Finale.
Ivanz's POV
"May dala akong magandang balita para sayo"sabi nito kaya humarap ako upang kausapin siya.
"Anong magandang balita ang sinasabi mo?"nagtataka kong tanong.
"Pumunta sa HQ ang inutusan mo at sinabing nahanap na niya si Chezkha."mabilis akong natigilan sa mga salitang binitawan niya.
"Nasaan? Saan ko matatagpuan si Chezkha? Paano niya agad nalaman? Kelan pa?"sunod-sunod na tanong ko pero imbis na sagutin ang tanong ko, walang sabi-sabi ay hinila niya ako pabalik ng headquarters kaya wala akong ibang nagawa kundi ang magpatianod nalang.
---
"Ayon sa source ko matatagpuan daw sa San Francisco, California USA si Chezkha.May nakapag sabi sakin na doon na daw nakasettle si Chezkha."kausap ko ngayon ang taong binayaran ko para hanapin si Chezkha.
Hindi ako makapaniwala.Makalipas ang maraming taon.Nahanap ko na siya!
Noong malaman ko na umalis siya ng bansa agad akong naghanap ng solusyon para masundan si Chezkha pero sa kasamaang palad kahit ang mga kaibigan ko ay walang alam kung nasaan si Chezkha.
Inirerespeto daw nila ito kaya hindi na sila nagtanong kung nasaan ito.Ni balita kay Chezkha ay wala silang alam.
Kaya ngayong may lead na ako, napaka saya ko dahil sa wakas! Sa loob ng mahabang panahon ay magkikita na kaming muli!
'Maghintay ka lang Chezkha, malapit na ulit tayong magkita.'
Napakalawak ng ngiti ko na halos umabot na ito hanggang tenga at walang pagsidlan ang sobrang ligayang nadarama ko sa mga oras na ito.
Matapos magpaliwanag sakin nung agent na inutusan ko, nagmadali ako papuntang kwarto at nag impake ng damit ko.
"Wala na akong pakialam sa maiiwan ko dito basta ang gusto ko lang makita ulit siya."sabi ko sa sarili ko.
Kinabukasan. Agad akong nagpabook ng flight papuntang California para puntahan si Chezkha
Wala along inaksaya pang panahon at nagpunta na akong Incheon Airport para hintayin ang oras ng flight ko.
Pagbaba ko ng airport, nagulat ako ng makita and mga kaibigan ko na nag aabang sa entrance.
"Guys what are you all doing here?"takang-taka kong tanong.
"Ivanz, where here to congratulate you pare!" Sagot ni Niecky.Lumapit ako sa kanila at isa-isa silang tinapik sa likuran.
"Salamat mga pare.nag abala pa kayo.Siya malapit na ang oras ng flight ko kailangan ko ng pumasok."paalam ko sa mga bugok.
Nag lakad na ako patungo sa entrance pero Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok at narinig ko ang Boses ni Matthew.
"Sana.. pagbalik mo dito, masaya ka na at kasama no na siya."sinabi niya yun kahit na Hindi pa ako humaharap sa kinatatayuan niya.
Napangiti na lamang ako at nagpatuloy na sa pag pasok.
Ilang oras lang ang nagdaan, narating ko na agad ang airport dito sa California.

BINABASA MO ANG
Still Behind his Back
JugendliteraturTHE GIRL BEHIND HIS BACK season 2. The group were able to fulfill their dream as an Artist. The life of the Infinite continues to shine brighter. Despite their booming success in the music industry, Ivanz never forget his love towards Chezkha but st...