Chapter 30

194 12 0
                                    

Chezkha's POV

Kinanukasan...

Pag gising ko palang sa umaga wala na akong ginawa kundi ang tumunganga

'aishhh ang tanga kasii'

kung bakit ba naman kasi ako nagpatukso sa lecheng puso na to!

*Flashback*

Nagising ako sa kalagitnaan ng hating gabi at dahil nga siya at siya pa din ang iniisip ko hindi ko namalayan na narating ko na ang lugar kung saan ginanap ang concert

Ng makabalik ako sa ulirat ay huli na sapagkat nakatitig na siya at hindi ko malaman kung ano ba ang nakikita niya sa mga mata ko

Nagmadali akong lumabas ng concert hall para makaiwas na

*end of flashback*

Ang tanga- tanga! tapos ngayon may pasok paano na??!

Nakakapanglumo ang ganitong siste! salamat naman at nalayasan ko siya kagabi

'kasi may papunta-punta pang nalalaman yeh'

Sabi ng kabilang bahagi ng isip ko.Hindi ko na ito pinansin at naghanda nalang para sa pagpasok

Makalipas ang ilang minuto ay handa na ako kaya dali-dali akong bumaba ng building at dumiretso sa parking lot

After 15 minutes…

Magmadali akong umakyat sa second floor para pumunta sa studio

Mabilis akong nakarating pero agad ding napahinto

At kung minamalas ka nga naman!?!

Sa hamba ng pintuan ay nakasandal lang naman ang lalaking iniyakan ko magdamag

Umatras ako ng konti at dahan-dahang lumayo sa studio.Halata kasing may iniintay siya at hindi naman sa pagiging assuming pero ako ata ang inaantay niya

Ilang sandali pa ay nawala na siya sa paningin ko kaya dali-dali akong pumunta sa make up room ng studio

Nagsimula na akong ayusin ang mga papeles na ipapasa ko bukas sa mismong cosmetic company na pinagtatrabahuhan ko

Makalipas ang ilang oras ay mabilis na lumipas at lunch time na.Niligpit ko sandali ang mga gamit ko at naisipan ko ng lumabas ng studio room

Sinilip ko muna si Ivanz kung nasa paligid pa ba siya.Lumabas din agad ako ng masiguro kong wala siya sa paligid

Kahit na nagmumukha na akong tanga dahil sa paglingon na parang may pinagtataguan ay ipinagpatuloy ko pa din ang pagmamasid sa paligid

'thanks o God at wala siya'

Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan ng mapansing wala siya sa paligid ko

Nagmadali akong bumalik ulit papunta ng studio sa make up room naglalakad ako ng biglang may nakabangga

ouch/aray!

Agad akong napahinto sa paglalakad dahil sa nakabungguan ko.Mabilis na nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa nakita ko

Kumaripas ako ng takbo papasok ng make up room at isinarado ko ang pinto ng malakas

"Huy bakit ba kanina ka pa aligaga dyan"halos mapatalon ako sa gulat dahil sa nagsalita.Hindi ko alam na may iba pa pala akong kasama dito

"Hehe wala okey lang ako"pilit ang ngiti ko at bumalik na ako sa table at itinuloy ang ginagawa ko

Mabilis nanamang dumating ang afternoon break.Wala na sana akong balak tumigil sa pagtatrabaho ngunit may kumatok sa pintuan ng make up room

Still Behind his BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon