Chapter 47: Dirty Games

255K 2.5K 336
                                    

YUMI's POV

Dumating na ang mga pulis at sina Gab..

"Yumi...okay ka lang ba?" agad agad an tanong ni Jane sakin habang tumatakbo siya palapit sa'kin..

"Okay lang ako Jane pero si Kurt.."

"Huwag kang mag-alala ..Tumawag na kami ng ambulansya..On the way na iyon.."

Pumasok agad iyong mga pulis.. May mga lalaking palabas ng bodega..Dinakip agad sila ng mga pulis..Pumasok pa iyong ibang pulis sa loob..Hindi ko alam kung ano ang iba pang nangyari sa loob..

Lumabas ang mga pulis kasama iyong mga kidnapper..

Pero hindi pa lumalabas sina Vince..Ano bang nangyayari? Gusto kong pumasok sa loob pero hindi nila ako pinapayagan..

Maya maya dumating na ang ambulansya..Pero wala pa din sina Kurt...

Kinakabahan na ako..

"Bilisan niyo..Andun sila sa loob.." sabi nong isang pulis don sa mga bumaba sa ambulansya..

"Ano pong nangyari?" Tinanong ko iyong pulis na nagsalita.

"May nasasak kasi Miss.."

Sinong nasaksak? Sino? Tumakbo ako papuntang loob..Buti na lang at walang nakapansin sakin dahil sa napagulong sitwasyon..

Nakita ko na lang na nakahiga si Kurt sa stretcher habang dinala nila siya sa ambulansya..Punong puno ng dugo ang damit ni Vince..

"Kurt..? Kurt...?" Sinusundan ko sila habang dinala nila si Kurt pasakay ng ambulansya..

"Pwede pong sumama? Ako po ang asawa.." sabi ko

"Cge..Sumakay ka na.."

Ramdam ko na ngayon ang pananakit ng mga paa ko dahil sa sapatos ko kaya tinanggal ko iyon at hinagis sa kung saan at tsaka sumakay sa ambulance..

"Kurt.." Hinawakan ko lang iyong kamay niya..

Dasal ulit ako ng dasal..

Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa ospital..Binaba nila si Kurt..Ako naman sunod ng sunod..Nakapaa lang, ang laki pa ng gown na suot ko..Napakasagabal..

Iyong mga tao nakatingin lang sakin..Sino ba naman kasi ang hindi titingin kung naka gown ka lang tapos naka paa pa..Ang gulo pa ng buhok ko..Pero wala na akong pakialam don..

"Dito na lang po kayo..bawal pong pumasok sa operation room.." sabi nong nurse

Umupo na lang ako at hinintay sina Jane dumating..

Hindi na talaga ako mapakali..

Ilang saglit lang din dumating na sina Jane..

"Yumi..si Kurt..?" tanong nila sakin

"Nasa loob pa siya.."

"I'm sorry Yumi..Ako ang may kasalanan.." sabi ni Vince..

Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin..Bakit siya humihingi ng tawad? Kung tutuusin nadamay lang naman siya dito dahil sa pagtulong niya..

"Yumi..Pwede ba kitang makausap?" sabi ni Vince

Tumango lang ako at sinundan siya..

Huminto kami sa lugar na kung saan wala masyadong dumadaan na tao...

"Yumi..Kasalanan ko talaga ang lahat ng ito.." sabi niya

"anong ibig mong sabihin Vince? Hindi ko maintindihan.."

"Ako talaga ang may pakana ng kidnapping mo.."

Nagulat ako sa sinabi niya..Pero hindi ko maintindihan kung bakit niya kami tinulungan..

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon