Chapter 34: Lost in the Woods

276K 3.5K 203
                                    

KURT's POV

Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana hindi na lang kami sumama pa ni Yumi..

Nawawala siya ngayon..Hindi ko alam kung san ko siya hahanapin..Isa lang ang alam ko, kailangan mahanap ko siya agad..

Ang lakas pa ng ulan..

Pagkatapos sabihin ni Gab na nawala si Yumi, agad na akong tumakbo papunta sa direksyon na tinahak nila kanina..Basang basa nadin ako pero wala na akong pakialam..

 “Yumi!!”

 “Yumi!!”

 “Yumi!!”

Ang dilim na..Hindi ko na masyado makita iyong daan kahit na may flashlight ako..

Nasan ka na ba Yumi?

JANE’s POV

Ako ang may kasalanan nito..Ako kasi ang nagsuggest kay Paolo na gawin namin ‘to..Ang totoo niyan, plano din namin iyong nangyari kagabi, iyong pinaghiwalay namin si Kurt at Yumi para pagselosin sila..Effective naman iyong nangyari kagabi..

Gusto lang talaga naming tulungan si Kurt at Yumi pero ngayon hindi maganda ang naging resulta.. Pano kung may hindi magandang nangyari kay Yumi?

 “Babe, hahanapin lang namin si Yumi..Dito lang kayo ni Shanice..” sabi ni Paolo sakin.

“Sasama ako..”

 “Huwag na..Baka kasi makauwi dito si Yumi..Mas mabuti ng andito kayo..Isa pa delikado na..Gabi na..”

Tumango lang ako..

Nag-aalala na kaming lahat pwera na lang kay Shanice..Nakaupo lang siya at nagtetext..May gana pa talaga siyang magtext sa sitwasyon ngayon?

 “Shan ano ka ba? Ba’t nagtetext ka pa diyan?” sinabi ko sa kanya

Tiningnan lang niya ako tapos bumalik agad sa pagtetext..

 “Eh anong gusto mong gawin ko? Umiyak dahil nawawala si Yumi?”

Kung sabagay tama rin naman siya..

Nagdasal na lang ako na wala sanang masamang nangyari kay Yumi..

GAB’s POV

Magkasama kami ngayon ni Paolo sa paghahanap kay Yumi..

Hindi na talaga ako mapakali..

 “Pare san mo ba huling nakita si Yumi?” tanong ni Paolo sakin

“Naalala ko dito iyon..Sinabi niya kasi sa’kin na masakit na ang paa niya..Sinabi ko sa kanya na magpahinga na muna kami kaso eh ayaw niya..Kaya nagpatuloy lang kami..Akala ko nasa likod ko lang siya pero nong lumingon ako wala na siya..Akala ko nong una eh pinaglalaruan niya lang ako pero hindi eh..Hinanap ko siya pero wala talaga siya..Akala ko din nakauwi na siya kaya bumalik ako..Kasalanan ko ‘to pare..”

Kalalaki kong tao pero naiiyak ako..

 “Huwag kang mag-alala pare mahahanap din natin si Yumi..Wala kang kasalanan..” tinapik niya iyong balikat ko..

Halos isang oras na kaming palibot libot ni Paolo pero hindi parin namin siya nakikita..

Hindi parin tumitila ang ulan hanggang ngayon..

Patuloy parin kami sa paghahanap..

Pero pagkatapos ng ilang minuto huminto na ang ulan..

Mas magiging madali na ang paghahanap namin kay Yumi..

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon