Chapter 46

207 2 0
                                    

Chezkha's POV

The long wait is over 'cause today is the wedding day.But I'm afraid.

I'm so afraid. Napaparanoid na ako lahat ng negatives iniisip kong mangyayari.

Paano kung hindi siya dumating?

Paano kung hindi niya ako pakasalan?

Paano kung napilitan lang pala siya?

Maraming bagay ang tumatakbo sa isipan ko sa mga oras na'to.

Isang linggo na. Isang linggo na simula ng huli ko siyang makita.Hindi ko na alam kung anong iisipin ko.Mas natatakot akong hindi siya dumating dahil ikamamatay ko yun.

Simula kaninang umaga andito na ako sa dressing room at inaayusan.Mga walang katapusang pagmemake up pag aayos ng buhok at kung ano-ano pa.

I should do this on my own pero ayaw nila akong payagan.Andito na kasi si Mommy kaya wala akong nagawa.

Third Person's POV

Matapos ang mahigit na tatlong oras na pag aayos kay Chezkha sa wakas ay handa na ang dalaga.

Palabas na siya ng kanilang tahanan suot ang mahabang tube gown na may mala- kulay silver na sinturon sa gawing bewang at napamamalamutian ng kulay asul,berde at pulang nagkikinangang mga bato sa gawing dibdib at laylayan ng gown.

Habang ang buhok niya naman ay nakalorteng kulot sa laylayan at deretso sa gawing taas habang suot-suot niya ang koronang bulaklak na nakalagay sa ibabaw nito.

Pagbukas niya ng pinto, naghihintay na sakanya ang lalaking may katandaan na ang mukha na siyang maghahatid sa kanya sa simbahan.

Inalalayan siya nito papunta sa kulay puting kotse na may kulay puti ding bulaklak sa harapan.

Habang nasa byahe ay mas lalo pang lumala ang kabang nararamdaman ni Chezkha ang lahat ng emosyon ay unti-unti ng naghahalo sa kanyang isipan.Ang Saya,kaba at takot ay tila naging iisang emosyon na lamang.

Makalipas ang ilang sandali at narating na nila ang simbahan ang kabog sa dibdib ng dalaga tila tinatanggalan nito ang kakayahang makarinig.

Makalipas ang ilang sandali, kumatok na ang wedding organizer at sinabing mag-uumpisa na sa loob ng tatlong minuto

Mukhang hindi naman nagkaroon ng aberya kaya nakahinga ng maluwag ang dalaga.

Sa hindi kalayuan, may isang pigura ng tao ang naaninag na nakatayo sa gilid ng mga halaman.Nakasuot ito ng itim na damit.

Pinanonood niya mula sa malayo ang bawat galaw at kilos ni Chezkha.

Sa kabilang banda naman sa loob ng simbahan, hindi mapakali ang binata.Pinupuno na din ng kaba at takot ang dibdib nito dahil alam niyang eto ang huling masayang mga ala-ala niya kasama ang babaeng pinakamamahal niya.

"Stand by everyone we will start" hudyat ng wedding organizer kaya ang lahat ay nagsiayos na ng kani-kanilang pwesto at kasuotan.

*Now playing:Once In a Lifetime*

Been thinkin about you baby
And i dont know what to do
All i think about is you

Seems everything around me
Things I've never understood
They all make sense when im with you

Still Behind his BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon