Chapter 14: Yumiko & Miyuki

310K 3.7K 156
                                    

Tinatamad akong bumangon..

Sunday nga pala ngayon...Kailangan ko pang magsimba..

Pero kakatamad ..Ang sakit ng ulo ko. Naalala ko ang lahat ng nangyari kahapon, masaya ako dahil successful ang operation ni Daddy pero iyon ginawa sa’kin ni Kurt. Ang sarap niyang kurutin na parang kuto, ang sarap niyang tapak tapakan na parang ipis. Naiinis ako. Naiinis ako. Paano niya nagawa sa’kin iyon?

5 minutes more Yumi..

*beep* *beep*

Ilang beses ng tumunog ang cellphone ko pero hindi ko ito pinansin. Alam ko naman kasi kung sino ang nagtetext. Si Kurt.

Kagabi pa kasi siya text ng text pero hindi ko talaga sinasagot text niya..Pano ba naman kasi pagkatapos niyang makipaglandian sa babae niya magtetext siya sakin kasi tapos na sila? duh!!.

Hindi naman sa nagseselos ako ha..Ang akin lang kasi..diba may pakakasalan na siya? Tapos eh siya pa nagsuggest ng contract namin..Tapos makikipaglandian siya sa iba? 

>>.<<

Kaya naman pala hindi siya makatanggi sa emergency niya..Dahil kay SHANICE..

Well mag sama na silang dalawa..>>.<<

Diing dong..

Oh isa pang epal..kaaga aga nambwebwesit na..Sino naman kaya ang nagring ng doorbell?

Wala rin akong choice kundi ang bumangon..Hindi na ako nagbihis kahit nagsuklay man lang..

Paki ba niya noh?

Pagbukas ko ng gate, bumungad ang mukha ni Manong sa’kin.

"Good morning po Ma'am..Delivery po para sa inyo."

“Good morning din Manong.”

Bati ko naman sa kanya pabalik.

"Pakipirma lang po dito Ma'am.."

Inabot niya sakin ang papel at ballpen..

Pinirmahan ko naman...

"Salamat po Manong..."

Kinuha ko na iyong kahot saka ako pumasok sa loob ng bahay.

As usual wala na namang pangalan at address ng nagpadala..

Hindi po ito ang first time..

Nagpapadala talaga siya ng kahit ano kada buwan..Kahit anong maisip niya..

Ewan ko talaga kung sino ang nagpapadala..Hindi ko alam kung saang planeta ko siya makikita..

Minsan din pera pinapadala niya..Malaking tulong talaga para sa hospital bills at school fees ko..Kung sino kaman..maraming salamat po..

Binuksan ko iyong box..

May maliit pang box sa loob at letter..

Inuna ko iyong letter..

"I want you to wear this on your wedding day..Congratulations!!!"

Ehh? Oh ayan..

Naniniwala na talaga ako sa sinasabi nilang may pakpak talaga ang chismis..

Binuksan ko iyong maliit na box..

It's a jewelry set..Ang ganda!

Magmumukha naman akong prinsesa nito..

Chos lang!

Riing Riing..

Narinig kong tumunog ang telepono ko kaya dali dali akong umakyat sa taas para kunin iyon.

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon