Chapter 1: Meet my Dad

1.2M 9.7K 671
                                    

 “Yumiko try mo ito for sure bagay sa’yo” 

Kanina pa talaga si Jane nagsusuggest ng mg damit na gusto niya pero talagang hindi ko type. Hindi naman sa sobrang panget ng pinipili niya. Talaga lang, hindi ako mahilig magsuot ng sexyng dapit.

 “Jane naman ayoko niyan sobrang sexy”

Tatlong beses ko ng tinanggihan ang alok ni Jane na damit.

 “Eh ano ba naman gusto mo? Iyong magmukha kang Manang?”

Bulalas ni Jane.

 "Cge na. Wala namang mawawala sa'yo kung isusukat mo diba?"

Tinulak ako ni Jane papuntang dressing room at inabot iyong white tube cocktail dress.

Pumasok nalang din ako sa loob ng dressing room dahil sa wala na akong choice.

By the way,I’m Yumiko Perez isang half Japanese pero hindi naman ako marunong magjapanese. hahaha. labo ba masyado? Iyong Mom ko Japanese while my Dad is a Filipino. Lumaki ako sa piling ng Daddy ko at never ko pang nakilala or nakita man lang kahit sa picture si Mommy. Sabi kasi ni Dad eh namatay daw iyong Mom ko pagkatapos niya akong ipanganak. Pero ni minsan hindi ko naramdaman ang pagkukulang ng isang ina dahil pinunan naman lahat iyon ni Daddy. Naging Daddy and Mommy siya sa akin at the same time.

 “Yumiko lumabas kana. Di ka pa ba tapos?”

Siya naman si Jane Cruz ang dakilang bestfriend ko. Magkakilala na kami ever since highschool. Siya ang naging kapatid ko at bestfriend ko at the same time. I really can’t imagine my life without her. Wala naman kasi akong madaming friends sa school.

 “Eh Jane nahihiya ako di naman kasi bagay sa’kin”

Actually kanina pa ako tapos magbihis kaso lang naiilang ako sa suot ko. Ang ikli tapos tube pa naman 'to. Baka malaglag eh ano nalang ang mukhang maihaharap ko? -_-

 “Pwede lumabas ka muna? Pano ko malalaman kung bagay ba sa’yo kung hindi ka lalabas diyan sa dressing room?”

Pasigaw ni Jane sa’kin. Again, wala na akong choice kundi ang lumabas at humarap sa kanya. 

Paglabas ko ng dressing room, nakatingin agad si Jane sa’kin. Iyong tipong mula ulo hanggang paa.

“Bagay naman ah”

Sabi niya habang nakangiti.

 “Talaga? Kaya lang ang sexy masyado. -__-”  

“Ano kaba ganyan talaga iyan noh. Sige bihis kana ulit para mabayaran ko na iyan.”

Pumasok ulit ako sa loob para magbihis. Pagod nadin naman ako dahil kanina pa kami andito sa mall kaya pumayag na ako don sa dress na pinili ni Jane.

Pagkatapos kong magbihis sa damit ko binayaran agad ni Jane ang damit. Mahal masyado 6,000 pesos para sa damit lang. Ang mayayaman talaga.

 “Yumi sa kabilang shop naman tayo. Bilhan kita ng killer heels”

Sambit ni Jane na halatang halata sa mukha niya ang pagka-excite.

“Ano kaba Jane huwag na ano kakahiya na. May sapatos naman ako iyon na lang gagamitin ko.”

Hindi naman kasi kailangan pang bumili ng bagong sapatos kung may magagamit ka pa naman diba? Sayang lang ang pera at isa pa, hindi ko naman kasi araw araw magagamit iyong heels. Alangan naman mag heels ako sa tuwing papasok ako ng school? Hassle lang, pwede namang mag flats. Kahit nga magtsinelas ka lang pwede dahil wala namang dress code don sa university namin.

 “Ano kaba Yumi mamaya kana mahiya pagkatapos nito.”

Kinuha ni Jane ang kamay ko at hinila papasok sa kabilang shop.

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon