Chapter 47

205 7 0
                                    

Chezkha's POV

Nanghihina na ang katawan ko sa sobrang pagod.Ni ang galawin ito ay hindi ko magawa.

Natulala na lang ako sa kawalan.Gulong-gulo ang isip ko sa mga oras na ito.

Ano bang nagawa ko para mangyari sakin 'to?

Saan ako nagkulang?

Hindi ko na alam kung ano pang iisipin ko.Kung ano, saan at kailan ako nagkamali hindi ko alam.

Then realization hits me.

'oo nga , ang kasalanan ng kahapon'

Siguro nga eto na ang kabayaran sa mga nagawa ko noon.

Kahit hirap na akong huminga wala akong magawa kung hindi ang umiyak nalang.

Patuloy ako sa pag-iyak at hindi ko namalayan na nawalan na pala ako ng ulirat.

----

No! wag kang umalis please! Hindi ko kaya kung wala ka Ivanz!

"Nabuhay ka ng hindi mo pa ako kilala.Sigurado akong mabubuhay ka rin ng wala ako sa tabi mo'

Hindi niya pinansin ang pagmamakaawa ko at umalis sya ng walang alinlangan.My heart stinks so much.Kung alam ko lang na eto pala ang kapalit ng paglayo ko noon, hindi ko na sana ginawa ang kasalanang yon.

Pagmulat ko ng mga mata ko, andito pa rin ako sa bahay namin.Bahay na binuo niya para sa'ming dalawa.

Napalingon ako sa paligid.Biglang dumilim ang paligid.Nawalan na ito ng kulay at sigla.Pakiramdam ko nakulong ako sa isang napakalayong lugar at ako lang mag-isa.Napakalungkot.

Muli nanamang lumandas ang luha sa'king mga mata.Ang sakit na dulot niya ay paulit-ulit lang akong sinasaksak.

Makalipas ang ilang araw at linggo walang pinagbago sakin.Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak tapos makakatulog at pag nagising iiyak nanaman.

Ni ang pagkain ay walang puwang sa katawan ko sa mga oras na'to.

Nasa tapat ako ng bintana at nakatulala nanaman.Naramdaman kong may pumasok sa bahay.

"Sinabi ko ng gusto kong mapag-isa.Alin sa mga sinabi ko ang mahirap intindihin?" Hindi ako lumilingon ngunit alam ko kung sino ang nakatayo ngayon sa likuran ko.

"Binigyan na kita ng sapat na panahon Chezkha tama na yon.Halos mamatay na kami sa pag aalala sa'yo dahil baka kung ano ng gawin mo tapos yan lang ang sasabihin mo? Ganyan ba naaapektuhan ang puso mo at maging ang alalahanin kaming mga kaibigan mo ay nakalimutan mo na rin?"mataas ang tono ng pananalita niya at hindi ko nagustuhan yon.

Hinarap ko siya."at anong gusto mo? Intindihin ko kayo samantalang may iba pa akong iniisip? Gusto niyo ba akong patayin?"tinitigan ko sya sa mata.Kita ko ang biglang pagtalim ng tingin niya.

"Patayin?ha? Ikaw lang ang gumagawa non sa sarili mo!?marami namang mas madaling paraan para makalimutan sya pero yan ang pinili mo! Tapos ngayon kami ang sinisisi mo? Hindi, tumayo ka dyan hindi mo kaya di ba? Ako ang gagawa ng paraan para makalimot ka" pagkasabi nya non walang sabi-sabi, hinila niya ako patayo at dinala sa labas.

"Tingnan mo ang paligid.Napaka sigla, pero ikaw wala kang ginawa kundi magkulong sa madilim mong bahay."wika niya.Sinunod ko naman ang sinabi niya at tumingin ako sa paligid.Tama siya masigla nga ito at puno ng kulay.Napangiti ako ngunit agad ding nawala ang ngiting yon.

"Ganon pala, lahat sila masaya at ako lang ang mag-isa.Mas mainam yon walang nadadamay."

"Mas gugustuhin ko ng ganito Lizette.Ako lang ang nagdurusa wala ng madadamay na iba." Tinitigan nya ako ng matagal at saka bumuntong hininga.

Still Behind his BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon