Chapter 40: Flashback

274K 2.7K 45
                                    

YUMI’s POV

  

Tapos na ang class ko ngayong araw..palabas na kami ngayon ni Jane sa room..

“Yumi, ngayon iyong first day of work mo diba?” tanong ni Jane

“Anong work?”

Parehos kaming napatigil ni Jane sa paglalakad..

Andito pala si Kurt..Hindi man lang namin napansin..

“Ahh ano..School stuffs..Iyong project kasi namin..” pagsisinungaling ni Jane

“Ahh iyon pala..Andami niyong project..” sabi ni Kurt

“Oo nga ehh..Baka abutin kaming 1 month ni Jane sa gagawin naming project..Iyong sinabi ko sa’yo kagabi…Diba Jane?”

Sorry Kurt..Kailangan ko lang talagang magsinungaling..

“Ahh oo..”

sabi naman ni Jane

“Cge..Susunduin nalang kita gabi gabi kina Jane..”

“Ay huwag na Kurt..ihahatid na ako ni Jane ehh..Diba Jane?”

“Ahh oo..Ako na maghahatid sa kanya..” sabi ni Jane

 “Ganun ba? Cge..Tayo na Yumi? Ano Jane? Mauna na kami?” pagpapaalam ni Kurt..

“Cge ingat kayo..bye Yumi..Kita na lang tayo mamaya sa bahay..”

tapos kinindatan ako ni Jane..

 “Cge Jane..”

tapos nag wave ako kay Jane

T___T Maiintindihan mo naman ako Kurt diba? Malalaman mo din naman pero hindi pa ngayon..May tamang panahon para diyan..

Pagdating namin sa bahay..Inasikaso ko na iyong homework ko..Baka kasi hindi ko na magawa mamaya pagkatapos ng work at makatulog ako agad..

Binilisan ko na iyong paggawa ko ng homework tapos bumaba na at pinagluto si Kurt..

Si Kurt naman nasa kwarto lang niya..Baka nag-aaral? Hahaha..O baka natutulog? Hahahahah..Hindi ko alam kung ano ginagawa niya..Hindi kasi ako pumasok kanina..

Pagkatapos kong magluto eh tinawag ko na si Kurt para makakain na kami..

Pagpasok ko sa kwarto niya eh tama nga iyong pangalawang hinala ko..

Natutulog nga siya.. ahaha..huwag na tayong umasang makikita natin siyang nag-aaral..Pero infairness naman diyan kay Kurt kahit hindi naman siy nag-aaral eh matataas iyong mga marka niya..Talino ehh..

“Kurt..Gising na muna..Kakain na tayo..”

Pero hindi parin siya sumasagot..

 “Hoy Kurt..”

tinapik ko iyong balikat niya..

 “Kurt naman..Kain na tayo..Pupunta pa ako kina Jane ehh..”

 “Bahala ka nga diyan..Mauuna na lang ako..”

Tumalikod na ako sa kanya pero biglang hinawakan niya iyong kamay ko..

Akala ko ba eh tulog siya? Hindi ko alam kung pano niya ginawa pero bigla nalang niya akong hinala at pinahiga sa tabi niya..

He wrapped his arms around me..Nakahiga lang ako sa dibdib niya.. O_o It’s kinda awkward pero iba iyong feeling.. I felt safe in his arms..

 “Kurt..”

 “Shhh..Let’s stay this way..Kahit 5 minutes lang..”

Hindi na ako umimik..Tahimik lang kaming dalawa pero we both feel the same..Masarap sa pakiramdam..Rinig na rinig ko ang pintig ng puso niya..His heart beating for me..Only for me..

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon