FINALE

300K 3.8K 672
                                    

YUMI's POV

"Si-----Sino ka?"

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko..Ako si Yumi? Ako ang asawa mo? Ako ang mahal mo? Ano? Hindi ko alam..T_T Hindi ba niya ako naaalala? Ito na ba iyong mga nangyayari sa mga pinapanood kong asianovelas na meteor garden? Na amnesia don si Dao Ming si..Nakalimutan niya si San Chai.. Ganito din iyong nangyari kay Jun Pyo..Nakalimutan din niya si Jandi..Ngayon naman si Kurt..Nakalimutan niya din ako..

"Kurt? Hindi mo ba ako naaalala? Ako si Yumi.." Tinuturo ko pa iyon sarili ko

"Kurt..Hindi mo ako pwedeng kalimutan..Kurt alalanin mo..Pilitin mo.." Tumulo na naman iyong mga luha ko..Ganito nalang ba kami palagi? Wala nabang katapusan ito? Kailan ba namin makakamit ang happy ending namin?

Tiningnan ko siya sa mga mata niya peroiyong mukha niya parang gulong gulo..Hindi niya talaga ako maalala..Tiningnan ko sila..Pero umiwas sila ng tingin sa'kin..Yumuko ulit..

Ano ng gagawin ko? Kailangan kong makausap ang doctor..Baka may magagawa pa sila..Pero ayokong iwan si Kurt dito..Baka..Baka may masama na namang mangyari sa kanya..

Nakaupo lang ako sa tabi ni Kurt..Iyak parin ako ng iyak..Bakit ba ganito? Bakit ba? Hindi ko maintindihan.. Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko sa pagtulo..Hindi ko namalayan tumutulo na  rin pala ang sipon ko..Pero wala na akong pakialam..Hindi ko na pinunasan ang sipon ko dahil sa sobrang emotional ko..Ganito pala talaga ang nararamdaman nina San Chai at Jandi..

"Yuckkks Yumi..Kahit kailan kadiri ka talaga..Punasan mo nga iyang sipon ko kakadiri...kadiri ka!!"

O_o

Tiningnan ko si Kurt..Siya iyong nagsalita diba..Pano niya nalaman iyong pangalan ko? Ahh oo nga pala sinabi ko iyong pangalan ko..Pinahiran ko iyong sipon ko gamit ang kamay ko..Pano ba naman kasi wala akong panyo..

"Kadiri ka talaga..Ba't di ka nagdala ng panyo?"

O_o

"Kurt? naaalala mo na ba ako?" Alam ko naaalala na niya ako..Alam ko talaga iyon..Kaya niyakap ko siya..

Pero tinulak niya ako..

"Maligo ka nga muna..Nakakahiya naman sa iba..Baka isipin nila iyong asawa ko baliw na nga, kadiri pa..Gamitin ba naman ang kamay para pahiran iyong sipon.."

Naaalala na talaga ako ni Kurt..Ang saya..Mas lalo ko siyang niyakap..Wala na akong pakialam sa sipon ko..basta naalala na niya ako..Saka ko lang siya binitawan..

"Kurt? Paano mo ako naalala?"

"Hindi naman ako nagka amnesia..hahaha..Hindi ko pa talaga sana sasabihin sa'yo kaso nakakatawa talaga iyong mukha mo..Hindi ko mapigilan ang tumawa..Para kang bata..Nakakdiri ka..Ayoko na talaga sayo -_-"

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon