Chapter 41

199 4 0
                                    

Matthew's POV

December 24 na ngayon at tatlong araw na kaming nakakulong dito habang pinapanood si Chezkha na nahihirapan

Laking pasasalamat nalang namin at walang nangyari sakanya sa loob ng tatlong araw na'yon

Halos wala kaming naging tulog sa takot na may mangyaring masama kay Chezkha kahit alam naming wala kaming magagawa

Pero habang tumatagal siya mas lalo lang bumabagsak ang lagay ng katawan niya .Namamayat siya at kahit sa malayuan ay nagiging maputla ang kulay niya

"Wala ba tayong gagawin para makalabas sa bwisit na impyernong to?!" nagulantang kaming lahat sa sigaw ni Ivanz.Patuloy sya sa pagsira ng pintuan

Awang-awa na kami sa kanilang dalawa hindi namin alam kung kelan kami makakatakas sa lugar na'to

Lumapit ulit kaming mga lalaki para tulungan siyang baklasin ang pinto.Kitang-kita na ang umaagos na luha at pawis dulot ng pagod

Patuloy lang kamu habang ang mga babae ay abala para bantayan si Chezkha lahat kami dito ay nag aalala lalo na ang mga babae

Dahil halos tatlong araw kaming walang pagkain paano pa kaya si Chezkha.Ni minsan hindi ko inisip na aabot sa ganito ang lahat

Chezkha's POV

Pagod na ako.Pagod na pagod. wala akong tigil sa pagtakbo sa takot na abutin nanaman ng dilim masyado ng mahirap kumilos lalo na at madilim

Isa pa, ilang araw na ako dito ni pagkain at tubig hindi ko manlang natikman

Ganyan sya kahayop para planuhin ang lahat ng nangyayaring ito

Ilang araw na at parang gusto ko nalang mamatay pero hindi. Hindi maari dahil gusto ko pang makasama si Ivanz at maging masaya kami

Pero sa ganitong lagay ko paano? napatingin ako sa mga sugat ko. Ilang araw na ito pero hindi parin tumitigil sa pagdurugo isang sanhi kung bakit mas nanghihina na ako ngayon

Tumingin muna ako sa paligid bago naupo.Kailangan ko na ng pahinga kung gusto kong tumagal sa laban na sinimulan ko

Pinunit ko ang laylayan ng damit ko at kumuha ng dahon ng malunggay para magsilbi itong pangpigil sa pagdurugo

'ahhhhhh'

Napahiyaw ako sa sobrang hapdi na idinulot nito sa braso ko dumagdag pa ang mga gasgas dulot ng pag akyat ko sa puno

Mabilis akong natigilan ng may kumaluskos.Tumayo ako at nagtago sa isang matandang puno

Hindi nga ako nagkami dahil may isang nakaitim ang naligaw sa gawing ito

Nakatalikod siya sa pwesto ko kaya dahan-dahan akong lumapit at mabilisang hinampas ang batok niya

Isang saglit lang ay bumagsak sa lupa ang lalaki kaya kinuha ko ang mga dala nitong armas tulad ng baril at ilang mga maliliit na kutsilyo

Namiss kong humawak nito

Ilang taon nadin simula ng tumigil kami ni Patricia sa ganitong uri ng hobby ang mix martial arts and dagger shooting

Naging libangan namin ito sa loob ng dalawang taon kaya bihasa pa din ako kahit paano

Lumayo na ako sa lalaking tulog habang dahan-dahan na umaalis sa pwestong yon

Naisipan kong umakyat sa puno para makapahinga muna

Sandaling oras lang ang iginugol ko sa pag akyat at namamahinga na ako hanggang sa hindi ko namalayan na lumalalim na pala ang tulog ko

Still Behind his BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon