Chapter 7: Gab's Confession

343K 4K 108
                                    

7:30 AM ang class ko ngayon. Kakatamad pero maaga parin akong nakarating sa school.

“Hi Yumi"

Bati nong babaeng hindi ko kilala.

"Hello"

Bati ko naman pabalik habang ngumiti sa kanya.

"Hi Yumi"

 Hanggang sa nakarating ako sa room namin, ang daming nag Hi, Hello, Good morning at kung ano ano pa. Nakakapanibago ang mga tao ngayon. Dati kasi hindi nila ako pinapansin. Di naman kasi ako sikat sa school.

"Yumi"

Bati ni Jane sa’kin.

"Hi Jane. Bakit namamaga iyang mata mo? Umiyak ka ba kagabi?"

Tanong ko sa kanya.

"Hindi noh. Hindi lang talaga ako nakatulog ng maayos."

Sagot naman niya.

"Bakit naman? May problema ba?"

"Meron. Malaki!"

Kinabahan naman ako sa sinabi niya.

"Ha? Ano naman iyon?"

"Pano kasi tawag ako ng tawag sa'yo di ka man lang sumasagot."

"Sorry medyo busy lang"

 NIlapag ko na iyong bag ko sa upuan ko saka ako naupo.

"So ano na?"

 Umupo nadin si Jane sa upuan niya katabi sa’kin siya humarap sa’kin.

"Anong ano na?"

 Tanong ko. Hindi ko kasi magets iyong tanong niya.

"Ang slow mo talaga. Syempre kayo ni Kurt. Hindi mo man lang sinabi ng maaga magpapakasal na pala kayo? Akala ko ba si Gab ang gusto mo? Labo mo talaga..pero kailan pa naging kayo ni Kurt?"

Sobrang nagulat ako sa sinabi ni Jane. Paano niya nalaman iyon? Naalala ko nalang bigla iyong babaeng umepal kagabi. Nasa news na siguro iyong tungkol sa issue namin ni Kurt. Hindi naman totoo iyon.

"Jane hindi naman sa ganun. ano kasi..."

Sinabi ko na lahat kay Jane ang nangyari. Pati na rin iyong contract namin. Alam ko nakasaad sa contract na wala dapat makaalam pero hindi ko talaga pwede malihim sa bestfriend ko.

"Sa tingin mo Jane dapat kaya akong pumayag?"

Hiningi ko ang opinyon ni Jane.

"Sa tingin ko eh..."

Ibibigay n asana ni Jane ang opinyon na ng bigla nalang pumasok ang  professor sa room namin.

"Good morning class."

"Usap na lang tayo mamaya."

Bulong ni Jane sa’kin.

3 subjects straight ako ngayon. So pagkatapos nito eh may dalawa pa. But the good thing is hanggang 12 noon lang kami.

Natapos din iyong 3 subjects namin. Nakakagutom..

"Lunch muna tayo?"

Alok ni Jane.

"Cge gutom na din ako eh."

Sagot ko naman.

Dumeretso na kami ni Jane sa cafeteria at nag-order ng pagkain namin. Mabuti nalang at may nahanap kaming bakanteng mesa.

"About kanina pala. HIndi ko talaga alam if dapat kang pumayag sa gusto niya."

Pagpapatuloy ni Jane sa naputol naming usapan kanina.

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon