Chapter 52: Difficult Decision

241K 2.7K 171
                                    

YUMI's POV

"Jane, sigurado ka ba dito?" tanong ko sa kanya

"Oo..Follow mo lang iyong instructions diyan sa loob mamaya..Hindi ko din alam iyong process niyan kasi hindi ko pa nasusubukan.." sabi niya

Tumango lang ako..

Sasabihin ko ba kay Kurt?

Huwag na muna..baka negative iyong result eh ma dissapoint pa iyon..

Riiing..Riiing..

"Hello Kurt?"

(Yumi,asan ka?)

"Andito kami ni Jane sa pharmacy malapit sa school..May binili lang.."

 (Anong binili mo? May masakit ba sa'yo?)

"Ayy wala naman..Si Jane may binili, sinamahan ko lang.."

(Ahh ganun ba..Sige puntahan na lang kita diyan..)

Hinintay na lang namin si Kurt..

"Yumi.."

Binaba ni Kurt iyong window ng kotse niya..

"Jane, mauna na kami.."

"Cge, total hihintayin ko pa naman si Paolo..Basta tawagan mo ako kung anong magiging results"

Tumango lang ako tapos pumasok na din ako sa kotse...

"Anong binili ni Jane sa pharmacy?" tanong bigla ni Kurt

"Ahh..ano lang..Neo Aspilet..Masakit kasi ulo niya.."

"Neo-Aspilet? Diba pambata iyon? Gamot sa lagnat ng mga bata yun Yumi.."

"Ha? ahhh..Oo nga..Iyong pamangkin niya kasi masakit ang ulo kasi nilalagnat.."

Muntikan na ako don.. >_<

"Siyanga pala..San ba iyong Mameng's Carenderia?"

tanong niya bigla

"Ayy oo nga pala..Pupunta tayo don diba?"

Binigyan ko siya ng instructions kung saan liliko..

"Dito na tayo..Ayun oh!!"

turo ko Pinark lang namin iyong kotse tapos lumabas na kami..

"Aling Mameng.." tawag ko sa kanya habang papasok kami..

Nakiki FC lang din e :))

"Ohh Ija, ikaw pala..Iyan ba iyong asawa mo?"tanong niya

"Opo..si Kurt po..Hindi ko pa pala napapakilala iyong sarili ko kagabi..Yumi po ang pangalan ko.."

"O cge maupo na kayo..Ano pa la order niyo?"

"Kagaya po kagabi Aling Mameng..Dalawang order po.."

Pero siniko ako bigla ni Kurt..

"Ayokong kumain non.." pabulong niya sakin..

Pero hindi ko siya pinansin..

Umupo na lang kami..

"Yumi...Ayoko ngang kumain.." kulit talaga

"I promise masarap talaga.."

"Yumi, Kurt eto na oh.." sinerve na ni Aling Mameng iyong paa ng baboy..

"Salamat po.." Balak ko sana ngayon na kumain ng nakakamay ulit pero baka ayaw ni Kurt..

"Kain ka na..masarap iyan.." sabi ko

"Kadiri tingnan oh..." sabi niya

"Tikman mo na lang kasi..."

Dahil sa mapilit talaga ako at ako ang BATAS!! hahaha..

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon