Chapter 8: Taking Care of her

335K 4.1K 176
                                    

KURT's POV

Diing..doong..

Diing..Doong...

Bakit kaya hindi niya binubuksan ang gate? Wagas talaga ang babaeng ito..

Diing..Doong..

Isang beses nalang, kung wala parin siya talagang aalis na ako.

Diing Doong..

"ohh anong kailangan mo? Ba't nandito ka?"

Akala ko hindi na niya bubuksan ang gate.

"Wala lang. Ba't angtagal mo?"

Tanong ko sa kanya.

"Eh ano naman sa'yo? Umalis ka na nga lang."

Pagtataboy niya sa’kin. Isasara na niya sana ulit iyong gate ng bigla kong hinarang ang kamay ko.

"Okay ka lang ba? Namumutla ka kasi."

Kanina ko pa napansin na namumutla siya. Para siyang hindi nakakain o parang hindi maganda ata iyong pakiramdam niya.

"Okay lang ako. Papasok ka ba o hindi?"

Akala ko itataboy na niya talaga ako kaya dali dali na akong pumasok sa loob.

"Ano bang kailangan mo?"

Tanong niya sa’kin pagpasok namin sa bahay nila. Ang laki ng bahay nila. Hindi ba siya natatakot na tumira dito mag-isa?

"Wala naman. Gusto ko lang malaman ang sagot mo. Nakapagdesisyon ka na ba?"

"Ahh iyan ba...."

Hindi pa niya natapos ang sasabihin niya ng bigla na lang siyang nahimatay...

Buti nalang talaga at nasalo ko agad siya bago paman siya bumagsak sa sahig.

Naloko na 'to! Anong gagawin ko?

inakyat ko siya kwarto niya.

May tatlong rooms sa taas nila. Hindi ko alam kung alin dito ang kwarto niya. Binuksan ko iyon isa-isa.

Dito na siguro ang kwarto niya. Binaba ko na siya sa kama. Tss! Bigat niya. Nangawit tuloy ang mga braso ko.

Hinawakan ko iyong noo niya at kinompara sa noo ko. Ang init niya.  

Kaya pala namumutla siya kanina dahil nilalagnat siya.

Pero di ko alam gagawin ko. Kinuha ko ang cellphone at dinial ang number ni Jane.

Calling Jane..

(Hello?)

"Jane si Yumi kasi ano..ano.." 

(Anong ano? Hindi kita maintindihan.)

"Si Yumiko kasi nilalagnat. Ang init init niya."

(Ha? Naku lagot na. Painumin mo na lang ng gamot. Pero siguraduhim mo makakain siya bago mo painumin.)

"Pumunta ka na lang dito. Hindi ko alam gagawin ko."

(Eh di ako pwede ngayon. Kaya mo na 'yan. Cge na bye.)

"Kainis naman oh. Sige na nga"

Binalik ko na iyong cellphone ko sa bulsa ko at tinitigan si Yumi.

“Anong gagawin ko sa’yo ngayon?”

Bumaba ako at pumunta sa kusina. Hindi ko alam kung ano ang ipapakain ko sa kanya.

Binuksan ko iyong ref niya.

Walang laman?

Anong klaseng babae ito? Hindi man lang nagsostock ng pagkain

Dahil sa wala rin naman akong makuha sa ref niyang walang kalaman laman. Gamawa na lang ako ng porridge.

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon