Chapter 41: Another Day

264K 2.6K 151
                                    

YUMI's POV

 Friday na..Nasa shop na ako..Medyo madami iyong customers ngayon..Hanggang ngayon hindi ko parin nakakausap si Vince tungkol don sa sinabi ni Gab..Hindi ko kasi alam kung paano simulan..

Siguro bukas na lang ng umaga total wala din naman akong gagawin..

Tinupad naman ni Vince iyong sinabi niya na ihahatid niya ako tuwing gabi sa’min..Except lang non napadaan dito si Gab..

Hindi din naman naging kumplikado iyong pagtatrabaho ko samin ni Kurt..Napakaunderstanding niya kasi.. Hininhintay talaga niya akong makauwi bago siya matulog..Paminsan minsan nakakatulog na siya sa couch.. Pero hindi parin niya alam na nagtatrabaho ako..Akala lang niya eh project naming ni Jane..

Pagkatapos ng work namin ni Vince inihatid na niya ako sa bahay..

“Salamat sa paghatid Vince..”

“Walang anuman..Sige pasok ka na..”

“Siyanga pala..May gagawin ka ba bukas ng hapon?” tanong ko

“Wala naman..Bakit may problema ba?”

“Gusto ko lang kasi kitang maka-usap..Baka pwede ka?”

“Cge..Text mo na lang ako kung saan at anong oras..”

Tapos non eh pumasok na ako..

Siguro kasi kailangan ko na siyang kausapin about nong nakaraan nila ni Kurt..Pero mas makakabuti kung ako lang muna iyong kakausap sa kanya saka ko na pag-iisipan kung kailan sila magkikita ni Kurt.. Gusto ko rin kasing pagbatiin sila..Misunderstandings lang kasi lahat ng nangyari noon diba? Sayang iyong friendship nila..

Siguro nga din ako na iyong daan para magbati na silang dalawa..

Pumasok na ako sa loob..

“Yumi, andito ka na pala.”

Ngumiti ako sa asawa ko..Akala ko kasi nakatulog ulit siya pero nanonood pala ng TV..

“Akala ko tulog ka na..” sabi ko at umupo sa tabi niya

“Hinintay kita..Namiss kita ng sobra..” sabi niya habang niyayakap ako..

“Nambola ka pa talaga..Ilang oras lang kaya ako nawala..” niyakap ko rin siya

“Kurt siyanga pala..Malapit na iyong birthday mo diba? Anong plano mo?” mukhang nabigla siya sa tanong ko..

 “Paano mo nalaman?”

“Ehh..Ako kaya asawa mo..Bakit naman hindi ko malalaman?” hahaha..Ang totoo niya Kurt si Jane nagsabi sakin..nyahahah..

“Galing talaga ng asawa ko.. Akala ko hindi mo alam eh..hehehe..Kung ako tatanungin mo, wala kong plano pero si Mommy meron..Gusto niyang magpaparty..”

“Party?”

“Oo..Mahilig kasi talaga si Mommy sa mga party..Kung ako lang talaga magdedesisyun eh gusto ko dito na lang tayo sa bahay..Konting salo salo lang..Pero iyon na daw ehh.. Pinagawa na nga niya iyong susuotin natin..”

Si Mama talaga napaka excited pagdating sa mga ganyang bagay..Kung dati iyong sa kasal ngayon naman iyong susuotin namin para sa party..hahaha

“Uhmm..Kurt, ano palang gusto mong regalo?” tanong ko sa kanya..

Ang totoo niyan kasi wala pa akong idea kung ano ang ibibigay ko sa kanya…Kahit hint man lang sana bigyan niya ako..

“Regalo? Kahit ano na lang basta galing sa’yo..” sabi niya

Sa lahat ng regalo ang kahit ano ang pinaka mahirap hanapin..Hindi ko kasi alam kung anong klaseng regalo ba iyang kahit ano..  T__T

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon