Sophia's POV
"Aishhh! ang unfair talaga! buti pa si Patricia pinayagan nila samantalang tayo pinaiwan dito kainis!" maktol ni Glaiza. Para siyang bata na inagawan ng pagkain sa itsura niya ngayon.
"Sana Glaiza naiintindihan mo na kaya hindi tayo pinasama ay para hindi tayo maging abala sakanila doon sa loob" sagot naman ni Nixie na halatang bored.
"Bakit sila lang ba ang nag aalala!? paano naman tayong mga naiwan dito sa van—" naputol ang mahabang litanya ni Glaiza ng biglang bumukas ang sliding door ng van.
Tumambad sa amin ang mga mukha ng mga lalaki.Habang sa harap naman pumwesto si Patricia.
"Manong paki hinto po sa Address na'to" utos ni Patricia sabay abot ng kapirasong papel.Tumango naman ang driver bilang tugon.
Binalot ng isang nakakabinging katahimikan ang buong byahe kaya ako na ang bumasag ng katahimikan."Kuya saan tayo pupunta? asan si Chezkha?—"
"Shhhhh shut up Sophia" putol ni Shenize sa tanong ko agad naman akong napalingon sakanya at tinapunan sya ng matalim na titig.
Nakipag tagisan din siya sakin ng tingin na parang sinasabing makisama nalang ako sakanila ngunit hindi ko ito pinansin.
"Hawak nila si Chezkha.Pinaglalaruan nila tayo kailangan nating sumunod para hindi dumanak ang dugo" nabaling sakanya ang atensyon ko.Nagsalita si Kuya ngunit nasa malayo ang tingin na para bang sobrang lalim ng iniisip.
Hindi ko alam kung sadyang magulo ang pagkakasabi niya dahil wala akong naintindihan sa lahat ng ito gayunpaman ay hindi ko na lamang ito pinansin
Matapos ng nakakabinging katahimikan namin sa byahe ay narating na namin ang address na sinasabi ni Patricia
Pagkababa namin nagulat kami na sa isang Hotel kami ibinaba
Bakit ganun? tama ba'tong napuntahan namin?
Kahit na naguguluhan kami ay nagpatuloy padin kami sa pagpasok
Pero laking gulat namin na isa lamang itong simpleng lobby at mayroong nag-iisang kwarto
'Anong klaseng lugar ba'to?'
Abala ang lahat sa pagtingin sa paligid ng biglang may sumigaw.Mabilis na nabaling ang atensyon namin sa sumigaw at nakitang nakahandusay na sa malamig na sahig si Ivanz.
'Hindi!'
Mabilis kong inikot ang paningin ko sa paligid.Napana si Ivanz dahilan para bumagsak ang katawan niya.
'Sinong gumawa nito?!'
Ilang sandali pa at napuno na ng hiyawan ang paligid hanggang sa maramdaman kong unti-unti ng lumalabo ang paligid.
*Black out*
Chezkha's POV
Ilang oras din akong nakasandal sa lintik na sliding door na'yon dahilan para mamanhid ang mga paa ko
"Haysst saan kaya ako pupunta ngayon?"
'Hindi ko alam na may ganitong lugar dito'
Bahagyang naglakbay ang imahinasyon ko biglang may tinig na bumalot sa paligid ko
"Hey there Chezkha! heard about the movie 'Mocking Jay'?doon nakabase ang takbo ng larong ito hahahahahahaha!" may tinig na nagsalita hindi ko alam kung saan ito nagmumula kaya inilibot ko ang aking paningin at napag alaman ko na sa mga speakers lamang ito nagmumula nakakalat ito sa buong paligid
Nakikilala ko kung sino ang nag mamay-ari ng boses na iyon sigurado akong boses iyon ni Eufritz napakahayop talaga niya
"At sa larong ito ikaw ang gaganap bilang Katnice Everdeen isn't it exciting?"wika niya sa tuwa dahil halata namang nasisiyahan siya sa mga nangyayari tss.

BINABASA MO ANG
Still Behind his Back
Teen FictionTHE GIRL BEHIND HIS BACK season 2. The group were able to fulfill their dream as an Artist. The life of the Infinite continues to shine brighter. Despite their booming success in the music industry, Ivanz never forget his love towards Chezkha but st...