Chapter 6: The Contract

353K 4.4K 263
                                    

KURT'S POV

Saturday ngayon. Ayoko sanang pumunta sa party. Mas gusto ko pang magkulong na lang sa room ko. Pagkatapos ng nangyari nong isang gabi di na ako lumalabas sa kwarto ko. Ang sakit lang. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mga tao lalo na si Shanice. Pero pinilit ako ni Dad kaya wala na akong nagawa.

Late na akong dumating sa party. Sinadya ko talaga para hindi makita si Shanice. Pagdating ko, the emcee introduced me right away. Pagkatapos non ay bumaba nadin ako para umalis. Wala ng rason para magtagal ako dito. Pero nakita ko si Shan galing ng comfort room.  Alam ko wala na akong dapat sabihin sa kanya pero gusto ko paring  humingi ng isa pang pagkakataon. Kaya sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa may fountain. Saka ko lang nawari na papunta pala siya

kay Gab..

Nag-usap sila ng bigla na lang niyang niyakap si Gab.

Ang sakit!!! Parang pinasan sa mga balikat ko ang buong mundo.

Ngayon alam na alam ko na talaga na wala na akong pag-asa kahit anong pagsusumamo ang gawin ko. Kahit na lumuhod ako sa harap niya, hindi na magbabago ang isip niya. Si Gab parin ang pipiliin niya.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kung gawin. Nagdilim na ang paningin ko kaya hinila ko ang babaeng nasa harap ko at hinalikan ko..

Hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon pero bigla na lang kaming napaligiran ng mga reporters. Ang daming camerang nakaflash sa amin kaya hinila ko siya pagkatapos. Kawawa naman iyong babae nadamay pa sa kagagawan ko. Pero hindi kami tinigilan ng mga taga media. Buntot ng buntot. Nakakainis na..

Tumigil ako at sinagot ang tanong nila...

"She's my fiance.."

Sa wakas naman eh tumigil na din sila. Hawak ko parin ang kamay ng babae. Medyo nakakalayo na kami sa venue.

"Hoy excuse me lang ha kanina pa tayo lakad ng lakad. Masakit na ang paa ko at isa pa bitiwan mo nga ako. Ano bang kailangan mo?"

Bulalas ng babae. 

YUMI's POV

Nakakainis na itong lalaking ito. Kung hindi lang talaga masakit paa ko kanina ko pa ito sinipa eh. 

"Hoy excuse me lang ha kanina pa tayo lakad ng lakad. Masakit na ang paa ko at isa pa bitiwan mo nga ako. Ano bang kailangan mo?"

Binitiwan din naman niya ang kamay ko. Minasahe ko iyong binti ko. Ang sakit na talaga.

"Miss sorry sa ginawa ko kanina ha. Ano kasi.. di ko naman kasi sinasadya"

Umayos ako ng tayo..

"Anong hindi mo sinasad.."

 "IKAW?"

Sabay pa talaga naming sigaw sa isa’t-isa.

Siya iyong tumulong sa’kin non sa ospital. Iyong nakita ko kanina sa stage.

"Miss look. I'm sorry for what happened. Hindi ko sinasadya."

Hindi niya sinasadya? Anong ibig niyang sabihin? Alin ba sa ginawa niya ang hindi niya sinadya? 

"Ewan ko sa'yo"

 Pagtataray ko sa kanya.

"Umupo muna tayo doon. Mukhang masakit na paa mo."

Tinuro niya iyong bench malapit sa kintatayuan namin.

"Miss I'm really sorry."

Inulit na naman niya sa akin ng makaupo na kami.

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon