Chapter 44: What's happening?

233K 2.7K 139
                                    

KURT's POV

Maaga akong umalis ng bahay para puntahan si Gab..Kailangan ko lang ng taong masasabihan ng problema ko..

Hindi ko na ginising si Yumi..Masama parin kasi iyong loob ko sa kanya.. Pero alam ko hindi naman talaga niya kasalanan lahat.. Sumama lang iyong loob ko kagabi kasi hindi niya agad sinabi iyong mga nangyari lalo na iyong kay Vince..

Maaga kaming nagkita ni Gab sa tambayan namin.. Matagal nadin akong hindi nakakapunta dito..Noon kasi kasama pa namin si Vince dito.. Pero pagkatapos ng nangyari sa kapatid niyang si Vina, hindi na ulit kami pumupunta dito..

"Pare.."

Mas naunang dumating  si Gab..Mas malapit lang kasi bahay niya sa tambayan namin..

"Oh Kurt..Okay na ba kayo ni Yumi?" tanong niya

"Hindi pa nga ehh..Hindi pa kami nakapag-usap ng maayos simula kagabi..Mainit pa kasi ulo ko non..Baka mamaya mag-uusap na kami.."

"Pag-usapan niyo na ang problema niyo habang maaga pa..Baka kapag patatagalin niyo pa iyan mas lalo kayong mahirapan sa pag-ayos.."

Tama nga naman si Gab..

Pag-uwi ko mamaya makikipag-usap ako kay Yumi..

"Kurt..Siguro panahon na para ayusin niyo narin ang gusot niyo ni Vince.."

Napaisip ako sa sinabi ni Gab..

Kung tinatanong niyo kung ano talaga iyong nangyari saming dalawa ni Vince..Ang totoo hindi ko rin alam..Pagkatapos nong nangyaring aksidente kay Vina hindi na kami muling nag-usap pa ni Vince..Sinubukan kong magpaliwanag pero hindi niya ako pinakinggan..Lumipat na din siya ng bahay pagkatapos kaya hindi ko na siya nahanap ulit..

Hindi ako galit kay Vince..Alam ko may kasalanan din naman ako sa nangyari..Pero hindi ko pinaasa si Vina..Talagang parang kapatid lang iyong turing ko sa kanya..

Bago ako umalis ng bansa, nagkita ulit kami ni Vince..Pero ibang Vince na iyong nakita namin..Hindi na siya iyong Vince na kaibigan ko..Iyong Vince na kilala namin..

Binugbog niya ako pati ng mga kasama niya..Siguro iyon iyong paraan niya para makaganti sa'kin..Hindi na ako pumalag..Dahil kaibigan ko parin siya at dahil gusto kong maging maayos parin iyong samahan namin sa kabila ng mga nangyari..

Dumating iyong mga pulis habang binubugbog nila ako..Nagtatatakbuhan iyong mga kasama niya pwera na lang kay Vince..

"Tandaan mo Kurt..Hindi pa tayo tapos..At sa susunod na pagkikita natin..Kukunin ko ang babaeng pinakamamahal mo.."

Iyon iyong huling sinabi ni Vince sa'kin..

Kaya ganun na lang ang reaksyon ko ng makita ko si Vince..

Hindi niyo rin naman masisisi sina Gab at Jane kung ganun din iyong reaksyon nila ng makita nila si Vince..Alam nila iyong nangyari noon.. Gusto kong matuwa at bumalik na si Vince..Pero natatakot ako na baka totohanin niya iyong banta niya sakin noon..

"Hindi ko alam Gab..Gusto kong makipag ayos kay Vince..Pero natatakot akong baka may gawin siyang masama kay Yumi..Hindi ko makakayanan iyon kung sakali.."

"Pero pare..Papano kung wala naman talagang balak na masama si Vince..Pano kung nakalimutan na niya ang lahat ng nangyari sa inyo?"

Napaisip ulit ako..Paano kung ganito? Paano kung ganyan?

Pero hindi ko kayang isugal si Yumi...

Hapon na ng maghiwalay kami ng landas ni Gab..

Kailangan ko na ding umuwi para makipag-ayos kay Yumi..Hindi ko kayang ganito na lang kami palagi..Ang sakit sa pakiramdam..

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon