Patricia's pov
THREE DAYS PASSED oo tatlong araw ng nawawala si Chezkha ni hindi nagparamdam kung nasaan siya at kelan siya uuwi
Hindi ko rin siya macontact kaya heto ako nagmamaneho habang patuloy padin sa pagdutdot sa cellphone hoping na sagutin niya
"My goshh!?!"bulalas ko out of frustration alalang-alala na ako sa kanya pero wala akong magawa
Makalipas ang ilang minuto narating ko na ang isa sa lugar na pwede kong makuhanan ng impormasyon
Dali-dali akong pumasok at huminto sa information desk"Miss saan po nagshoshoot ang Infinite?"bungad ko sa clerk
"Ma'am studio 6 po sa room 105"magalang na sagot nito sandaling pasasalamat ang tugon ko at agad akong dumiretso sa room na sinabi nung clerk
Pagkababa ko ng elevator agad na bumungad sakin ang room na sinabi ng clerk
*TOK*TOK*TOK*
Tatlong katok muna ang ginawa ko bago tuluyang binuksan ang pintuan
At pagsilip ko lahat ng mga mata ay nakatuon sakin
'ano ba yan para namang may nanakawin ako!?!'
Mga matang nagtatanong agad ang bumungad sakin"Ahh andyan po ba si—"
Agad akong natigilan ng lumabas na si Ivanz"Ivanz pwede ka bang makausap?"kahit na ang rude ng dating sa kanila nito ay inexcuse ko na si Ivanz
Tuloy-tuloy akong lumabas ng studio at naramdaman ko naman na nakasunod si Ivanz
Lumayo lang ako sa studio at huminto sa pinaka dulong hallway na nadaanan ko at nanatiling nakatalikod sa direksyon niya
Sandaling katahimikan ang namagitan at ako na ang unang bumasag"nasaan si Chezkha?"walang alinlangan kong tanong bago humarap sa kanya
Kita ko ang unti-unting pagkunot niya ng noo at doon ko napagtantong wala din siyang alam
Malalim akong napabuntong hininga at nagpasyang umalis na
'nag aaksaya lang ako ng oras dito—'
Pero agad din akong tumigil ng pigilan niya ako gamit ang kaliwang kamay"anong ibig mong sabihin?"tanong nito habang ganon pa din ang ekspresyon sa kanyang mukha
Doon na unti-unting nanlabo ang paningin ko"Ivanz tatlong araw na siyang hindi umuuwi wala akong contact sa kanya at walang makaalam kung nasaan siya!?!"halos pumiyok na ako sa pagsambit ng mga salitang iyon dahil sa pag-iyak
Nakita ko naman ang gulat sa mga mata ni Ivanz ngunit hindi ko na ito pinansin at maglalakad na muli pero pinigilan niya ulit ako
"Sandali tutulong ako"sabi niya pero ang tingin niya ay nasa dulo padin ng hallway
Tiningnan ko lang siya at nagpatuloy na ako
'Tumulong ka sa paraang kaya mo'
Yun lang ang nasabi ko at muli na akong sumakay sa kotse
Ivanz' pov
'si Chezkha nawawala?'
Agad akong binundol ng kaba ng malaman ko ang balitang iyon
'saan naman siya pupunta?'
Shit wala siyang alam dito sa Korea baka mapahamak siya!?!
Dali-dali akong bumaba ng building at nagdrive sa kung saan
Hindi ko na pinansin pa ang tinig ng mga tumatawag na crew sakin

BINABASA MO ANG
Still Behind his Back
Teen FictionTHE GIRL BEHIND HIS BACK season 2. The group were able to fulfill their dream as an Artist. The life of the Infinite continues to shine brighter. Despite their booming success in the music industry, Ivanz never forget his love towards Chezkha but st...