Chapter 57: Dad's Letter

246K 2.4K 195
                                    

YUMI's POV

Ilang araw nadin akong sinusuyo ni Kurt..Pero wala pa din namang pagbabago..Ganun parin..Aaminin ko mahal ko padin siya..Mahal na mahal kaya sa tuwing nilalapitan niya ako at nagmamakaawa siya..Gusto kong humarap sa kanya, yakapin siya at sabihing mahal na mahal ko siya..Pero hindi ko pwedeng gawing iyon..

Huminto narin ako sa pag-aaral ko..Hindi ko kayang pagsabayin ang gastos sa school at ang pang-araw araw na gastos ko..Tapos ngayon dalawa na kami ni baby ang kakain.. Tinanong ako nina Jane kung anong nangyari..Pero hindi ko sinabi..Simula nong magkita kami ni Jane nong isang araw, hindi na ulit kami nagkita pa..Ayoko na muna silang makita..

Nakaupo lang ako sa kama ko at nakasandal ang ulo ko sa headboard..Kinuha ko iyong  bag ko at hinanap iyong letter..

Binasa ko ulit ang letter..Baka kasi mali lang iyong nabasa ko noon..Baka, naduling lang ako non kaya baliktad iyong nabasa ko..

Yumi anak..

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula..Anak, ang laki ng kasalanan ko sa'yo..All these years nabuhay ako sa pagsisinungaling sa'yo..I tried to be the best father for you, at the same time the best Mom for you but I know I failed.. Ang daming bagay na hindi ko sinabi sa'yo nong bata ka pa dahil lang sa inakala ko na hindi pa panahon para malaman mo and totoo..Masyado ka pang bata non para maintindihan ang mga bagay bagay..Madaling lumipas ang mga taon..Hindi ko namalayan na ang baby ko non ay isa nang napakagandang dalaga..I tried to tell you so many times about your Mom, pero hindi ko parin nagawa..Kasi natatakot ako..Natatakot ako na baka hanapin mo siya at iwanan mo ako..

Sinusulat ko ngayon ang sulat na ito Yumi dahil hindi ko alam kung makakahanap pa ba ako ng lakas ng loob para sabihin sa'yo ang totoo..Dahil sa tuwing nakikita kita anak, naaalala ko sa'yo ang Mommy mo at nong panahon na iniwan niya ako..

Maagang nawala ang Lolo at Lola mo sakin anak kaya kailangan kong kumayod para buhayin ang sarili ko..Pagkatapos kong maghighschool, hindi na ako nag college..Hindi ko din kaya ang gastusin sa kolehiyo..Naghanap ako agad ng trabaho.. Nakahanap ako ng trabaho non bilang isang waiter sa restaurant malapit sa University na pinapasukan ng Mommy mo.. Araw-araw siyang pumupunta don kasama ang mga kaibigan niya..Nong una ko palang siyang nakita alam ko na na mahal ko siya.. Kaya kumayod ako para makapasok sa University na pinapasukan din niya.. Sakto naman na natanggap ako non bilang scholar.. 

Pinagsabay ko non ang pag-aaral pati narin ang pagtatrabaho sa gabi..Kinaya ko anak kahit mahirap..

Naging magkaibigan kami ng Mommy mo..Dumaan ang mga araw, linggo, buwan at taon, lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya..Pero hindi ko inasahan na ganun din ang naramdaman niya para sa'kin..Naging kami ng Mommy mo.. Sinubukan naming ipaalam sa mga magulang niya ang relasyon namin..Pero pinaghiwalay lang kami dahil ayaw sakin ng tatay niya dahil mahirap lang akong tao..Walang patutunguhan sa buhay..Ang daming masasakit na salita ang binitawan ng ama niya sakin kaya mas lalo akong nagsumikap sa buhay..Pero hindi kami napaghiwalay ng mga magulang niya kaya lang naging patago iyong relasyon namin..

Gumraduate na kami ng Mommy mo kaya bumalik ulit kami sa mga magulang niya..Hingi ko ang kamay ng Mommy ko sa magulang niya..Pero sa ikalawang beses, hindi parin pumayag ang magulang niya..Ayaw nila sakin.. Dahil sa sobrang pagmamahal namin sa isa't-isa, naisipan naming magtanan ng Mommy mo.. Naghanap ako ng trabaho pero walang tumatanggap sa'kin..Hindi ko alam kung bakit..Dahil siguro sa impluwensya ng mga magulang niya.. Dahil sa kailangan kong makahanap ng trabaho, napilitan akong pumasok bilang isang construction worker.. Hindi gaano kalaki ang sweldo pero sapat narin para buhayin ko ang Mommy mo..Hindi ko sinabi sa kanya ang totooo kong trabaho dahil ayokong mag-alala siya sakin.. Araw-araw umuuwi akong may pasa sa katawan ko, pero kinaya ko para sa Mommy mo.. Alam ko malaking adjustment din ang ginawa niya para sa'kin..Mula sa buhay prinsesa niya patungo sa isang mahirap at simpleng buhay.. Pero masaya kami kahit papaano..

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon