ivanz...
Lahat kami ay masaya pero siya? lahat ng ngiti at tawa niya ay peke.
Sa ginagawa naming pagtatanghal lahat ng ipinapakita niya ay hindi totoo.
Pagkatapos namin humarap sa ibang tao bumabalik siya sa kung ano siya noon.
malungkot ang mata...
cold...
At sobrang tahimik...
ang pagiging miserable niya..
Pero noon yun after 3 years of being here in Korea natutunan niya kung paano muli maging masaya thanks sa mga supporters ng Infinite kasi kahit ganyan siya minahal siya ng mga tao
"huy tara na sa van uuwi na tayo" tawag sakin ni Matthew.
"ok susunod na ako" sabi ko at yun nga ang ginawa ko. I fix my things and went to the lobby of the hotel and wait for our road manager to come.
Then minutes later dumating na siya.
"Hello guys" she said then flash her sweetest smile at unti-unti siyang lumapit kay Jared at nagulat kaming lahat sa sunod niyang ginawa---*PAK*
"Aray!! bakit ka ba nanununtok ha!?!" singhal ni Jared.
"Ikaw!!! may kumakalat nanamang issue tungkol sayo!?! sinong babae nanaman ba ang nilande mo ha!?!" bulyaw ni Jazriel.
Oo si Jazriel nga siya na ang tumatayo naming manager/scheduler napatawad na namin siya.
"No hard feelings nga" eka nila kaya siya na ang umaayos ng gulo ng infinite at ngayon panibagong issue nanaman ang aayusin niya.
"wala akong nilala—aray masakit!?!" daing ni Jared kaya nagtawanan kaming lahat kasi naghahabulan na sila dito sa lobby ng hotel.
"siguraduhin mo lang nakuuu Jared!?!" muling sigaw ni Jaz.
"stop it Jaz" saway ni Ivanz ng malubay sila. Tumigil nga si Jazriel kaya lumabas naman si Jared.
Jared's POV
Matapos makipaghabulan kay Jazriel agad akong lumabas at baka maisipan pa akong tugisin ng isang yon
'baliw pa naman siya'
Ayun nga lumabas ako saglit para bumili ako ng maiinom.
Babalik na sana ako sa loob ng hotel ng mahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na mukha! Mas lumapit pa ako para kumpirmahin kung siya nga yon at tama ako!?! si—
"huy tara na aalis na!!" biglang singit ni Niecky kaya bigla akong napalingon sa kanya.
"aishh saglit nga" sabi ko at muling bumaling sa direksyon ng tinitingnan ko kanina but it is nowhere to be found.
'nasan na yon?' tanong ko sa sarili ko ngunit agad na bumaling ang atensyon ko sa epal na ito -_-
"tara na nga" wika ko at agad na nauna ng pumasok sa hotel para magpahinga.
--------
After 30 minutes of traveling agad kaming nakauwi sa headquarters namin at abala na ang bawat isa samin.Si Ivanz ayun natutulog, si Adrian ayun kausap ang girlfriend niya, si Niecky tamang games sa laptop, si Matthew ewan kung nasa'ng lupalop ng bahay yon, at ako? eto nakatitig nanaman sa labas ng bahay walang magawa busy ang honey ko ea ganun talaga nganga na.
4 years na kaming in a relationship ni Lizette and obviously isang taon akong nanligaw sa kanya next week will be our fifth anniversary kontento naman na ako sa buhay naming dalawa na sa isa't isa umiikot ang mga mundo namin though minsan may panahong nahohomesick ako at gusto ko siya makita pero tinitiis ko pa rin tapos magvivideo call nalang kami at ayun medyo nasasatisfy ako pero 'medyo lang'
Maya-maya naisipan ko ng idial ulit ang number ni Lizette at buti naman nagriring na siya kanina kasi ilang ring palang at nagsasalita na agad ang operator ng'out of coverage area' pero ngayon nagriring na siya, maya-maya may sumagot na sa kabilang linya.
[hello hon musta?!?] Sagot ng nasa kabilang linya.
"eto kauuwi lang nagpapahinga" sagot ko.
[ayy hon sensya na ahh di ko nasagot tawag mo kanina nagcharge kasi ako saktong pagbuhay ko ayun tumatawag ka na] mahabang paliwanag niya.
"ok lang honey ko I understand"t ugon ko. Totoo naman naiintindihan ko siya!
[Awww napaka understanding naman ng honey ko kaya lalo kitang minamahal ea!] sabi ng honey ko sa malambing na boses.
[Oh siya sige na babalik na ako sa trabaho nagbreak lang kasi ako ng 20 minutes ea, babyeeee! tawag nalang ulit ako mamaya] sabi niya.
"Oh siya sige babye na at baka nakakaistorbo na ako sayo" yun lang amg huli kong sinabi at hindi na hinintay ang sagot niya at pinatay ko na.
Matapos makipag usap kay Lizette naisipan ko muna maglibot sa park.
Dahil walking distance lang ang park mula dito nilakad ko nalang ito habang may nakapasak na earphone sa tenga
after 3 minutes narating ko na din sa wakas ang park. Ilang paglilibot pa ang ang ginawa ko tsaka ako muling lumipat ng pwesto this time naisipan ko namang pumunta sa ice cream parlor isa kasi ito sa nagtatanggal ng stress ko at bukod pa dun favorite ni Lizette ang ice cream.
Nagsimula na akong pumila at halos manlumo ako makitang halos dalhin na nila mga taong parang pilumipila para sa relief goods sa sobrang dami ng tao gayunpaman naghintay ulit ako.
Ngayon ako na ang nasa harap ng counter "Anyeong can I have your order Sir?" pagbati ng kahera sa lingguahe nila.
"Ahh I want chocolate flavor ng ice cream"ang sabi ko. Agad namang ngumiti ang kahera sabay sabing "right away sir!!" Sa kanilang salita. Lumisan na siya saglit upang ihanda ang order ko.
Makalipas lamang ang ilang minuto ay bumalik na ang kahera dala-dala ang ice cream ko habang nakangiti ito ng maganda sa akin.
I smiled back at tsaka ko kinuha ang order ko naghanap na din ako ng pwedeng mapwestuhan. Buti naman walang nakaupo sa paborito kong spot sa ganitong oras.
Malapit ito sa bintana kaya tanaw na tanaw ang kabuuan ng lugar. At bago pa may makauna sakin doon agad na akong kumilos upang pumunta doon at ubusin ang ice cream ko.
Matapos ubusin ang ice cream muli akong bumalik sa park kung saan ako unang nagpunta.
Saglit pa lamang akong nakakaupo doon ng maramdaman ko na ang malamig na simoy ng hangin.
Batid ko naman na malamig dito kahit anong oras pero mas malamig this time kaya napatingin ako sa langit hindi ko napansin na magdidilim na pala.
At bago pa sila mabaliw kakahanap sakin tumayo na ako at handa na sanang umalis ng mahagip nanaman ng mata ko ang pamilyar na taong iyon kaya't balak ko sana siyang sundan ng huminto sa ngunit hindi lumapit.
Sabay taas ng kamay na animoy sinasabi niya na 'huwag' saka ngumiti kaya hindi na ako sumunod at umuwi na lamang ng HQ namin.
"Oh san ka galing?" bungad ni Adrian.
"Dya'n lang." agad na sagot ko at mabilis na umalis upang pumunta sa aking kwarto at hindi na inintay pa ang magiging sagot niya.
-------
Hmmmm sino kaya sa tingin nyo itong 'pamilyar na mukha' na sinasabi ni Jared?Any idea guys???
READ.VOTE.COMMENT

BINABASA MO ANG
Still Behind his Back
Ficțiune adolescențiTHE GIRL BEHIND HIS BACK season 2. The group were able to fulfill their dream as an Artist. The life of the Infinite continues to shine brighter. Despite their booming success in the music industry, Ivanz never forget his love towards Chezkha but st...