Chezkha's POV
After so many years waiting for him its now over
Charot!
Matapos ang ilang oras kahihintay na mag lunch break eto na sa wakassssss
Mabilis pa sa alas kwatro ay nakatayo ako sa pwesto ko.Masyado nang nagwawala ang mga dragon ko sa tyan at wala silang planong magpapigil
geezzzz kailangan ko ng makain!
Nagmadali akong sumakay sa elevator at pinindot ito sa groundfloor
Finally! nakalabas din! papatawid na sana ako ng may humintong van sa harapan ko
Agad namang nangunot ang noo ko.Dahan-dahan itong nagbukas at may lumabas na tatlong lalaking nakaitim
Nakatitig lang ako sa kanila.Unti-unting nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kung anong nangyayari.Handa na sana akong tumakbo pero huli na ang lahat
May nagtakip ng panyo sa ilong ko at hindi ako makahinga
'Help!'
Hinging tulong ko bago nawalan ng malay
Glaiza's POV
Tanghaling tapat at wala kaming trabaho kaya tambay kaming lima dito sa condo
At dahil maganda ako natripan ko maglinis.Nagsimula ako sa sala dire-diretso papunta sa unang kwarto which is yung sa'kin
Dahil hindi naman ganon karumi yung kwarto ko mabilis akong nakatapos at agad lumabas upang pumasok sa sunod na kwarto
Ang kwarto ni Lizette.Masyado rin siyang malinis kaya imbis maglinis ako ay natripan ko munang titigan ang kwarto niya
Punong-puno ito ng kpop posters mostly exo at infinite at pagdating naman sa table niya andun naman nakalagay ang picture niya,picture ni Jared at picture nilang dalawa
Sa isang gilid ay picture naming barkada
Lumabas na ako at pumasok sa sunod na kwarto ang kay Sophia
Kung kanina ay malinis ang isang eto ay kabaligtaran puro alikabok, nagkalat ang balat ng sitchirya sa tiles at pati ang maruming damit ay nakakalat sa buong parte ng kwarto
Nagsimula ako sa pagpupulot ng mga basura sinunod ko naman ang mga marumi niyang damit tapos saka ako nagwalis
Nang sa wakas ay natapos ko na ay tumigil ako at pinagmasdan ito ulit
Kung kanina masakit sa mata tingnan ang mga kalat ngayon naman ay napakaganda na nito
Kung si Lizette adik sa kpop eto naman adik kay Taylor Swift andami niya kasing poster,damit,items etc. na related o may mukha ni Taylor
Sunod na pinasok ko ang kwarto ni Shenize.Hindi naman din makalat kaya hindi ako nahirapan maglinis
Kung titingnan ang kwarto niya halos walang pinagkaiba sa kwarto ni Lizette at syempre picture ng boyfriend niya
Kaya nilayasan ko na din
Pumasok naman ako sa kwarto ni Nixie
Malinis din ito at napapalibutan ng lavender wallpaper mahilig kasi siya sa kulay na yon
At kung itatanong niyo naman ang nakapaligid sa kwarto niya? wala.puro lavender color na gamit lang dahil nga yun ang trip niya
Lumabas na ako at pinasukan ang huling kwarto sa condo namin ang kay Chezkha
Hanggang ngayon talaga ay hindi ako makapaniwala na buhay siya at higit sa lahat misteryoso din ang pagkabuhay niya
So anyways naririnig ko na ang boses ng apat kaya pumasok na ako sa kwarto

BINABASA MO ANG
Still Behind his Back
Teen FictionTHE GIRL BEHIND HIS BACK season 2. The group were able to fulfill their dream as an Artist. The life of the Infinite continues to shine brighter. Despite their booming success in the music industry, Ivanz never forget his love towards Chezkha but st...