Eufritz's POV
"bwisit" mabilis akong tumalikod para hindi niya makita ang luhang tumulo sa mga mata ko.
Hanggang ngayon hindi parin nawawala ang matinding galit na nararamdaman ko at mas lalong hindi pa naghihilom ang sugat na dinulot mo
*Flashback*
Naglalaro ako sa garden ng bahay namin.Napalingon ako bigla sa gate ng magkasunod na pumasok si Mommy at Daddy kaya hinayaan ko nalang.Pero makalipas ang mahigit 30 minutes, laking gulat ko ng mabilis na lumabas si Mommy ng bahay at may dala itong mga bagahe.Pinanood ko siyang maglakad palapit sakin.
Mabilis akong umiyak ng marealized ko ang nangyayari.Aalis kami ng bahay.IIwan namin si Daddy.Mas lalo akong umiyak.
"Mommy sandali! saan po ba tayo pupunta?"umiiyak kong tanong
"ayaw ko pong iwan si Daddy!"pilit niya akong hinihila ngunit walang sagot sa aking mga katanungan
"Anak wag ka ng maraming tanong.kailangan nating umalis dito sa ngayon"pagpapaliwanag ni mommy ngunit sadyang wala akong maintindihan ayokong intindihin habang pinipilit niya akong hilahin.
"Eurika! hindi ka pwedeng umalis! hindi mo pwedeng dalhin ang anak ko!" rinig kong sigaw ni daddy habang palabas siya ng bahay.
"At ano?hahayaan kong makasama ka namin ni Eufritz? Jazpher hindi ko kayang makita ang anak nating nagdurusa ng dahil sayo! ng dahil sa pamilyang ito! sawang-sawa na akong makaranas ng hirap! ayoko na!" sigaw ni mommy kay daddy at nag patuloy na sa pag bitbit sa mga bagahe pati na rin sa paghila sakin.
Papalabas na kami ng gate ng huminto biga si mommy.Napatingin ako sa kamay niya dahil doon siya nakatingin, doon din ako tumingin yun pala ay hawak ito ni daddy.
"aalis na kami" paalam ni mommy at saka siya tumingin ng matalim kay daddy at kinalas niya ang kamay sa pagkakahawak ni daddy.
Pumara agad si mommy ng taxi at mabilis kaming sumakay.Walang nagsasalita samin ngunit alam kong umiiyak si mommy.Ilang sandali pa ay humarap sakin si mommy.
"Anak pasensiya na sa nakita mo kanina ahh? pero wag kang mag alala kasi simula ngayon titira na tayo sa isang malaking bahay tapos makakakain na din tayo ng masasarap na pagkain.Makakaranas na din tayo ng marangyang buhay." tuwang-tuwang balita niya habang ako naman ay titig na titig sakanya.
Sa totoo lang ay hindi ko gusto ang ideya mo mommy.Una sa lahat hindi ko pa alam ang kapupuntahan natin isa pa sa paanong paraan? anong gagawin mo para tumira sa malaking bahay?
lahat ng yan ang gumugulo sa isip ko.Hindi ako sang-ayon sa gusto ni mommy.Alam ko kasi kung anong nagaganap sa kanila.Alam kong gusto na ni mommy iwan si daddy noon pa dahil lagi ko silang nakikitang nag aaway.Ayokong masira ang pamilya namin.Pero sa pagkakataong ito mukhang hindi ko na kayang pigilan.Nangyari na ang kinatatakutan ko
Wala akong kaideya-ideya sa pupuntahan namin hanggang sa huminto ang sinasakyan naming taxi sa isang malaking bahay Ang bahay ni Chezkha.
"Ngayon alam ko na kaya pala nasabing marangya."mapait na wika ko.Noong araw ko lang na iyon napagtanto ang isang bagay.Naghanap siya ng bagong asawa, yung mas mayaman at mas makapangyarihan.Samantala iniwan niya ang daddy ko ng luhaan at nagdurusa.
Bigla ay nagalit ako sa sarili kong ina
Matapos kong titigan ang malaking bahay saktong bumukas ito.Iniluwa nito ang isang lalaking mukhang nasa 25 and above ang edad.Doon ko na isip na baka ito ang bago niyang asawa.
Hindi nga ako nagkamali sa hinala ko ng lumapit ito kay mommy at yakapin ito.Nagkamustahan muna sila bago ako naisipan ipakilala ni mommy sa lalaki.Pinatuloy niya kami sa bahay nila.Sa sala naman ng bahay ay mayroong batang babae na malawak ang pagkakangiti sakin.Yun naman si Chezkha.
BINABASA MO ANG
Still Behind his Back
Teen FictionTHE GIRL BEHIND HIS BACK season 2. The group were able to fulfill their dream as an Artist. The life of the Infinite continues to shine brighter. Despite their booming success in the music industry, Ivanz never forget his love towards Chezkha but st...
