Chapter 39

217 7 0
                                        

Chezkha's POV

"Hindi pa sapat ang mga nalalaman mo Chezkha nasa kalahati palang ang mga nasabi ko sayo isa pa mayroon pa akong hinandang isang malaking sorpresa wait for it " tumatawa sya habang palabas ng warehouse 

Hay! sana lang hindi ka pa nababaliw Eufritz

Shenize's POV

Nandito kaming lahat sa condo na tinitirhan ni Chezkha at Patricia.Kanina lang samin nagpakilala si Patricia ang sabi niya sya daw ang tumulong kay Chezkha sa mga nag daang taon.

Nagpakita siya kanina samin at nagsabing nakahanda siyang tumulong.Sa pag-iisip kung saan maaaring makakuha napag isip-isip kong tingnan kung anong pwede naming gawin at nag end up kami sa paghahagilap sa bahay nilang dalawa.Sa tulong ni Patricia, ay nakapasok kami sa condo nilang dalawa.

Pumasok ako sa kwarto ni Chezkha.Sinimulan kong halughugin ang drawer niya.Tinanggal ko ang mga damit niya upang mas makita ko ang laman pero biglang may nahulog na papel kaya pinulot ko ito.Binuksan ko ito at nagbabakasakali na baka may makuha kaming lead.

Patricia has her own abandoned place.Where you can conduct any event you wanted to held even a funeral hahahaha!

Yan ang nakalagay sa sulat.Pero parang pamilyar sakin ang papel na ginamit dito at maging ang paraan ng pagkakasulat ng mga letra wari'y ba'y nakita ko na ito sa kung saan.Sandali akong napaisip kung saan ko nga ba ito nakita.

Aha! alam ko na! ito yung kaparehong papel na ginamit sa nakita kong sulat two days ago sa office niya sa studio

Mabilis akong lumabas ng kwarto at dali-daling hinanap ang bag ko sa sala."Ano may nakita ka ba?" usisa ni Adrian ngunit hindi ko muna sya pinansin.Nang makita ko ang bag ko ay agad kong hinanap ang papel na nakita ko two days ago.

Mabilis ko itong kinuha at saka binuklat eto naman ang sinasabi ng naunang sulat

A show is about to start.Better find your most special person in life before its too late otherwise that person will be the main lead.Everyone is involve but Patricia may involve and even Ivanz.This is a story where everyone is the character 

Kung pagsasamahin ang dalawang sulat halatang konektado sila sa isa't-isa.Pero bakit laging nababanggit ang pangalan ni Patricia sa mga ito? Anong papel niya sa storyang sinasabi ng mga sulat?

Pagtayo ko hindi ko napansin na nandoon na pala silang lahat sa likod ko maliban kay Patricia.Lahat sila ay seryosong nakatingin sakin.Nagtataka.

"Anong ibig sabihin nito Shenize? ba't may ganyan ka?  at..... bakit hindi sinabi sa'min ang mga 'to?" tanong ni Lizette.Naguguluhan.

"Pasensya na Lizette sa  sobrang busy nating lahat hindi ko na nagawang ipakita ito sa inyo." pagpapaliwanag ko.

"At sa madaling salita ay nakalimutan mo? ano ba naman Shenize! alam mong kahit na kaliit-liitang detalye ay importante satin ngayon! ano bang tumatakbo sa isip mo!" anas niya.Tumataas na din ang tono ng pananalita niya.galit pero naiintindihan ko.

"Sorry!" yan na lamang ang nasabi ko at napayuko na lamang sa kahihiyan.

"Enough! hindi ngayon ang tamang oras para mag away pa kayo" pumagitna na si Jared.Nagpapaintindi saming lahat.

" Anong meron? bakit nagsisigawan kayo?" out of nowhere ay biglang lumabas si Patricia kaya mabilis na nabaling ang atensyon ko sakanya.

"Patricia pwede mo bang tingnan ito?lahat kasi ng sinasabi ng sulat ay may kinalaman sayo." inabot ko sakanya ang papel at tiningnan naman niya ito.

Still Behind his BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon