Chapter 32: Fist Fight

304K 3.7K 247
                                    

Friday na ngayon..

Pagkatapos ng class ko naghiwalay na kami ni Jane..Kailangan pa kasing mag prepare para mamaya..Aalis kami..Papuntang resthouse nina Paolo..Ngayon kasi ang celebration..

Hindi ko alam kong sino sino ang mga kasama namin..Pero wala daw parents nila..Bawal daw kasi KJ.. haha..Kawawa naman!!

Sabay na kami ni Kurt umuwi sa bahay..

Bati na kami eh :))

Pagdating namin sa bahay umakyat na ako agad at inayos iyong mga kailangan kong dalhin..Sunday night pa kasi ang uwian..

Pagbukas ko sa drawer nakita ko iyong contract namin ni Kurt..

Dalhin ko na lang ‘to, baka nakawin pa, malaking problema..

Nilagay ko ito sa pouch ko tapos nilagay nadin sa brown na bag..

Dahil din naman magpinsan si Paolo at Kurt, susunod na lang kami sa kanila..alam din naman ni Kurt ang lugar..

 “Yumi, tapos ka na ba? Papasok ako ha..” tanong ni Kurt

 “Cge..Pasok ka..” pumasok na siya sa kwarto ko..

 “Hindi ka pa tapos?”

 “Malapit na..Sandali na lang..”

Kinuha ko iyong sunblock, lotion, cleanser, toner at iba pa echos sa katawan at mukha ko..

Okay na siguro..Nasa bag ko na lahat ang gamit ko..

 “Okay na ako..Tayo na.. Asan na gamit mo?” tanong ko sa kanya

 “Nasa kotse na..Tarana..” Dinala niya ang bag ko sa baba..

Tapos umalis na kami..

Wooo!! Outing!!

Matagal tagal nadin talaga akong hindi nakakapag relax..Alam niyo na busy masyado..

Bandang 9 PM na kami nakarating sa resthouse..

Pagdating namin don ang daming tao..may Pool party..

 “Kurt pare..Long time no see..Kumusta ka na..Girlfriend mo?”

tanong nong isang naka topless na lalaking may dalang baso ng alak..

 “Hindi pare..Asawa ko..” tapos umalis na din kami..

Iyon lang iyon? Ahh baka hindi lang talaga sila close..

Halos lahat ng tao don kilala si Kurt..

Sikat talaga..

Hinahanap na namin sina Jane..

Nasa loob pala sila..

 “Yumi, bakit ang tagal niyo?” tanong ni Jane..

 “Ehh ano kasi ehh…ehh..” hindi ko matapos tapos iyong sasabihin ko

 “Ang bagal niya kasi kumilos…” sabi ni Kurt -__-

 “Hindi ka parin talaga nagbabago Yumi..” sabi ni Jane

 “Tatlong rooms lang ang nandito sa resthouse.. Kailangan nating hatiin iyon.. anim tayo..” sabi ni Paolo

 “Anim? Sino pang andito?” tanong ni Kurt

 “Andito din si Shanice at Gab..Kaibigan ko din naman sila..So ganito ang mangyayari..Kami ni Gab magkasama sa isang kwarto, si Shan naman at Jane at syempre kayong dalawa..Mag-asawa naman kayo kaya okay lang..” sabi ni Paolo

 “Pero…..” sabi ko

 “Okay na pre..San ba kwarto namin?”  tanong ni Kurt tapos dinala na niya iyong mga gamit namin

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon