Chapter 36

199 7 0
                                        

Chezkha's POV

Tatlong linggo na akong nakakulong sa abandonadong bodegang ito

Walang ibang ginawa ang mga taong yun kung hindi ang saktan ako

Ginagawa nila ito na para bang isa itong bitamina na hindi ko maaaring kalimutan

At ngayon ay isa nanamang panibagong araw.panibagong sakit nanaman ang mararamdaman ko

Hindi na pumasok sa isip ko ang tumakas dahil alam kong wala itong patutunguhan

At sa mga sandaling ito ay gusto ko nalang mamatay.Ang kamatayan nalang ang nag-iisang daan upang maka alis ako sa impyernong lugar na ito

Wala na akong makita ni katiting na pag asa.Wala akong magawa

Nang mag angat ako ng tingin ay natanaw ko na ang naglalakihang katawan ng mga tauhan ng kung sino man ang nagpakidnap sakin habang may hawak-hawak na baseball bat sa kanang balikat

Nagsimula nanaman akong kabahan."How are you feeling today pretty lady"wika nito ngunit hindi ko siya sinagot at sa halip ay tinignan ko siya ng masama

"Ughh"sa isang iglap ay may lumabas na dugo na nagmula sa sarili kong bibig dulot ng hampas ng baseball bat

Tila nainis siya sa paraan ng pagbati ko.Sa totoo lang ay wala ng epekto sakin ang mga suntok at hampas nila dahil matagal ng namanhid ang katawan ko sa mga sakit na dulot nito

Matapos humataw ng baseball bat ay isang paa naman ang tumama sa bahagi ng tyan ko dahilan para mapaluhod ako sa sakit

Muli ay lumapit nanaman sakin ang lalaki.Hinawakan niya ng mahigpit ang panga ko.ang sakit, sobrang higpit ng pagkakahawak niya

"I don't like girls who stare at me in that way.Don't do the same thing or you will feel much harder on what you feel everyday." hindi ko siya pinansin sa halip ay ibiniling ko ang ulo ko.

"Hey! dude don't be that harsh on her madam might come today" bigla ay naalerto ako.Ni minsan kasi ay hindi ko pa nakikita ang master mind ng lahat ng ito

Binitawan na ako ng lalaki sa wakas pero iniwanan nya naman ako ng sampal at sa sobrang lakas nito ay nabiling na ang mukha ko sa kabilang gilid

Mabilis akong nag angat ng tingin para harapin ang mga lalaking nakapaligid sakin

"I stay here for a long time but still you don't tell me.So who is your leader?"walang pag aalinlangan kong tanong

Matagal siyang tumitig sakin bago sumagot"My leader said not to tell any single info to you regarding her identity but don't worry you'll gonna meet my leader very soon"

Hindi na niya ako muling pinagtuunan ng pansin at lumabas na siya ng bodega

'Sana lang hindi ko kilala ang taong ito na dumukot sakin'

Ivanz's POV

Makalipas ang ilang linggo nakumpirma ko na nawawala nga si Chezkha

Mabilis ko itong ipinaalam sa mga otoridad pero nakalipas na ang ilang araw ay wala pa silang nakukuhang lead maski isa

Sa totoo lang ay maging ako ay nahihirapan dahil kahit ang mga CCTV footage na nakuha ko ay walang kinapuntahan

Hindi pa namin malaman kung sinong pwedeng kumuha sakanya.Nagtanong-tanong na din ako sa mga kasamahan niya sa trabaho wala naman daw silang maalalang naka away ni Chezkha

Pero sa isang tao ako naguguluhan.Kay Patricia.May mga salita siyang sinasabi na nakakagulo sa isipan ko ng kausapin ko siya kanina

'Alamin mo ang mga nasa paligid mo Ivanz'

'Isa kang malaking bahagi ng puzzel. Konektado ikaw si Chezkha at ang master mind at kapag nabuo mo madali mo na siyang mahahanap'

Yan ang eksaktong sinabi niya kanina dahilan para makapag-isip pa ako ng malalim

Alam kong hindi angkop sa oras pero kailangan ko munang unahin ang pagsosolve ng puzzel na sinasabi ni Patricia

At kung totoo nga ang sinasabi niya umaasa akong mahahanap ko si Chezkha sa ganitong paraan

Nixie's POV

Panibagong linggo nanaman ang nagdaan at hanggang ngayon hindi pa rin nawawala anh pangamba ko at sa halip ay lumala pa nga

Dahil ilang araw nalang at magpapasko na nakastock kami dito sa condo

Kinailangan ko magasikaso ng mga handa namin sa noche buena

Abala ako sa pupunas ng pinggan ng may tumawag.Mabilis akong tumakbo sa sala upang kuhanin ang cellphone ko

"Hello Niecky, hon bakit?"pang bungad ko habang bumabalik sa kusina at ipinagpatuloy na ang pagpupunas ng pinggan

[Hon, ano si Chezkha nawawala!] wika niya.Nabitawan ko ang pinggan.Sa isang iglap ay nawala ang mga ingay sa paligid ko at nawala bigla ang mundo

'Paano? bakit?'

Mabilis na bumalik ang senses ko ng marinig ang ingay ng apat

"Nixie! huy! Nixie! anong nangyayari?" sa isang iglap ay inaalog na pala ako

Hindi ako makatingin sa kanila at hindi rin ako makapagsalita.Ni katiting na tinig ay walang lumalabas sa bibig ko

"Huy! bakit nabasag ang pinggan?" usisa nanaman nila

"Si Chezkha..." wika ko ng sa wakas ay bumalik na ang tinig ko

"Anong nangyari kay Chezkha?" tanong ni Lizette.

"Siya ay...nawawala" dugtong ko.Nakita ko na mabilis na nagbago ang ekspresyon sa kanilang mga mukha mula sa pagtataka ay napalitan ito ng takot at pag aalala

Tila ang lahat samin ay nagmistulang estatwa ng wala ni isa ang makakilos

"Ano pang hinihintay natin pumunta tayo ng Korea!?!" biglang sigaw ni Lizette ng makarecover sa pagkabigla

Mabilis kaming nagsipag alisan sa kusina.Hindi na inintindi ang naiwan

Ilang minuto lang at ang lahat ay nakahanda na.Mabilis kaming lumabas ng condo at nilock ito.

Sa isang mabilis na kilos ay narating namin ang airport.Wala na kaming sinayang na oras at agad kaming sumakay ng eroplano.

Korea...

Mabilis ang naging byahe namin.Agad kaming bumaba ng eroplano at dumiretso sa sasakyan namin papunta sa tutuluyan naming condo

Wala pang tatlumpung minuto ang naging byahe ay narating namin ito

Binaba lang namin ang mga gamit at agad kaming dumiretso sa condo ng mga lalaki gaya ng sinabi ni Niecky

"Kamusta may lead na ba kayo?"yan agad ang bungad namin pagdating na pagdating

"Hanggang ngayon wala pa din" nanlulumong sabi ni Ivanz

Bigla ay parang gumuho nanaman ang mundo namin

'mauulit nanaman ba ang nangyari 5 years ago? ayoko na pleaseee masyado ng masakit ang kahapon hindi ko na kaayanin kung mauulit pa ito ngayon'

"Hon wag ka ng umiyak everything will be fine" bigla ay natigilan ako.Dahan-dahan kong hinawakan ang pisngi ko

Basa.

Hindi ko manlang napansin na umiiyak na pala ako

'sana nga lang ay maging maayos na ang lahat'



-----
Wahhhh! yung Chezkha ko iligtas nyo huhuhu

Sino nga kaya ang master mind?hmmm keep on reading and voting guys! labyah all <3

Still Behind his BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon