Chapter 44

189 6 0
                                    

Someone's pov

Tahimik akong sumisimsim sa glass wine na hawak ko habang naghihintay.

Nandito ako sa isang sikat na restaurant at hinihintay ang date ko

Ilang sandali pa akong nakatitig sa pintuan ng restaurant ng maaninag ko ang taong hinihintay ko

Wala sa sarili ay napangiti ako pero agad ding nawala ng makalapit na siya

Mahigit isang linggo na kaming magkasama at ganito ang set up pero ni minsan hindi nagbago ang ekspresyon na mababakas sa mukha niya poker face.

Kung tutuusin para lang akong sumasama sa isang hangin dahil sa sobrang tahimik niya

Hindi ko tuloy alam kung bakit gustong gusto ko siyang kasama? parang bigla ay natawa ako sa sarili kong naisip

Ganyan kasi ako magmahal, nagiging tanga nakikita na nga nagbubulag-bulagan pa

Binalot kami ng nakakabinging katahimikan pag upo niya

Lumingon ako sa kusina at sakto namang may lumabas na waiter agad ko naman itong tinawag para makapag order na

Inabutan kami ng menu at walang imik namin itong kinuha

Siguro nga ay,napapansin na ng waiter na mukhang napipilitan lang ang kasama ko.

We ate in a silence for the whole duration.He never talk he never ask me but not this time

"Ikaw ang naglagay ng kahon na may patay na hayop sa harap ng bahay namin tama?"napatitig ako sakanya.Pailalim na ang tingin niya at napakatalim nito na tila makakapatay ng tao

"Hmmm so nagsumbong na pala sayo ang babaeng yun? great ang bilis naman talaga ng balita haha!"napatawa ako,masyadong nakakatawa ang ekspresyon niya nakikita sa mga mata niya ang nag aapoy niyang galit sakin

But I don't care

"Ipinakita ko lang naman sayo ang mga kaya kong gawin just incase you know" walang pag aalinlangan kong sinagot ang tanong niya

Because honestly natuwa ako ng makita ang matinding takot sa mukha ng babaeng yon.

'Serves her right.Kung pwede nga lang ang gusto ko mamatay na siya!'

"Para saan pa? andito na ako at hindi niya nalalaman ang existence mo ano pang gusto mo?" hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang galit sa mga mata niya.

Huminga ako ng malalim at inabot ang mga kamay niya"sorry babe.hindi ko na uulitin yung ginawa ko"I apologize.Hindi ko kayang makita ang nagliliyab sa galit na mga mata niya kapag titignan ko ito.Bumuntong hininga na lang ako at hinalikan ang kamay niya.

Sa totoo lang atensyon mo lang ang gusto ko.Pero mukhang kahit ang oras mo hindi mo kayang ibigay kaya nangyayari ito kung ako sana ang minahal mo...

Siya nalang ang kaligayahan ko kaya ayoko na pati siya ay mawala.Kaya gaya ng ipinangako ko bumalik ako at guguluhin ko ang buhay niyo.Hindi ako papayag na ako lang ang mag-isang magdurusa.

Natigilan ako.Bigla siyang tumayo"excuse me I lost my appetite"without saying a word umalis siya

Dahil ako nalang mag-isa, nag iwan ako ng bayad sa table at umalis na

'hayyssst I guess this will be a long process'

Ivanz's POV

ISANG LINGGO.

Isang linggo na parang wala ako sa sarili ko.Isang linggo na hindi ko kasama si Chezkha at Isang linggo na niloloko ko si Chezkha

Ayoko nito, ayoko ng lokohin si Chezkha dahil mas masasaktan ako pag nalaman niya dahil iiyak nanaman siya at mas mabigat sa loob ko yon

Still Behind his BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon